Chapter EIGHT

68 2 0
                                    

Chapter EIGHT

Pumasok na ko sa office ni tito marco kasi gaya nga ng sabi ni Julianna Nandito daw sya at Nandito nga sya.

“Oh, napadalaw ka?” bungad skin ni Tito Marco.

“Wala ka bang pasok?” dagdag pa nya.

“Meron” maikling sagot ko.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa office nya kasi may maliit na sala set naman dun para sa mga meeting ng banda.

“Eh, bakit Nandito ka?”-Tito Marco

“Wala naman, nagcutting ako eh, nakakaboring kasi sa school, wala namang ginagawa kundi magsulat ng magsulat lang” humiga ako sa couch.

“Ulol, nag-aral ka pa kung di ka rin naman nagsusulat”- Tito Marco.

“Eh, basta tamad akong magsulat, teka ano ba yang kanina mo pang tinititigan? Picture ba ng magandang babae yan?” Tumayo ako para makita yung kanina nya pa tinititigan.

“Hindi, inaaral ko lang tong mga banda na nagtatrabaho dito sa bar”

Umupo ako sa tapat ng table nya.

“Bakit naman?”

“Puro lalaki kasi eh, isa lang ang babae, tapos yung girl band na pa yun ay aalis na kasi nagkakawatak-watak na yung grupo nila”-Tito Marco

“Alin yung The Majestic Four”

(A/N: “The Majestic Four” pangalan ng banda ng mga girls na aalis sa bar nila, hehehehe pasensya na sa pangalan ng banda wala akong ideya sa ipapangalan sa kanila eh)

Sa bar kasi na to merong 5 banda ang “Uxmimishi” pangalan ng banda namin “Blue Dragon” pangalan ng banda ni Blue “Daylight” pangalan ng banda ni Rex “XLR8” pangalan ng banda ni Charley at ang “The Majestic Four” banda ni Katherine.

(A/N: Pasensya na ang cocorny ng pangalan ng banda nila =3=)

“Oo, kasi yung isang band member nila nabuntis, yung isa naman nakuha na para mag artista”

“Ahh, ganun ba? Eh anong plano mo?”-Ako

“Maghahanap ng bagong banda na all girl band, para dayuhin naman tayo ng mga kalalakihan, puro  babae na lang ang nandirito eh”

Okay sabi mo eh”

“Nah, mimeetingin ko na lang kayo para imeet nio yung mga bagong magiging katrabaho nio dito”

“Okay”

Liah’s POV

“Urrrrgggghhhh” naimulat ko na ang mata ko at puro puti lang ang nakikita ko

“Nasa langit na ba ako” bigla kong naitanong sa sarili ko at sa isiping iyon biglang pumatak ang luha ko.

“M-mama, b-bakit n-nangyayari sa’kin to?” napahagulhol ako sa pag-iyak.

“Oh, Liah, gising ka na pala” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Vince sa may sofa? Kailan pa nagkasofa sa langit?

“V-vince? P-patay ka na rin ba?” tanong ko sa kanya ng may pagtataka.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Tumayo sya sa pagkakaupo nya at lumapit sakin.

“P-patay na ko diba? At nasa langit na ko?” napahagulhol na naman ako sa pag-iyak pero bigla nya akong binatukan.

My Best Friend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon