Chapter THIRTEEN

54 1 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

. Nakalabas na rin naman sya, okay naman na daw sya kaya lumabas na kami, nalate pa nga kami sa first subject namin sa afternoon kaya sa second subject na lang kami umattend. Tingin ng tingin nga sa’kin si ASUNGOT eh, tapos sinulatan pa nya ako.

Psssh. Di love letter yun noh~! Wag kayong kiligin, eto lang yun oh.

Oi AMAZONA na nanggaling sa Amazon Jungle! Wag mong kalimutan na tuturuan mo pa ako mamaya, ha!? Intayin mo ko sa shed sa labas at EXACT 4:30 ayaw kong dumating ka dun ng mga 4:30.01 or whatsoever, kapag sinabi kong EXACT dapat EXACT! Yokong maghintay!

From: -.-

See? Imbis na kiligin kayo, maiinis pa kayo eh. ASAR yung ASUNGOT na yun, kung wala lang akong utang sa dimuho na yun kanina ko pa sana nasampal sa pagmumukha nya yung sulat na toh. Wala eh~! May utang ako sa kanya, at malaki yun! Kahit kaya ko namang bayaran yun, kahit buhay pa nga nya bayaran ko eh, kayang kaya ko. KAso ayaw ko lang, sayang ang pera kung sa kanya ko rin naman gagastusin noh. Saka kahit mayaman kami, nahihiya naman akong humingi kay daddy ng pera para lang ipambayad sa polo nyang galing lang sa ukay-ukay.

Tuloy-tuloy lang ang routine ng klase namin, hanggang sa last subject na lang ang aatendan namin, which is AP.

Bago pa man, dumating yung teacher namin sa AP which is si Ms. Magahis eh pinuntahan ko na muna sila sa kanya kanya nilang upuan, sinabi ko lang naman na magkikita kita muna kami sa may likod ng canteen after ng last period dahil may importanteng mahalaga akong sasabhin sa kanila.

[A/N: importanteng mahalaga? Hahahaha, importante lang talaga :D”

Nang dumating naman na si Ms. Magahis na teacher namin sa AP eh, nagleksyon lang naman sya, syempre, ano pa’t nagtrabaho sya bilang teacher kung hindi sya magtuturo at matutulog na lang sya sa oras ng klase nya diba?

Natapos na yung last period namin at kasabay ko na ngayon si Bhea sa paglalakad papuntang garden sa may likod ng canteen, ayaw nya nga akong hiwalayan kasi nga ililibre ko daw sya. Ang takaw nya noh?

“Ano ba yan, ang tagal naman nila”- bhea, kanina pa aksi namin dapat silang kasabay eh, kaso may kukuhain daw sila sa locker nila kaya pinauna na kaming dalawa.

“Baka naman, nadaganan na ng locker yung mga yun” pagpapatuloy pa nya.

“Tsss, ang reklamadora mong bubwit ka, ang tahitahimik mo pag oras ng klase tapos pagtayo na lang ang magkakasama ang ingay ingay mo, nadaig mo pa ang mga palaka sa tubigan tuwing umuulan eh”

“Eh, kasalanan ko ba kung bakit ang tagal-tagal ng mga impaktang yun?”

“Sinong impakta ang tinutukoy mo, ms. Nerdy” napatingin kami sa likuran namin and oh-eh nandun na pala sila.

“Eh sinong nerdy ang tinatawag mo?” pabalik na tanong ni Bhea.

“Ikaw” maikling sagot ni Erika, sya kasi ang nagtanong kanina kay bhea eh.

My Best Friend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon