Chapter FOURTEEN
Liah’s POV
1 hour na akong naghihintay sa shed na toh, pero wala pa ring asungot na nagpaparamdam sa’kin, ang dami ko na ring nabiling pagkain sa kakahintay dito at nagsara na rin ang school namin. 5:30 na pero wala pa rin sya. Naku, makita ko lang talaga sya babangasan ko yung lalaking yun.
Another 30 minutes have passed pero wala pa ring asungot na nagpaparamdam ang dami ng kumakagat na lamok sa maganda kong legs eh :3 naglagay na rin ako ng off lotion ng hindi ako dapuan ng lamok at nagbabadya na rin ang malakas na ulan eh. Ang tanga ko naman bakit ba kasi hinintay ko pa sya eh si ASUNGOT lang naman yun. Pssh.
Iniligpit ko na yung mga gamit ko at handa ng umalis ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, PATAY! Wala pa naman akong payong pano ako uuwi nito? Niyakap ko na lang yung bag ko at naupo sa shed, baka kasi mabasa eh, sayang yung mga notes ko.
Maya-maya pa biglang may nagpark na kulay itim na Mercedes sa gilid ng shed, sinilip ko kung sino yung bumaba at nakita ko si Asungot na may dala-dalang payong.
“Oi, Amazona” pukaw nya sa atensyon ko. Napatayo ako sa pagkakaupo.
“Hoy Asungot~! Bakit ngayon ka lang hindi mo ba alam na kanina pa ako nghihintay dito ng pagdating mo pero wala ka pa~!?” sigaw ko sa kanya, naiinis ako eh. Sana sinabi nya ng maaga ng hindi ako magmukhang basang sisiw dito, naiintindihan ko naman eh.
“Sorry, may pinuntahan lang na meeting eh” paliwanag nya.
Di na ako nagsalita pa at tumahimik na lang inabot nya sa’kin yung isang payong at sumakay na sa sasakyan nya. Sumakay na rin sya at nagdrive na paalis sa school.
Tahimik lang kami habang nagbibiyahe, wala rin naman akong ganang makipagtalo sa kanya kase feeling ko magkakasakit ako eh. Habang nasa daan, napatingin ako sa kapaligiran at natiyak ko na hindi ito papunta sa subdivision namin, naku baka kidnappin ako ng mokong na toh.
“O-Oi San tayo pupunta?”
Hindi nya ako sinagot at focus na focus lang sa pagda-drive. Tssk. Hindi ba napapanis ang laway ng mokong na toh? Di nagsasalita eh.
Biglang itinigil nya yung sasakyan nya sa harap ng isang malaking bahay, medyo tumila na rin ang ulan eh. Pagbaba ko nakita ko yung kabuuhan nung bahay. MAlaki sya mas malaki pa sa bahay namin, wag nyang sabihing bahay nya toh?
“Is this your house?” tanong ko sa kanya.
Hindi na naman sya umimik at nagdiretso na lang sa loob, sinundan ko lang sya. Pagpasok na pagpasok namin, nakita ko agad ang malaking picture frame ng family nya at ang sala nilang kulay gold ang pintura. Basta ang ganda ng bahay nila. Yung hagdan nila paikot na may red carpet.
“Halika” umakyat sya sa hagdan at sumunod lang ako sa kanya.
“Ang ganda naman ng bahay niyo” puri ko sa kanya este sa bahay nila.
“Syempre gwapo ang nakatira” simpleng sagot nya. Pssh. Ang hangin dito. Whooh!
Tumigil kami sa isang pinto na may nakasabit sa pintuan na “knock first before you enter” pero pumasok si Asungot dun na hindi man lang kumakatok. Hindi ba sya marunong kumatok o hindi sya marunong magbasa. Tssk.
Patrick’s POV
Dumating na kami sa bahay, halata kay Amazona na gulat sa sobrang laki ng bahay namin, bakit hindi eh gwapo ang nakatira dito.TSsk.
(A/N: Ang hangin ditoo Whooh~! Ang kapal ng mukha nya :D)
Tssk. Wag ka ng umepal Ms. A crush mo naman ako ahh :D
BINABASA MO ANG
My Best Friend Boyfriend
Teen FictionBestfriend ko sya noon. Nagmahalan kami noon Pero bakit mortal na mag-kaaway na kami ngayon? Ano nga ba ang nangyari NOON na naging DAHILAN kung bakit malayo na ang loob namin sa isa't-isa NGAYON?