Chapter 1: Friends?

156 5 0
                                    

Ringgg...

Tunog ng cp ko. Gosshhh.. Nakailang patay na pala ako sa cellphone ko. At heto first day na first day male-late na naman. Di na talaga ako nagbago. Simula elementary hanggang high school lagi nalang akong late pumapasok. Pano ba naman kasi, eh bata pa lang ako ay hilig ko ng magbasa ng adventures na libro. Nung una hindi ako nakakatulog ng maayos sa kaka-imagine ko sa mga pangyayari ng bawat binabasa ko. kulang ang limang libro sakin sa isang araw.

Tumayo at nagshower na agad-agad. Masakit ang ulo ko dahil naka lima ako ng binasa kahapon. Grabe, di ko akalain na ganoon nalang kadami ang mababasa ko.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako at nadatnan ko ang kuya ko at daddy ko sa baba.

"Good Morning princess." pabungad sakin ng papa ko sabay kiss sa noo ko.

"Wag mong sabihing kakain ka pa! Malelate na tayo!" sabat naman ng magaling kong kuya.

"Marco! Ang payat-payat na nga ng kapatid mo di mo pa papakainin."sagot naman ng papa ko.

Hay love na love talaga ako ng papa ko. Kaya hindi sila masyadong magkasundo ni kuya kasi mama's boy ang kuya ko. Simula ng mamatay ang mama ko hindi na sila gaya ng dati.

"It's okay pa. Balak ko naman ng di na ako kumain kasi malelate na nga kami ni kuya." sagot ko nalang para di na naman magtalo ang dalawa.

"Buti naman! Sige tara na! Baka iwan pa kita!"

"Opo! Sabi ko nga po diba?!"

"Is it really okay with you princess? Baka gutumin ka. Kawawa naman ang baby ko." paglalambing ng papa ko.

"Tskkk! Naglambingan pa. Tara na! Kundi maiwan ka na!

"Sigi pa. Baka mag-evolve na naman si kuya sumpungin na naman pagiging masungit nya. Alam mo namang di ko kayang di nya ako kausapin diba?"

"Oh sya. Ingat nalang din kayo. Kumain ka nalang ng madami mamaya huh?"

"Yes pa. I will."

Habang nagdadrive si kuya nag-aayos ako. At ang lintik nakalimutan ko cp ko. Huhu di ko pa naman kayang di hawak-hawak ang cp ko. Kahit wala akong katext feeling ko kasi ligtas ako pag hawak ko ang cp ko. Ewan ko ba, parang kasama ko ang mama ko pag nasakin yun. Gift pa kasi nya sakin yun nung mag graduate ako sa high school.

"Kuya pahiram ng cellphone mo? Pleaseee? Nakalimutan ko yung akin eh. Alam mong importante sakin yun diba?" sabi ko with paawa effect pa. Tinignan nya lang ako na parang kakainin na ako. Pero ibig sabihin nun okay lang sakanya. Abnormal no? Haha. Agad ko tinext papa ko para ipadala nalang sakin. Di na ako pwedeng umuwi kasi late na talaga ako.

And finally we arrived. Gosh, ang pinapangarap kong school nasa harapan ko na. This is it pusit!Pagpasok ko hinanap ko agad locker ko. Masyado akong madaming gamit kaya iwan ko muna mga yon.Naglakad na akong papuntang room. Habang hinahanap ko ang room namin Nadaanan ko yung theater. Sarado iyon pero rinig mong may kumakanta. Nakinig ako saglit.

Grabeee. Ang ganda. Oh my gulay crush ko na sya. Ang ganda ng boses. Parang si Rascal Flatts at Bryan Adams. Ang husky talaga ng boses nya. Huhu

Natapos na ang kanta pero nakatayo padin ako sa may pinto. Di padin kasi ako maka get over. Ng marinig kong papalapit na yung tao tumakbo agad ako. Baka kasi magalit. Pero sayang gusto ko pa naman syang makilala. Next time nalang ulit.

"Ouch!"

"Hey bitch! Wag ka ngang tumatakbo ng di mo tinitignan dinadaanan mo!" galit na sabi sakin nung lalake.

"Hoy! Sinong bitch huh? Watch your word sir! Di mo ako kilala kaya wag mo kong bini-bitch lang!

"Abat sumasagot ka pa huh!" sasampalin nya sana ako ng biglang may humarang sa kamay nya. Slow mo' pa. Nakayuko ito na kausap ang lalake. Gusto ko makita ang mukha kaso nakasombrero kasi sya kaya di ko masyadong makita.

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon