Chapter 9

29 0 0
                                    

Chapter 9

Blue's POV

"B-blue?"tanong ni Alex. Mukhang katulad ko ay nagulat din sa pagkakita sa akin. "Blue? Ikaw nga."

"T-teka? Magkakilala na kayo? Bakit? I mean, paano?"tanong ni Marco.

"Ah, uhm actually pre hindi ko inaasahan na kapatid mo pala itong si Alex. I really had no idea. Nakilala ko siya once nung matalisod siya sa school.  Eh di siya agad makatayo noon at mukhang nasugatan  kaya tinulungan ko na." Tumingin si Alex sa akin na mukhang nagtatanong at di niya alam ang kung ano ang tinutukoy ko.

Alam ko iyon dahil gawa-gawa ko lang iyon. Hindi kasi pwedeng malaman ni Marco na si Paulo ang dahilan kung bakit nagkakilala kami. Na hinatak ko lang siya palayo dun sa tao dahil sinampal niya ito. At hindi niya pwedeng malaman iyon dahil ayaw niya kay Paulo. Galit siya dito. At sigurado akong papagalitan niya ang kapatid niya pag nalaman niya ito. Mukhang wala din namang kaalam-alam si Alex kung sino si Paulo. Mas mabuti na siguro ito dahil baka sugurin din niya si Paulo. Kahit di ko alam kung bakit sinampal ni Alex si Paulo, mukhang may rason kung bakit niya nagawa ito.

Ang totoo hindi ko din talaga alam na si Alex na nakilala ko ay ang Alex na kapatid ni Paulo. Puro kwento lang kasi ito sa kanya at never niya pa itong pinakilala sa amin, ngayon palang.

"Ha? Totoo ba iyon Alex? Bakit di mo agad sinabi sa akin? May masakit pa ba? Saan?"nag-aalalang tanong nito.

Si Alex naman ay mukhang di alam ang isasagot dahil mukhang nag-iisip padin siya sa sinabi ko. Kunot na kunot ang noo nito na nakatingin sa akin at mukhang sinasabi ng kanyang mga mata na ano ang mga  pinagsasasabi ko.

"Ah pre. Pasok na tayo sa loob. Mag i-start na kasi party ko. Pinaghandaan pa naman ni Mama ito. Alam mo na, mama's boy."sabi ko para maiba ang usapan at di na niya kulitin pa ang kapatid.

Sinunod naman ako nito at pumasok na sila sa loob. Iniwan ko sila sa table kung saan naron ang iba naming mga kaibigan. Kailangan ko pa kasing umakyat sa taas at kailangan daw ng grand entrance. Si mama talaga bine-baby ako. Sabi ko simpleng celebration lang pero ayaw niya. Ako lang kasi ang nag-iisang anak nila. Namatay daw kasi ang kuya ko dati dahil sa kapabayaan nila at ayaw na nilang maulit pa ito. Kaya binibigay nila lahat ng gusto ko.

Ramdam ko naman ang pagmamahal ni papa. Hindi nga lang gaya ng kay mama. Si papa kasi yung tipo ng ama na ibinibigay lahat din ng gusto ko pero di ko ramdam ang sweetness niya. Si mama kasi kahit saang anggulo mo tignan ay kitang-kita mo na mahal na mahal niya talaga ako. Siguro ay ganon lang talaga ang mga nanay. Mas showy kaysa sa mga tatay.

Narinig ko ng tinawag ni mama ang pangalan ko. Kaya naman naghanda na ako sa pagbaba. Sumalubong sa akin ang malakas na palakpakan. Sanay ko naman na ang ganitong ka-engrandeng kaarawan. Kaso mas engrande ngayon. Para tuloy akong magde-debut. Mag didisi-otso palang ako ngayon.

Ginawaran ko naman sila ng mga ngiti. At di maiwasang hanapin ng mga mata ko si Alex. Ngunit wala siya sa tabi ni Marco. Ginala ko ang paningin ko ngunit hindi ko padin siya makita.

Umuwi na kaya siya?

Nakipagkamay muna ako sa mga  bisita bago ako pumunta sa kinaroroonan nila Marco.

"Happy Birthday bro"bati sa akin ni Tristan. Isa sa mga kaibigan ko.

"Salamat."

"Di na kita babatiin. Nag-drama na ako sa text. Haha."sabi naman ni Kevin.

"Oo bading ka talaga kahit kailan. Kadiri ka."sagot ko naman. Kinantiyawan naman siya nina Marco.

