Chapter Fifthteen

50 0 0
                                    

Chapter FIFTHTEEN

“Oi! Ano nga!?” di nya na ako pinansin at nagpatuloy na sya sa paglalakad habang tumatawa pa rin. May tama ata ang lalaking toh! Magagalit tapos biglang tatawa. Tsssk.

Dumating na kami sa dining at na amazed ako sa nakita ko, para kaming nasa isang kastilyo kasi ang haba ng table nila, siguro naglalaman yun ng 14 chairs. Tapos may chandelier pa sa gitna na nagsisilbing ilaw. Naabutan namin dun si Hannah na nagaayos ng hapag-kainan.

“Oh? Ba’t ang tagal niyo?” tanong sa’min ni Hannah pero naktuon pa rin ang atensyon nya sa paglalagay ng plato.

“Wala lang” naging seryoso na naman ang mukha ni Asungot at Umupo na sya sa hapag-kainan.

“Lika Liah, upo ka na rin” aya sakin ni Hannah, at tutal feel at home daw naman ako Umupo na nga ako at umasta na parang nasa maganda lang naming bahay.

“Sige kain na kayo” sabi ni Hannah.

My Best friend, My Boyfriend | © lovebabe1111

Alliah M.

Sasandok na sana si Asungot ng kanin ng bigla kong hinawakan yung kamay nya kaya naman napatingin sya sa’kin.

“T-teka lang” sabi ko..

“Ano!?” pssh! Galit na naman tong Asungot na toh!

“Pwede magdasal muna tayo?” tanong ko sa kanila, nagkatinginan naman silang lahat

Nagulat na lang ako ng biglang tapigin ni Asungot yung kamay ko. Napaka harsh talaga ng lalaking toh! Asar!

“Pwede ba! Flat TV! Di na kami bata para magdasal pa para sa pagkain!” huh? Ano daw? F-Flat TV?

“Ha? Anong Flat TV?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw kasi masyadong flat yan----OUCH!”napasigaw sya habang hinihimas yung ulo nya.

“Letche! Hoy Pipino! Bakit mo ko binato!?” tanong ni Asungot kay Hannah, halata mong inis na inis na sya.

“Ikaw kasing talong ka! Alam mong nasa kalagitnaan tayo ng pagkain tapos magsasabi ka ng kung ano-anu jan!” sigaw rin ni Hannah sa kanya.

“Eh bakit? Totoo naman ahh!”

“Aba’t---“

“Mga bata! Tama na nga iyan, nasa kalagitnaan pa kayo ng pagkain nagaaway-away hindi na kayo marunong gumalang sa harap hapag-kainan” napatigil sila sa pag-aaway ng magsalita ang isang matanda na siguro nasa edad na ng 45 pataas.

“Naku, pasensya na po manang Selia, di na po mauulit sorry po” paumanhin ni Hannah sa manag Selia daw. Si Patrick naman nag poker face lang.

“Magdasal na nga lang tayo, tutal ikaw ang nagsabing magdasal muna ikaw na ang manguna, Flat TV” sabi sa’kin Patrick. Tssk. Flat TV sya ng flat TV eh sinehan ang meron kami.

“Ahh sige”-Ako

“In the name of the father and of the son and of the holy spirit Amen.” Hindi nagsign of the cross si Asungot imbis hawak nya lang ang spoon and fork nya at matiim na nakatingin sa kawalan.

“Bless us O Lord and these Thy gifs which we are about to receive from Thy bounty through Crist our Lord Amen In the name of the father and of the son and of  the holy spirit Amen.” Natapos na ang dasal namin, ng hindi nagdadasal si Asungot. Pssh. Wala atang paniniwala ito sa Panginoon. Ako meron :D kahit kasi hindi masyado buo ang pamilya namin, nanjan naman si Yaya Linda para punan ang pangangailangan namin sa aming mga magulang. Tinuruan nya kami kung paano maging respeto at kagalang galang na tao kaya heto kami ngayon, maganda ang pamumuhay :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon