Chapter 11:
Paolo's POV
Masakit ang ulo ko pagkagising. Nasobrahan yata ako ng ininom kagabi. Bumangon na agad ako at naligo pagkatapos ay bumaba na. Nadatnan ko naman ang kapatid ko na nag-aalmusal na kasama si dad.
Nakakapanibago lang dito sa bahay dahil wala na si mommy. Wala ng gumigising sa akin sa umaga para pumasok. Wala ng magluluto ng paborito kong pagkain. Wala na akong pagsasabihan ng problema. Wala ng magtatanggol sa akin laban kay dad. Wala ng bume-baby sa akin. Yung mommy kong caring, loving, sobrang bait, maganda at the best mom in the world. Wala na.
I've never expect this to happen. Why so soon? Bakit nawala siya agad? Di na tuloy natupad yung sinasabi niyang gusto niya munang mabigyan ng apo bago siya mawala. Kaya naman ng mawala siya ay ganun nalang ang iyak ko. Nagkulong ako sa buong kwarto. Pagkatapos saka lang lalabas pag iinom kasama ang mga barkada ko. Hindi ko kayang makita si mommy na nakahimlay na sa kanyang kabaong. Gustong- gusto kong magpahinga si mommy. But not in heaven.
Alam kong hindi lang naman ako ang nalungkot sa nangyari. Hindi lang ako ang naapektuhan. At hindi lang ako ang nasaktan. Nasaksihan ko din kung paano gumuho ang mundo ni Stacey at daddy ng mawala si mommy. Si daddy araw-araw umiinom. Kung anu-ano daw pinag-sasabi sa mga bisita. Naalala ko tuloy ang tungkol kay Alex.
Flashback
"Oh son! Ang tagal mo namang dumating. Kanina pa kita hinihintay. Nandito kanina si Angela. Sayang di mo naabutan." Wait! Si Angela? How could that be? Kailan pa siya nakabalik sa Pilipinas? Bakit di ko manlang alam?
"Are you sure dad?"paninigurado ko dito. Baka nagkakamali lang si dad. Siguro dala lang ng pagkalasing nito.
"Yes i'm sure. Siya iyon! Di ako nagkakamali. Kahit itanong mo pa sa kapatid mo. Magkasama nga silang dumating, eh." Wait. What??!! Magkasama sila ni Stacey? Alam niyang nandito siya? At hindi manlang niya sinabi sa akin ito? "But you know son? Parang hindi na siya si Angela. Parang may nagbago na sakanya. Bukod sa buhok niya na humaba ay parang di na din niya ako kilala?" What does he mean? Si Angela? Di kilala si dad? What the hell does he mean? Eh mas close pa nga sila kesa ni mommy, eh.
Iniwan ko si dad kahit may sinasabi pa siya. Hinanap agad ng mata ko si Stacey. Siya ang tatanungin ko. Bukod kasi sa mas matino itong kausap ay mukhang mas may alam ito tungkol kay Angela.
I know i still don't forget her. Kahit masakit ng bigla nalang niya akong iwan at ipinagpalit ako sa pag-aaral niya sa Canada. Hindi naman dahil sa selfish ako sa future niya. I just don't understand kung bakit kailangan niya pang lumayo. We made so many promises to each other. Promises that made us thought that we can make our relationship stronger. Pero wala. Wala ni isang natupad. Tama nga siguro yung kasabihan na Promises are made to be broken. But it made me realize one thing. Na huwag na lang mangangako at magkusa nalang. Atleast walang mag-eexpect at masasaktan. Pero kahit na di nangyari ang mga promises na yun, i just want to clear out things. Tatanungin ko kung bakit kinailangan niya pang umalis? Kung bakit kinailangan pang iwan niya ako.
Nakita ko naman si Stacey na nasa may garden ng bahay at abala sa mga bisita kaya agad ko siyang nilapitan.
"Stacey."
"Oh kuya? Nandito ka pala? Himala nagpakita ka." Alam kong hindi ako masyado sa bahay. Because hindi ko kayang makita si mom lying on her coffin.
"Let's talk."
"About what?"tanong nito at abala sa pagbibigay ng kape sa mga bisita.
"Not here."pagkatapos ay hinila ko siya papunta sa likod ng bahay.
BINABASA MO ANG
The NBSB Girl
Teen FictionWalang pinipili ang pag-ibig. Kahit hindi ka man interesado dito, kung darating na talaga ang taong para sayo, wala ka ng magagagawa kundi tanggapin ito. Because love is powerful.