"Ay yan naman ang hindi. Nagpapaka-sweet lang. Come to papa."pang-aasar pa niya. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Happy birthday ulit dre."bati ni Marco sabay abot niya sa regalo. "Oh. Si Alex namili niyan. Wala akong maisip ibigay sa iyo. Bukod kasi sa gwapo ka na e, nasayo na ang lahat."sabay kindat sa akin.

"Tae mukhang si Dragon ang bading ah."pang-aasar naman ni Tristan. Nagtawanan naman uli kami. Dragon ang tawag namin sa kanya. Dahil kasi yun sa tattoo niyang dragon sa braso.

"Loko ka."sagot lang naman ni Marco.

" Nag-abala ka pa. Pero salamat din. Buti ka pa. Eh yang iba diyan."pagpaparinig ko kina Tristan at Kevin.

"Hahaha. Alam kasi naming makita mo lang kami ayos na. Si Dragon lang naman mahilig magregalo sa atin eh."sagot ni Kevin.

"Oo na. Tsk."pagtatampo ko kunwari sakanila.

"Wag ka ng magtampo. Kiss nalang kita."sabi ni Kevin at nakanguso pa. Nagtawanan na naman uli kami.

"Kadiri ka talaga! Di ka na nahiya kay Clarisse. Kasama mo pa naman girlfriend mo!"sagot ko dito.

"Di yan. Mahal mo ako maging bading man ako diba babe?"tanong niya dito at hinalikan sa pisngi.

Bumaling naman ako kay Marco. "Nasaan nga pala si Alex?"tanong ko dito.

"Ah nag-cr lang. Kanina pa kasi naiihi iyon eh."sagot naman nito. "Ayan na pala siya eh."sabay turo niya kay Alex na papalapit sa gawi namin.

Inaamin ko na ng nung una ko siyang makilala ay gumaan ang pakiramdam ko dito. Hindi ko ikakaila na sa saglit naming magkasama ay nagkagusto ako sakanya. Maganda kasi siya. Bukod dun ay mabait din siya. At merong kakaiba sakanya na nakaka-attract.

Nadelete ko naman yung number niya noon. At inis na inis ako. Gusto ko siyang makita noon kaso di ko alam kung saan siya hahanapin sa school. Malaki ang H.U. At di ko din naman alam kung anung course niya. Magkakahiwalay din kasi ng building ang bawat department. At ngayon at nakita ko na siya. Di na ako mahihirapang hanapin pa siya. Lalo na at kapatid siya ni Marco.

Naupo siya sa upuan at di manlang ako pinansin. Galit ba siya sa akin? Anong ginawa ko?

Nagsimula naman tumugtog ang mga hinire ni mama na banda. Nagsitayuan naman ang ibang bisita upang sumayaw sa tugtog. Niyaya din nila Tristan at Kevin ang mga kasama nila upang sumayaw. Ako, si Alex at Marco naman ang naiwan.

"Pwede mong isayaw si Alex bro' if you want."sabi ni Marco.

"Pwede?"tanong ko dito at tumango lang ito.

Iniabot ko naman ang kamay ko kay Alex. Nung una ay nagdadalawang-isip pa siya ngunit tinanggap niya din ito. Dinala ko siya sa gitna at sumayaw kami sa tugtog.

Hey, there's a look in your eyes,
must be love at first
You were just part of a dream
Nothing more so it seemed
But my love couldn't wait much longer
Just can't forget the picture of your smile
'Coz everytime I close my eyes
You come alive

Tinitigan ko siya at mukhang umiiwas naman siya ng tingin.

The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it a time
Just a little more time
We'll be together

Tinitigan ko padin ang mukha niya na parang wala ng bukas. Maganda siya. Ang matangos niyang ilong, ang mapula niyang labi at ang mahahabang niyang pilik mata na mas nagpapaganda sa mapupungay niyang mata.

Ng mapansin ko ang pagiging tahimik namin sa isa't-isa ay ako na ang naunang nagsalita.

"Sorry nga pala kanina."pangunguna ko sa usapan. Mukhang wala siyang balak magsalita, e.

"Bakit nga pala di mo sinabi kay kuya kanina ang totoo?"nagtatakang tanong niya.

"Ah kasi ahm siyempre pag sinabi ko kay kuya mo na hinatak kita palayo kasi may nakita akong sinampal ka magagalit yon sa iyo. Nagi-guilty kasi ako na baka magalit ka sakin pag sinabi ko sakanya."pagpapaliwanag ko.

"Dahil ba yon sa pagsampal ko dun sa tao? O dahil yon mismo dun sa tao?"sarkastikong tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngunit imbes na sagutin ako nito ay tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

Alam na kaya niya? May alam na siya? Pero imposible? Siguro sinabi na nila sakanya. Karapatan din naman niyang malaman eh.

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon