Chapter 12: Threat
Paulo's POV
"Kuya!"sigaw ni Alex pagkatapos ay lumapit kay Marco. Magkapatid sila?
"Anong ginagawa mo sa kapatid ko?"tanong ni Marco sa akin. So confirm. Magkapatid nga sila. Naalala ko na pinsan nga pala siya ni Zandro. Kaya matik na yun. Minamalas nga naman, oh.
"Tch. Ba't ako ang tinatanong mo?"sagot ko dito. Naiinis ako sa pagmumukha mong unggoy ka.
Akmang lalapit ito sa akin ng pinigilan siya ni Alex.
"Leave my sister alone!"sabi nito ngunit mukhang nagpipigil lang ito sa pagtaas ng boses. Ha! Ako pa talaga, ha? Bakit di yang kapatid niya ang pagsabihan niya.
"Bakit? Natatakot kang pati kapatid mo ay makuha ko din?"sagot ko dito. Pagkatapos ay tinignan ko si Alex at ngumisi. "Iyang kapatid mo ang pagsabihan mo. Siya ang lapit ng lapit sa akin hindi ako."
"Wha--" Di natuloy ni Alex ang sasabihin ng bigla siyang pigilan ng kapatid.
"At sino namang maniniwala sayo?"tanong niya sa akin. Tsk. Di wag mo 'kongng paniwalaan. Kailan ka ba naniwala sa mga sinasabi ko?
"Bakit hindi iyang kapatid mo ang tanungin mo?"sagot ko dito. Napipikon na talaga ako sa unggoy na 'to.
Tinignan ko si Alex at mukhang nagulat ito sa sinabi ko at itinuro ang sarili. Siya naman kasi talaga eh. Nakikisawsaw sa gulo ng may gulo. Tinignan naman niya Stacey at nag-iwas naman ito ng paningin. Alam niya ang namumuong tensyon sa pamilya namin at pamilya nina Marco. Siguro nagulat lang din siya na si Marco ay kapatid ni Alex.
Lalapit sana ako sakanila ng pigilan ako ni Stacey ngunit tinignan ko lang siya at ipinagpatuloy padin ang paglapit sakanila. Pagkatapos ay tumigil ako sa harapan ni Marco.
"Ingatan mo iyan baka iyan ang sumunod na mawala sa iyo at pagsisihan mo"tinignan ko si Alex at nginisian ko ito pagkatapos ay naglakad palayo sakanila. Sinisisi mo pamilya ko, ah. Sige papanindigan ko. Ngunit di pa ako nakakalayo ay bigla itong sumigaw.
"Hindi ako papayag na kunin mo lahat sa akin. Magsaya ka muna ngayon dahil kukunin ko ang lahat ng ninakaw niyo sa pamilya ko!"kumuyom ang mga palad ko sa sinabi niya. At sa tingin niya hahayaan ko lang siya? Tignan lang natin.
"Go on. Sige lang. Hihintayin ko."yun lang ang sinabi ko pagkatapos ay nagsimula nalang uli ako maglakad. Nakasunod naman sakin si Stacey at mga kaibigan ko.
Ng tuluyan na akong makaalis sa paningin nila ay tumigil ako at pinagsusuntok ang pader.
"Bro!"
"Kuya!"sigaw nila sa akin. Wala akong pake kahit magdugo ang kamay ko o masaktan man ako. Basta ang alam ko, galit ako. Galit na galit.
Hindi padin ba makalimot ang lalaking iyon? Ilang ulit ko ng sinabing walang kinalaman ang business sa pagkamatay ng nanay niya. Pero pinagpipilitan padin niya. Nag-iinit ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Ganoon nalang kasi kakitid ang utak niya. Kung bakit ba kasi ayaw niyang maniwala na namatay ang nanay niya sa heart attack.
At kung dahil lang iyon sa business ng pamilya nila ang ipinagpuputok ng butci niya ay wala din kaming kasalanan doon. Kasalanan iyon ng mommy niya. Wala kaming kasalanan."Hindi ako papayag na kunin mo lahat sa akin. Magsaya ka muna ngayon dahil kukunin ko ang lahat ng ninakaw niyo sa pamilya ko!"
"Hindi ako papayag na kunin mo lahat sa akin. Magsaya ka muna ngayon dahil kukunin ko ang lahat ng ninakaw niyo sa pamilya ko!"
Fuck!!
Lumapit sa akin si Stacey pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Kuya please stop. You're bleeding."nag-aalalang sabi nito. Tinignan ko siya at umiiyak na ito. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Nag-iwas lang sila ng paningin sakin. Tinignan ko si Zandro. Natutuwa naman ako at nandito siya. Pinsan niya sila pero mas pinili niyang sundan ako.

BINABASA MO ANG
The NBSB Girl
Teen FictionWalang pinipili ang pag-ibig. Kahit hindi ka man interesado dito, kung darating na talaga ang taong para sayo, wala ka ng magagagawa kundi tanggapin ito. Because love is powerful.