Chapter 9

28 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw pero wala padin nagbago. Hesitant ang mga tao na makipagusap sa akin. Hanggang ngayon ay hindi prin malinaw sa akin kung bakit ayaw nila na binabanggit ang Aragon. Simula ng aksidente hindi na ako sinasama ni Celine sa mga lakad niya. Nakasanayan ko na ring umakyat ng puno para magpalipas ng oras. Dito sa aking pwesto nakikita ko ang mga mamamayan ng Arcellis na okupado sila sa kanilang ginagawa.

"Alice!" Napukaw ang aking pag-iisip ng may tumawag sa akin. Tumingin ako sa baba at nakita si Nathan na palinga-liga. "Alice!" Tawag niya ulit sa akin pero hindi ako gumalaw at nahkubli sa mga dahon ng puno para hindi niya ako makita.

Lumagpas siya sa kinaroroonan ko. "Bakit kaya niya ako hinahanap? Bakit hindi ka nalang bumaba diyan para malaman mo? Sagot ng kaliwa kong utak.

Bumaba ako sa aking kinaroroonan at pinagpag ang aking damit. "Diyan ka pala nagtatago." Napatigil ako sa pagpag ng aking damit. Kahit hindi ako  lumingon alam ko kung sino ito. Hindi ko siya pinansin at iniwan nalang ito.

Tinahak ko ang daan kung saan ko huling nakita si Nathan. Palinga-linga ako pero parang wala na siya dito. Aalis na sana ako ng makita ko si Nathan na nagdidilig ng mga halaman.

"Nathan!"  Tawag ko sa kanya.

Timingin siya sa akin at ngumiti. "Hinahanap mo daw ako?" Tanong ko habang lumalapit sa kanya.

"Ah Oo. Mapapatulung sana ako sayo para itanim ang mga yan." Turo niya sa mga gulay na nasa lupa.

"Ahh...okay. madali lang naman." Kumuha ako ng isa at itinamin. "Sinong nagpunla nito?" Habang tinutuloy ang pagtanim.

"Ako." Tipid niyang sagot.

"Wow! Hindi ko akalain na marunong ka pa pala" sabay tawa.

"Iniinsulto mo ba ako?" Tumingin siya sa akin na parang nasasaktan. "Hindi naman sa ganon. Hindi ko lang talaga akalain na marunong ka." Depensa ko sa kanya.

Tumawa siya sa naging reaksyon ko. " Di ka mabiro." Itinigil niya ang pagdidlig at nagsimula na din siyang magtanim. "Bakit ikaw? Marunong ka naman hah?"

"Syempre, Agriculturist kaya ako." Pagmamalaki ko sa kanya. " Pero sinong nagturo sayo?" Tanong ko kay Nathan.

"Yung lolo ko."

"Ay...pero nasaan na siya ngayon?"

Naging malungkot ang knyang mukha habang sinagot ang aking tanong. "Wala na. Patay na siya."

"Pasensya."

"Ano ka ba. Tanggap kona na wala na siya kaya huwag ka na ngang malungkot diyan."

"Okay… pero pwede bang magtanong nathan?"

"Oo naman. Ano bang tatanungin mo? At sumlyap siya sa akin.

"Bakit ayaw nilang binabanggit ko ang Aragon?" Nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ang aking tanong. "Okay lang naman kung ayaw mong sagutin." Habang tinatanim ang huling punla na nasa akin.

Luminga-linga muna siya. " Huwag mong sasabihin sa iba na sinabi ko hah."

Naging alerto ang aking pandinig dahil sa knyang sinabi. " Oo naman." Lumapit ako sa kanya para hindi  na niya kakailanganin na lakasan ang kanyang boses 

"Malaki ang kasalanan ng mga Aragon sa mga taga Arcellis." Pagsisimula niya. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. "Bakit naman?"

"Pagsalitahin mo muna kaya ako."

"Okay." At tinaas ang dalawa kong kamay para sumuko.

"Noong una, magkasundo ang bayan ng Aragon at Arcellis pero dahil sa kasakiman ni Alfonso. Pinaniwala niya ang mga tao na ang bayan ng Arcellis ay mga mangkukulam na nakatira dito."

"Ano!" Pinandilatan niya ako dahil sa lakas ng aking boses. "Pero normal naman kayo kung titignan."

"Hindi nga kami mangkukulam. Itutuloy ko pa ba o hindi na?

"Cge. Ituloy mo na."

"Dahil doon, nagkaroon ng digmaan kung saan marami ang nasawi."

Naging tahimik kaming dalawa at pinagpatuloy ang aming ginagawa. Ako ang unang bumasag sa katahimikan.

"Kaya ganun sila sa akin?"

Napatigil din si Nathan. "Siguro."

"Pero wala naman akong kinalaman doon."

"Pero taga Aragon ka pa rin Alice. Kaya hindi mo masisisi ang mga tao kung ganun sila umasta."

"Hindi naman ganun yung trato mo sa akin?"

"Kasi nga hindi naman ako sila."

"Hah? Ang gulo mo Nathan." At napatawa nalang kaming dalawa.

"Tara na Alice." Pagyaya sa akin ni Nathan.

"Sige."

Habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi ni Nathan sa akin. Dahil lang sa mangkukulam kaya nagkaroon ng digmaam? Hindi parang ang babaw naman iyon?

"Nathan? Yung mga nakita ko sa bundok. Ano ang mga iyon?"

Tuningin si Nathan sa akin. "Hindi din namin alam at kung ano ang mga iyon."

"Hindi kaya bamipira ang mga iyon? Kasi pula ang kanilang mga mata at mahahaba ang mga kuko nila."

"Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakita ng personal."

Napatigil ako ng tumigil si Nathan sa paglalakad."Bakit?" Habang tinitignan ko siya.

"Ihi muna ako Alice." Sabay takbo papunta sa puno at nagkubli doon.

"Hindi ko na hinintay na matapos si Nathan at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo ng may nakita akong lalake na nasa paanan ng hundok. Pinagmasdan ko ito at bilang nagbago ang anyo.

"Ahhh!" Dali-dali akong tumakbo papalayo doon. Kamukha niya ang mga nilalang na sumugod saamin noon. Dahil sa mabilis na pagtakbo hindi ko nakita ang aking makakasalubong.

"Ano ba!" Galit na sabi ni Drake sa akin. "Hindi playground dito para magtatakbo ka."

"Ahhh...ano" habang  palinga-linga ako sa paligid. "May...may… nandito sila..nakita ko…" hindi ko matapos tapos ang aking sasabihin dahil sa kaba habang hawak ang aking dibdib. Nang wala akong makita. Unti-unti na ring bumalik sa dati ang tibok ng aking puso.

"Ano?"

"Hmmm. Wala baka namamalik mata lang ako."

"Okay ka lang ba?" Habang may pagaalala sa kanyang boses.

Nabigla ako sa tanong niya. "Ah okay lang."

"Huwag kang gagala na mag-isa dahil hindi mo alam kung kailan sil susugod."

"Ah...okay"

"Sige bumalik kana."

Tinitigan ko muna siya bago ko siya linagpasan. Gwapo ka na sana eh kung hindi ka lang masungit." 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon