Chapter 13: Funny

37 1 0
                                    

Chapter 13: Funny

Alex's POV

"Halika nga dito!"sigaw ni kuya pagkatapos ay hinila niya ako.

"Kuya saglit lang naman. Nasasaktan ako !"nagpumiglas ako at binitiwan naman ako nito.

"Ano yun ha? Ano yun?!!!"sigaw nito. Namumula na ang mukha nito sa galit.

"Anong ano yun kuya?!"sigaw ko dito. Hindi ko alam kung ano ba ang kinagagalit nito.

"Huwag mo akong sigawan!!!"

Tinakpan ko ang dalawa kong tenga sa lakas ng sigaw nito. Buti nalang at walang tao dito sa parking lot. Kami lang pati mga kaibigan niya.

"Huwag mo din kasi akong sigawan kuya."

"Shut up! Di ba sabi ko sayo, layuan mo si Paulo? Anong ginawa mo?!!"

"Kuya wala naman akong ginagawang masama, ah? Tinulungan ko lang yung taong binubugbog niya!"nakakainis. Masama na bang tumulong ngayon?

"Kahit na may patayin pa siya, wala ka ng pakialam dun!! Di ba ang sabi ko sayo ayokong may ginagawa ka na may kinalaman dun sa lalakeng yun !! Ganun ba kahirap intindihin iyon? Ha!!!"tinakpan ko uli ang tenga ko. Ang lakas niya talaga sumigaw. Buwis-buhay. Nakakainis!!!

"Sige kuya. Gagawin ko iyang sinasabi mo. Sabihin mo muna sa akin kung bakit pinapalayo mo siya sa akin. Kung bakit ganon nalang kayo mag-usap. At kung bakit ganun nalang ang galit niyo sa isat-isa."

"Hindi mo maiintidihan."

"Pwes ipaintindi mo sa akin kuya!!"

"No!! Ako ang kuya dito kaya makinig ka!! Dont get near to that bastard !!!"

"Kuya kita pero di mo pwedeng kontrolin ang lahat ng ginagawa ko!! At lalong-lalo na ang buhay ko!!!"bago pa lumabas ang luha ko ko ay tumakbo na ako palayo sa kanya.

"Alex!!! Bumalik ka dito!! Kinakausap pa kita!!"sigaw nito pero di ko padin siya pinansin. Tumakbo ako ako at pumasok sa cr at doon umiyak.

Sa tanang ng buhay ko ngayon palang ako sinigawan ni kuya ng bongga. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ba ako pinapalayo kay Paulo. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit. Ano ba ang nililihim mo kuya? Bakit ayaw sayo ni kuya Paulo? Ano bang kasalanan mo? Argh! Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis pagkatapos ay tinignan ang sarili ko sa salamin. Kailangan kong malamanan ang sikreto mo kuya. Wala akong pakialam kung magalit ka man sa akin. Sa ngayon, kailangan kita Stacey. Para mapalapit ako kay Paulo.


Naghilamos muna ako bago lumabas ng cr. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa classroom namin. Ngunit di na ako pumasok dahil nagkaklase na sila. Si Ms. Buenavista pa naman yung prof na nagpahiya sa akin nung 1st day ko dito sa school. Thirty minutes na din pala akong late. Kaya umupo nalang ako sa sahig at hinintay matapos ang klase. At para narin kahit absent ako ay magka-idea ako sa topic. Narinig kong tinawag ni Ms. Buenavista si Paulo ngunit di ito sumasagot. Sinilip ko sila onti at nakita ko si Paulo na nagde-daydreaming?? Tss.

"Mr. Montero!?"sigaw ulit ni ms.

"H-ha? P-po? Ano po ulit iyon ma'am?"

"Ano bang iniisip mo diyan at kailangan pa kitang tawagin ng limang beses?!" O.A naman si mam ng limang beses. Pangalawang beses panga lang eh.

"S-sorry po. Ano po ulit 'yung tanong niyo?"

"My question is: Who is known as "Prince of Filipino Printers" ??"

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon