Chapter 15

22 0 0
                                    

Chapter 15

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Kailan mo ba balak ligawan 'tong si Alex, iho." Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Manang Eva. Nagulat naman si Blue sa'kin at iniabot sa akin ang tubig.

"S-salamat."sagot ko at saka uminom.

"Manang Eva naman. Ayan tuloy nagulat si Alex."sabi nito at saka sumenyas sakinng sorry.

"Eh maigi na yun ng malaman niya at baka maunahan ka pa ng iba. Naku, maganda itong si Alex at imposibleng walang manliligaw dito."sagot naman nito.

Hindi naman ako nagpapaligaw eh. At mas lalong hindi ko hahayaang may manligaw sa akin.

"Well, a-ahm Alex tutal nasabi na ni Manang Eva uulitin ko nalang." napalunok naman ako. Seryoso ba siya? "P-puwede ba akong m-manligaw?"

"Yieeeh!" Manang Eva gigled at pumapalakpak pa na parang bata. Oh, what should i do? What should i say? Kakasabi ko lang na di ako magpapaligaw diba?

"A-ahm k-kasi---"naputol ang sasabihin ko ng biglang sumagot si Blue.

"Okay lang naman Alex. Hindi kita minamadali. And besides, gusto ko munang ipaalam din sa kuya mo ang balak k--"

"No!"asik ko dito. Hindi pwedeng malaman ni kuya. Ano nalang magiging reaksyon ni kuya? Aghh! I can't imagine. Kahit na kaibigan o tropa niya si Blue, hindi ko padin alam ang iispin ni Kuya. It's either good or bad.

"Bakit hindi?"tanong nito.

"Basta hindi. Huwag mong sasabihin kay kuya. Please."pakiusap ko dito.

"Pero malalaman padin niya." Oo. Malalaman nga niya pero hindi muna sa ngayon. At saka, teka nga! Wala pa akong sinasabing magpapaligaw ako ah?

"Ibig sabihin ba nito payag kang manligaw ako."nakangiting tanong nito.

Okay. I'm doomed. Paano ko ba siya ire-reject if all i want is just to be friends with him?

"Hindi ba parang ang aga naman ng panliligaw mo? I-i m-mean is, you know, ilang araw palang tayong magkakilala, at hindi pa kita masyadong kilala tapos manliligaw ka na. Hindi ba masyadong mabilis iyon?"tanong ko dito. Yung puso ko konti nalang sasabog na. Bakit ba kasi napunta sa usapan ang ligawan.

Oo nga pala. Dahil yun kay Manang Eva. Teka. Nasaan na siya?
Hinanap agad siya ng mata ko at nakita ko naman siya agad kausap ang ibang customer. Mukhang kakilala naman niya ang mga iyon.

"Yun na nga eh. Mas makikilala pa natin ang isa't-isa kapag nanliligaw na ako sayo diba?"

"K-kasi--"

"No. It's okay. Tama ka nga. Masyado pang maaga." Pagkatapos ay ngumiti ito. Ngunit kita ko sa mata niya ang pagkadismaya.

Ano bang magagawa ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. NBSB ako remember? And besides, wala pa talaga sa isip ko ang ganiyang mga bagay.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Yung kaninang gutom ko ay nawala na. Napalitan na ng kaba.

Agad kaming nagpaalam kay Manang Eva pagkatapos naming kumain. Hindi ako masyadong nakakain dahil sa kanina. Hanggang ngayon hindi parin ma-absorb ng utak ko ang kanina.

"Sige mag-iingat kayo ha? Balik ulit kayo dito. At sana pagbalik niyo kayo na." Pabirong sabi ni Manang Eva pero alam kong half joke iyon.

"Hahaha. Kayo po talaga Manang Eva. Sige po aalis na po kami. Baka gabihin pa kami." Muling paalam ni Blue. Agad namna akong sumakay sa sasakyan pagkatapos ay kumaway kay Manang Eva paalis.



Pauwi na kami ngayon ni Blue. Well, hanggang ngayon tahimik padin ako sa nangyari kanina. Tension is in between us, or maybe sa akin lang. Hindi ako masisisi ni Blue kung bakit ganito ako ngayon at ganyan din siya, tahimik. Gusto kong umimik pero walang lumalabas sa bibig ko.

Having a boyfriend is not my thing. I'd rather spend my time reading my books than dating or falling inlove. Well, alam ko hindi pwedeng habang-buhay akong single. Pero, hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready mag-handle ng relationship.

Yes, i admit i had a crush on him. The first day i met him. Pero crush lang iyon. Wala ng iba. At hindi na hihigit pa doon. Humahanga lang ako sa taglay niyang kagwapuhan. Yun lang 'yon. And kaibigan siya ni kuya. Alam niya ang ugali ni kuya. At inposible ding hindi ako naku-kwento ni kuya sakanya. My brother treats me like a child. Bata pa ako sa paningin niya. At hindi rin ito papayag sa mga ganitong bagay. Kaya hindi ko ineexpect na darating sa punto na manliligaw siya sa akin.

"A-hm s-sorry."biglang nabasag ang katahimikan.

"S-sorry din." I replied. Well, may kasalanan din naman ako. Or meron nga ba?

"For what? Wala ka namang kasalanan. It's just me. Sorry kubg nabigla kita. Hindi ko naman ginusto iyon. Nung sinabi ni Manang Eva ang tungkol sa panliligaw ay naglakas-loob na rin akong sabihin ito sa iyo. I thought it's the perfect time, tutal nabanggit na ni Manang Eva. But i guess it's not."pagpapaliwanag nito. "I apologize."

Kita ko sa mata niya kung gaano siya nasasaktan sa sinabi niya. Kasi sa hindi ko pag-response sakanya parang ibig sabihin ay nire-reject ko siya. At naiintindihan ko siya.

I smiled at him. "Okay lang. Sorry din."sagot ko dito. Then he smiled back.

"You should smile often, you look prettier with your smile on."

Biglang nag-init ang pisngi ko at tumingin sa kabilang side. Feeling ko nagbla-blush na ako. But then, i smiled.


Malayo palang kami ay kita ko na ang lalaking nakatayo sa harap ng bahy namin. Si Kuya.

What is he doing there?

Omg! Mag-aalas-siyete na pala. Okay i'm dead! Anong sasabihin ko? Kinakabahan ako. Baka kung anong isipin niya.

Napalingon ako kay Blue at normal lang ang ekspresyon ng mukha niya. Lumingon naman ito sa akin. Umiwas agad ako ng tingin.

"Don't worry. Ako ang bahala sa iyo." He said.

Okay. Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya?

Tumigil ang sasakyan sa harap ni kuya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya which makes my heart beats faster. Kinakabahan na ako, sobra. Iniisip ko palang ang sasabihin ni kuya ay nanghihina na ako. Huhu, bakit kasi di ko napansin ang oras. Bawal pa naman akong gabihin. Tapos kasama ko pa si Blue.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan na ako ni kuya.

*lunok

"Bumaba ka na at pumasok sa loob."kalmadong sabi nito.

Agad-agad naman akong bumaba at dumiretso papasok. Anong gagawin ni kuya? Naku naman, bakit mo iniwan si Blue, Alex. Hays. Kung di ka naman pumasok kaagad eh magagalit sayo ang kuya mo diba?

Hays. Eh papaano naman si Blue? Baka kung anong sabihin ni Kuya sakanya? Baka kung anong gawin niya. Kasalan ko din ito eh.

Hays. Maglalakad palang ako pabalik ng biglang bumukas ang pintuan at nakita kong papasok si kuya.

The NBSB GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon