Chapter 8

47 1 0
                                    

Chapter 8

Tanghali na ng magising ako. Di kasi ako makatulog kagabi sa kakaisip kung sino yung Angela na tinutukoy ni Tito Lucarg kagabi. Sinabi ko sa sarili ko na di ko na iisipin iyon. Pero di padin ako matahimik. Parang may nag-uudyok sa akin na alamin ang tungkol 'dun pero meron din naman sa other side ko na nagsasabing 'wag ko ng alamin. Ayon, ang ending nakatulog na ako sa kakaisip.

Bumaba agad ako para makapag-almusal. Saktong nadatnan ko si kuya na kumakain sa baba. Mukhang kakagising lang din niya. Si papa naman ay nasa sala at nagbabasa ng diyaryo.

Sabado ngayon at wala akong pasok. Kaya malakas ang loob ko na magpuyat kagabi. Dumiretso ako sa sala at hinalikan si Papa sa pisngi.

"Morning pa."

"Good morning. Mukhang napasarap ng tulog ang prinsesa ko ngayon ah" sabi nito at ginulo lang ang buhok ko.

"Ah hehe. Opo. Napasarap nga po ako ng tulog." Hindi ko na sinabi ang totoong dahilan kasi for sure ang dami na naman niyang tanong pag nagkataon. Mas makulit pa sa bata ang papa ko e.

"Osya. Mananghalian ka na at sabayan mo na ang kuya mo. Mukhang tinanghali din siya ng gising. Di na tuloy kayo nakapag-almusal." Tumango nalang ako at dumiretso na din sa kusina.

"Oh ija. Buti at nagising ka na. Maupo ka na diyan at ikukuha kita ng plato mo ng makakain ka na." Sabi ni Mamay. Ang yaya namin na di kami iniwan kahit na wala na ang lahat-lahat sa amin. Si Mamay na naging pangalawa kong nanay simula ng mawala si Mama. Napakabait niya talaga.

"Salamat po Mamay." Sagot ko dito.

Tumingin ako kay kuya at mukhang abala siya sa pagtetxt habang kumakain. Tss. Di manlang ako pinansin.

"Good morning, pogi kong kuya." Binati ko ito ng sobrang ngiti hanggang sa di na makita ang mata ko at kita na din ang gilagid ko.

"Tch. Huwag mo akong ma-good morning good morning diyan dahil may ginawa ka na naman na di ko nagustuhan!" singhal nito sa akin.

"T-teka kuya. Anong pinagsasabi mo diyan? Aga-aga e, ano naman kasalanan ko sa iyo? Ilang araw nga tayo halos di magkita eh. Ikaw nga may atraso sakin e. Nung Monday mo na nga lang ako isinabay sa kotse mo . Sa mga sumunod na araw lagi nalang akong nagco-commute. Tapos ang hirap pa laging sumakay. Lagi nalang din akong nale-late." Sumbat ko sakanya at saka nag pout. Kailangan ko ng may paawa effect para isabay na niya ako lagi sa kotse niya. Hehe.

"Tigilan mo nga ako sa late late mo na iyan. Wala pa namang nagklase this week kasi puro program lang tapos mass." Napa-nguso naman ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi iyon e. Hehe. Akala ko kasi lulusot ako. "At saka bakit ba nambabaliktad ka ha? Ikaw tong may atraso sakin eh. Anu yung nalaman ko na binato mo daw si Paulo ng sapatos, ha? Ano yun?" sasagot na sana ako ng iabot ni Mamay yung plato sa akin.

"Salamat Mamay. Mukhang masarap po itong ulam, ah. " sabi ko at inamoy-amoy pa ito. Uhm, yummy. Kaldereta. Favorite namin ni kuya hehe.

"Nag-request kasi kuya mo---" hindi natuloy ni Mamay yung sasabihin niya dahil bigla na namang nagsalita si Kuya. Tsk. Dinaig pa si papa kung manermon.

"Hoy Alexa kinakausap kita!" sigaw nito.

"Wag mo namang sigawan ang kapatid mo. Naku kang bata ka." suway ni Mamay sa kanya.

"Hayan Mamay. Kaya lumalaki ulo niyan, e. Bine-baby niyo. Tsk. Hoy Alex. Bakit kako binato mo si Paulo ng sapatos?" tanong nito.

"Kanino mo naman nalaman yang tsismis na yan kuya? Naku, wag ka maniwala sa tsismis kasi ang tsismis ay purong kasinungalingan lang." sagot ko at nagsubo ng pagkain. Kanina pa ako gutom. Itong si kuya naman inuna pang sermonan ako kaysa pakainin.

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon