Enjoy!!
-----------------------------------------------------------
Biyernes ngayon at napagpasyahan namin ni Margaret na pumunta sa bayan upang mamili ng mga kakailanganin gamit para sa paggawa ng proyekto.
Dahil kada ika-labingdalawa ng Mayo. Ang bayan ng Aragon ay itinalagang special holiday at pinagdiriwang ang kaarawan ng namayapang namumuno dito na si Alfonso Bermudes. Ito'y hinahangaan dahil sa kanyang katapatan at lakas ng loob na ipagtanggol ang bayan sa kamay ng mga mananakop.
"Kumain muna tayo Alice. Sobrang nagugutom na talaga ako." Habang hinihimas ang kanyang tiyan
Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at patuloy ko lang siyang tinitignan. "Huwag kang mag-alala libre ko." Sabi niya ay agad na kinuha ang aking kamay at tinungo ang pinakamalapit na kainan.
"Maghanap ka na ng bakanteng upuan at ako nalang ang pipila para sa atin. Ano bang gusto mo?" Tanong niya sa akin habang hinahalukat ang sling bag na dala.
"Kahit ano nalang sa akin." Umalis na ako sa tabi niya at sinimulang tumingin ng bakanteng upuan at may isang pwesto sa gilid, malapit sa tatlong magbabarkada, isang babae at dalawang lalake na kasing edad ko.
Umupo ako ng paharap upang makita ang pagdating ni Margaret at mas mabilis niya akong makita, nasa gilid ko naman ang magbabarkada. Habang nag-hihintay inilabas ko muna ang aking kwaderno kung saan nakalista ang mga bibilhin.
"Nahihibang na ba siya. Bakit sinabi niya iyon?" Naiiritang sabi ng babae.
Tumingin ako sa kanilang direksyon nang biglang magtama ang mata namin ng isang lalake na kasama nila.
Ang babae ay nakasuot ng puting t-shirt na may maliit na disenyo sa kaliwang parte ng kanyang damit na parang bulaklak at tinernohan niya ng denim na palda. At ang dalawang lalaki naman ay maong na pantalon at itim na t-shirt na meron din design na parang espada. Ang kanilang pangangatawan ay parang pang-atleta na katamtaman lang ang laki.
"Intindihin nalang natin yung sitwasyon niya. Baka nahihirapan din siya, katulad natin." Pagkuway sabi ng isang kasama nilang lalake habang sumipsip sa kanyang baso.
Habang ang isa nilang kasama ay nakatanaw sa labas ng bintana na ang lalim ng iniisip habang nakakunot ang kanyang noo..
Nagulat ako ng may pumitik sa harap ng mukha ko. Nang itaas ko ang aking paningin ay mukha ni Margaret ang aking nakita na may bakas na pag-aalala.
Hinili ni Margaret ang upuan at binaba ang tray na hawak niya sak umupo sa aking harapan. "Ano bang iniisip mo Alice? Para kang timang diyan."
"Ah ano..iniisip ko lang kung paano natin gagawin yung project." Nauutal kong sabi.
Inilagay ni Margaret ang isang burger, fries at coke sa aking harapan.. "Salamat sa libre hah. Di bale kapag may sarili na akong pera ako naman ang manglilibre."
"Ano ba Alice! Napakaliit na bagay." At kumagat na sa kanyang burger. Habang kumakain kami hindi ko mapigilang makinig sa mga pinag-uusapan ng kabilang table.
"Sabi din niya na mas dumadalas ang pag-atake ng mga rogue."
"Namatay yata yung huling nabiktima."
Nagtataka ako sa mga pinag-uusapan nila dahil lingid sa kaalaman ko wala namang pag-atake ang naganap sa nakalipas na mga araw.
"Tayo na. "Sabi ng lalakeng nakatanaw sa bintana
""Di pa ako tapos kumain." Sabi ng dalawang kasama niya pero dire-diretso lang ito na tinungo ang pintuan
"Drake!" Sigaw ng babae pero tumayo din silang dalawa at sinundan yung kasama nilang lalake na nagngangalang Drake
Nang matapos kaming kumain. Pumunta na agad kami sa isang bookstore kung saan kompleto sila sa mga paninda na kinakailangan sa paaralan.
Abala si Margaret sa pagpili ng may malakas na tunog ng tambol. Sa una ay mahina lang ito pero habang papalapit ay lumalakas din ang ito. Karamihan sa mga namimili ay napatigal at pumunta sa harap ng tindahan.
Unti-unting dumadami ang mga tao sa gilid ng kalsada. Dahil sa kuryosidad ay tumigil din kami at tinignan kung anong nangyayari at ito ay isa palang parada upang ipakita nila ang respeto sa namayapang si Ginoong Alfonso.
Napatingin ako kay Margaret at napatanong "Ngayon lang ito naganap diba?"
"Oo. May haka-haka daw na may malaking nagawa si Ginoong Alfonso bago ito namatay pero iilan lang ang nakakaalam." Sagot ni Margaret habang nasa unahan parin ang atensyon.
Isang oras ang lumipas ng matapos ang buong parada at bumalik na rin ang mga tao sa kanya kanya nilang ginagawa.
"Kumusta na pala si Tita?" Out of the blue na tanong ni Margaret habang pumipili ng marker. "Okay lang naman siya. Doon parin siya nagtratrabaho."
"I mean iyong pakitutungo niya sayo" ngayon ay nakatingin na siya sa akin nga diretso.
Bigla akong naasiwa sa tanong ni Margaret dahil hindi ako sanay napinag-uusapan ito. "Okay lang naman." Tipid ko siyang nginitian.
"Nakuha mo na ba lahat ng kakailanganin natin" pag-iiba ko ng topic.
Napatango nalang siya sa akin."Halika na at magbayad na tayo dahil may gagawin pa ako" Hindi ko nalang sinabi sa kanya na may kinalaman ito sa bahay.
"Ito lang ba ang bibilhin niyo?" Tanong ng matandang lalaki na nasa counter. Kung titignan mo siya ng maigi ay parang siya ang namamalakad o may-ari ng tindahan.
"Ah opo" si Margaret ang sumagot.
"Hindi mo ba napansin Margaret?"
"Ang ano naman?"
"Parang iba yung pagtitig niya sa atin."
"Ano kaba." Habang hinampas Ang aking kamay. "Kung anu-ano yang mga napapansin mo"
Napagdesisyonan namin na si Margaret na lang ang gagawa sa aming project tutal magkagroup naman kami at para din daw makabawi.
Natapos ang araw na hindi umuwi si mama at nasabi ko na lang sa sarili ko na ang weird ngayong araw....
______________________________________
BINABASA MO ANG
The Hidden Town
FantasyAlice is a normal student and wants to be loved by her mother but no matter what she does, it is still not enough. Until it happened. Join Alice in her journey and unravel the secrets kept within that town.