Chapter TEN
Nandito na ko sa school, wala rin namang nangyaring maganda kagabi kasi dumiretso na kami pauwi kaya wag na nating balikan pa.
Kasalukuyan akong naghihintay sa iba kong mga kaibigan, sina Erika at Bea nasa canteen, nagpasama kasi si Erika na bumili ng pagkain eh.
Maya-maya pa dumating na si Alexa at Angie, kaya naman dali-dali ko silang sinalubong.
“Besfieeeeeeeeee!!” sigaw ko sa kanila, sinalubong ko na rin sila sa hallway.
Besfie na ang tawagan namin sa isa’t isa kasi. Kasi. Kasi. Wala lang. trip lang namin.
Niyakap ko agad sila.
“Whoah, whoah, excited much? T-teka o-oi ma a out of balance kami” bumitaw naman agad ako sa pagkakayakap sa kanila at baka matumba pa kami ng wala sa oras.
Inayos muna nila yung blouse nila kasi medyo nayukot na dahil sa pagyakap ko sa kanila. Tapos humarap na sila sa’kin
“Ano naman ang drama mo at may pa yakap-yakap effect ka pang nalalaman?” naglalakad na kami papasok ng classroom.
Umupo muna kami sa upuan bago ako muling nagsalita.
“Wala lang namiss ko lang kayo”
“Namiss mo nga ba kami? Eh kahapon lang tayo huling nagkita ahh, di nga ano bang kailangan mo sa’min”-Alexa
“Eh kasi, kailangan ko yung tulong nyo” panimula ko.
“Ano namang tulong yan?”-Angie
“Naku, kung math lang rin lang, wag mo na kaming asahan, baka di namin magawa yang favor mo”-Alexa
“Hindi yun, gusto ko sana kayong imbitahin na sumali sa banda namin”
“Ano banda?”-Alexa
“Naku kung kakanta lang rin naman tayo sa mga patay, kahit wag na”-Angie
“Ano ka ba hindi noh, sa isang bar tayo tutugtog, sa bar ng tito ko, wala kasi silang mga banda na babae eh, kaya nag-apply ako”
“Naku yun bah? Game ako jan”-Alexa
“Yown naman! Eh ikaw Angie, sasali ka ba?”-Ako
“Pag-iisipan ko”

BINABASA MO ANG
My Best Friend Boyfriend
Fiksyen RemajaBestfriend ko sya noon. Nagmahalan kami noon Pero bakit mortal na mag-kaaway na kami ngayon? Ano nga ba ang nangyari NOON na naging DAHILAN kung bakit malayo na ang loob namin sa isa't-isa NGAYON?