"Alice!" Sigaw ni Margaret habang papalapit sa akin na dala-dala ang proyektong ginawa niya."Can you please lower down your voice." Pabulong kong sabi dahil kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa auditorium dahil may announcement daw si Dean.
"Ilagay mo muna kaya sa bag mo." turo ko sa folder na hawak niya. "Para hindi mawala, wala na 'kong pera."
"Huwag kang mag-alala. I'm not that careless you know."
Umupo kami ni Margaret sa ikatlong palapag na nasa huling bahagi ng auditorium at nagsisimula na ring mapuno ito.
"Alice? May nakaupo na ba sa tabi mo?" Nang tignan ko kung sino ito ay walang iba kundi si Jake."Hmm...hindi ko alam, wala pa naman umupo diyan kami palang ni Margaret." Nahihiya kong sabi.
Umupo si Jake sa bakanteng upuan na nasa aking kaliwa at nasa kanan ko naman si Margaret na hindi maikubli ang ngiti.
"Wala ka bang kasama Jake?" Tanong ni Margaret habang isinandal ang kanyang siko sa aking balikat at sumilip sa direksyon ni Jake.
"Meron.. pero sinadya ko talagang hindi makisama sa kanila." At sumulyap siya sa'kin. "Para kay Alice? pangungutya ni Margaret habang malawak ang kanyang ngiti.
Tinignan ko siya ng masama."Joke!!" at itinaas niya ang kamay na may peace sign.
"Everyone, please be seated." Anunsiyo ng aming Dean na nakatayo sa gitna ng stage habang nasa harap ng podium.
"We're very much glad to inform you all, that the Committee has already agreed by your incoming field trip." Napatigil si Dean ng nagsipalakpakan ang mga estuyante habang ang iba dito ay humiyaw kasama na si Margaret at Jake.
"In your field trip we incorporate camping which means your not allowed to use hotels so that you will feel how to be surrounded by nature. You will also have activities involved."
"Nakaka-excite naman." Bulong ng isang babae sa kanyang kasama na nasa harapan namin.
"Oo nga." Sabi naman nang kanyang kasama.
"It seems like your not happy?" Tanong ni Jake na parang concerned.
Napatingin sa akin si Margaret inaalisa kung anong iniisip ko."Hindi ahh.. na-shock lang ako sa announcement."
Tumingin ako sa harapan ng biglang nahagip nang aking paningin si Jessica na hindi maipinta ang kanyang mukha. Binalewala ko nalang ito at itinuloy nalang ang pakikinig.
"Also, Crisostomo farm will be our host."pagtutuloy ni Dean.
"Is that the famous Agriculturist Sir?" Tanong ng isang estuyante na nasa harap.
"Yes, indeed..sa mga hindi nakaka-alam ang Crisostomo farm ay isang pag-aari nang isang negosyante na sa Agriculture naka-focus. Ilan lang sa mga ito ay ang mass production of different kinds of vegetables, may plantation crops and for your additional knowledge mag-research kayo.
Wow!! Napahanga ang mga estuyante kasama na rin ako.
This will happen tommorow, so go home, pack your bag coz you will be staying there for 1 night and 2 days. Be here at 5 am sharp and there will be buses waiting for you. You will be accompanied by your professors. Thank you and enjoy.
Nang umalis na si Dean, nagsimula nang mag-ingay ang mga kapwa kong estuyante. Hindi maitago sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan.
"Tara na Alice bilisan mo." Habang hila- hila ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
The Hidden Town
FantasyAlice is a normal student and wants to be loved by her mother but no matter what she does, it is still not enough. Until it happened. Join Alice in her journey and unravel the secrets kept within that town.