"Ano ba!!."
"So-sorry po ma. Hindi ko po sinasadya" habang natataranta kong pinupunasan ang kanyang damit na natapunan ng tubig na aking hawak.
"Wala ka na ngang kwenta!Wala ka pang silbi! Lumayas ka nga sa aking paningin at baka kung ano pa ang magawa ko sayo."
Wala na akong nagawa kundi ang umalis sa kanyang harapan at tinungo ang aking kwarto para palamigin ang kanyang ulo.
Bata pa lang ako ganyan na ang turing niya sa akin minsan nga napapa-isip na lang ako kung anak niya ba talaga ako. Pero nagpa-pasalamat parin ako sa kanya dahil pinapag-aral niya ako.
Kasalukuyan akong kumukuha ng Agriculture na kurso dahil bata palang ako ay pinapangarap ko ng magkaroon ng isang hacienda kung saan ako ang namamalakad.
"Alice!" Sigaw ng aking ina na nasa baba.
"Bakit po ma?" Habang papalapit sa kanya. Kasalukuyan siyang naglilinis ng kanyang mga kuko at hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
"Magsaing ka na."
"Opo ma."Pupunta na sana ako sa kusina ng bumalik ako sa sala.
"Ma ano palang ulam ang gusto niyong lutuin ko?"
"Adobo." Noon lang siya napatingin sa akin pero binalik niya ulit ang kanyang atensyon sa paglilinis ng kanyang kuko
Habang nagluluto ako hindi ko mapigilang mapaisip sa aking yumaong ama. Maaga akong naulila. Basta nakita ko nalang siyang nakabulagta sa sahig at wala ng buhay.
Isa siguro iyon sa mga dahilan kong bakit ako kinamumuhian ng aking ina dahil wala man lang akong nagawa para kay ama. Naputol ako sa pag-iisip ng tumunog na ang rice cooker na nag-iindikang naluto na ito.
"Ma kain na po." Habang inilalagay ko ang mga plato at kubyertos sa lamesa.
"Ilagay mo nalang diyan. Mamaya pa ako kakain."
"Cge po."
Hindi ako pwedeng kumain kung hindi pa nakakain si mama kaya mas minabuti ko nalang na umakyat sa aking kwarto at gawin ang aking mga takdang aralin.
Alas-tres na ng namalayan ko na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako ng may narinig akong kalabog sa kusina. Bumaba ako para tignan at para kumain na din.
Pagkatapos pumasok na ako ulit sa aking kwarto, may napansin ako na kung ano sa labas ng aking bintana, unti-unti ko itong napitan at ako'y namangha nang matanaw ko sa di kalayuan ang mga mga nagsasayawang ilaw at ang samu't-sari nitong mga kulay na mistulang may nagaganap na fiesta.
______________________________________
Anong masasabi niyo kay Alice?

BINABASA MO ANG
The Hidden Town
FantasyAlice is a normal student and wants to be loved by her mother but no matter what she does, it is still not enough. Until it happened. Join Alice in her journey and unravel the secrets kept within that town.