Chapter 7

41 2 0
                                    

Chapter 7

Napaaga yata ako ngayon sa school kaya ako palang mag-isa. Hindi ko alam kung bakit napaka-excited ko pumasok. Binuklat ko nalang ang libro ko sa accounting. Hindi pa naman ako naka-attend nung first meeting namin dahil na-clinic ako.

Ewan ko ba kasi. Lagi nalang akong kinakabahan pag nakikita ko yung Paulo na yun. Parang may something na di ko maipaliwanag. Tss.

Mga ilang minuto ay unti-unti ng dumadami ang tao dito sa classroom.

"Huy!" si Stacey. Nandito na din pala siya. "Kanina ka pa?" tanong niya.

"Oo. Napa-aga ako ng pagpasok, e."

Napansin ko di masyadong umiimik si Stacey this past few days. May problema kaya siya? Di kasi siya madaldal ngayon, e. Nakakapanibago lang. Hindi ko naman matanong-tanong sakanya kung may problema siya. Kinakausap niya ako pero saglit lang.

Sinulyapan ko sa siya sa kaliwa ko. Nakatingin siya mula sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip niya. Sige na nga. Kakausapin ko siya mamaya pagkatapos ang klase.

-----

Nandito ako sa canteen ngayon, mag-isa. Hindi ko naka-usap si Stacey kanina dahil bigla siyang nawala. Wala tuloy akong nagawa kundi kumain mag-isa. Habang kumakain ako, napansin kong nagtakbuhan ang mga estudyante palabas ng canteen.

Ano kayang nangyari?

Dali-dali naman akong lumabas para tignan kung anung meron. May mga estudyanteng nakapalibot sa may harap ng school. Nanlaki ang mata ko ng makita si Paulo kasama ang tropa niya. Nandoon din ang pinsan ko. May pinagtatawanan silang lalaki. Nakayuko yung lalaki at patuloy ang pag-sorry kay Paulo. Lumapit ako ng kaunti para marinig ang pinagsasabi ni Paulo.

"Wag na wag mo ng ipapakita sakin yang pagmumukha mo dito sa school maliwanag?" sabi niya dito. Tumango-tango naman yung lalaki.

Aakmang aalis na sana yung lalaki ng pigilan siya ni Paulo. Kinuha ni Paulo yung hawak-hawak na juice nung babae at binuhos sa lalake. Nagulat ang lahat sa ginawa niya. Nagbulungan ang mga estudyante. Pati ang mga kaibigan niya nagulat sa ginawa nito. Napa-takip din ako sa bibig sa nakita ko.

"Anung tinitingin-tingin niyo? Magsilayas nga kayo dito!" sigaw nito.

Hindi naman ako nakapagtimpi at kinuha ang isang pares ng sapatos ko at ibinato sa kanya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Pati din ako. Sa sobrang galit ko nabato ko siya.

Anu ba naman yan Alex. Minsan magisip-isip ka sa mga ginagawa mo. Napapahamak ka diyan, e.

Naglalakad siya sa gawi ko at unti-unti naman ako umaatras hanggang sa matalisod ako sa hagdan kaya't napa-upo ako.

"Bakit mo ako binato?" galit na tanong nito sa akin. Galit na galit nga ito dahil namumula na ang mukha nito.

"B-bakit mo binuhusan ng juice yung lalake?" Balik na tanong ko dito. Nagtatapang-tapangan lang ako, pero ang totoo niyan natatakot na ako.

"Ano bang pakialam mo. Ha!" iritang sagot nito.

"Paulo tama na. Babae iyan." Pag-awat naman sa kanya ng isang kaibigan niya.

"Alex bat' mo naman kasi ginawa iyon?" Tanong ni Zandro, pinsan ko.

"E, k-kasi bakit naman kasi ginawa iyon ng kaibigan niyo. Napahiya tuloy yung tao." sabi ko sabay tingin kay Paulo ng masama.

"Alam mo ba kung anung dahilan?" tanong ni Paulo. Umiling ako. Hindi ko nga alam ang dahilan. "Hindi mo pala alam ang dahilan, e? Bat' ka nangingialam? At wala kang karapatang batuhin ako ng sapatos!"

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon