Chapter 6

15 6 1
                                    

Halos hapon na ng matapos kaming magset-up." Mamasyal muna tayo Alice, sabi sa internet may maganda daw na batis dito."

Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. "Huwag na baka maligaw pa tayo."

"Ano ka ba? Easy lang yan at saka hindi lang tayong dalawa ang pupunta. Pupunta din sila oh." Turo sa isang grupo kung nasaan ang barkada ni Jake at Jessica.

"See. Kaya tara na para hindi tayo abutan ng dilim." Naglakad kami papunta sa loob ng gubat.

"Napakatahimik naman dito." Sabi ni Margaret

"Syempre nasa loob tayo ng gubat. Ano naman ang ine-expect mo? Na magsisigaw ang mga kuneho.

Magtatakip silim na ng mapagdesisyonan namin ni Margaret na lumabas ng makarinig kami ng pagkabali ng tuyong kahoy.

"Narinig mo ba yun Alice?" Natatakot na sabi ni Margaret habang nakahawak sa aking kamay.

Hindi kami makakilos sa aming kinatatayuan dahil tinitignan namin kung isa ba itong mabangis na hayop o baboy ramo.

Binilisan namin ang paglalakad ng  napansin namin na may mabilis na tumakbo papunta sa paligid.

"Natatakot na talaga ako Alice."

"Huwag kang maalala. Ako ang bahala sayo." Binilisan namin ang paglalakad nang "AAAAAAHHHH!!" sigaw namin dahil may bumagsak na tao sa harapan namin.

"Hahahahahaha" nang tignan namin ay walang iba kundi si Jake na halos mapaluhod sa kakatawa. Lumabas din ang kanyang mga kasama, kasama ang grupo ni Jessica.

"Halos maihi na yata sila girl." Sabi nila.

"I know. Sayang at hindi nga lang sila naihi." Sabi ni Jessica habang nakangisi.

"Hindi kayo nakakatawa." Sabi ni Margaret habang pinagpag ang kanyang suot.

"Hindi naman talaga nakakatawa. Kayo ang nakakatawa." Sabay turo sa amin.

"Scared like cat naman pala sila eh." Sabi ng isa sa mga barkada ni Jake.

"Tayo na nga." At nagsimula na kaming maglakad.

Magkasabay kaming naglalakad ni Margaret at nauna naman silang maglakad.

"Ang dilim-dilim na Alice. Tama pa ba 'tong dinadaanan natin?"

"Sa palagay ko." Napatigil ang mga lalake. "Narinig niyo ba iyon?" Sabi ni Jake.

"Hindi ka nakakatuwa dude." At tinuloy namin ulit ang paglalak.

"I'm scared." Sabi ni Jessica habang kumapit sa damit ni Jake.

Snap... Napatigil kaming lahat.

"Tara na." Natataranta nilang sabi.

"Sabi ko naman  kasi sa inyo hindi dapat tayo nandito." Nagsisihan sila.

"Masama ang kutob ko dito Margaret." Sabi ko sa kanya habang hawak ang kanyang kamay.

Natapigil kami sa paglalakad ng makita namin ang nasa harapan. Dalawang tao na mapupula ang mga mata at may matutulis na kuko.

"Ang swerte naman yata natin ngayon." habang inaamoy amoy ang paligid. Ang isa niyang kasama ay nakangisi lamang habang binasa ang ibabang labi niya.

Napahawak ng mahigpit sa akin si Margaret at unti-unti din kaming napapaatras.

"Run!." Sigaw ni Jake at nauna na siyang tumakbo.

Hinawakan ko ang kamay ni Margaret at sinimulan na ding tumakbo patungo kung saan kami nanggaling.

"Ba...bampira ba sila Alice?" Naiiyak na tanong niya sa akin.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo  ng narinig namin ang isang sigaw na napakalakas. Tumingin ako sa aking likuran at nagulat sa aking nakita. Tumakbo kami ng tumakbo at hindi inintindi ang mga sugat na natatamo namin.

"Kailangan nating makalayo dito Margaret. Hindi si...sila ordinaryong tao." Nauutal kong sabi.

"Wait Alice. Hindi ko na kaya." Sabi ni Margaret habang hawak-hawak ang kanyang tuhod.

"No! Tayo na.."hablot ko sa kanyang kamay.

"No!" winaglit niya ang aking kamay. "Malayo na ang natakbo natin. Hindi na siguro nila tayo masusundan."

'Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng dalawang yun kila Jake! Huh  Margaret?"  Hindi ko na mapigilan ang umiyak.

"Ki...kinuha lang naman nila ang kanyang puso." Sabi ko sa kanya at napahagulgol..

"Okay." Aalis na sana kami ng nasa harapan na namin ang isa sa kanila.

"Anong kailangan niyo sa amin." Tanong ko sa lalake.

"Kayo ang kailangan namin." Nang-iinsulto niyang sabi.

Mabilis kong pinulot ang kahoy na nasa aking harapan at itinutok sa kanya. Habang si Margaret ay nasa aking likuran.

"Mas gusto mo pala sa mahirap na paraan." Ngumiti siya sa amin at pinakita ang kanyang mga ngipin na kulay dilaw.

Napatingin siya sa paligid at kinuha namin itong pagkakataon para tumakbo. Hindi pa man kami nakakalayo ng sunggaban niya ang aking batok.

"Bakit kailangan mo pang lumaban? Mamamatay ka din lang naman." Sabi niya sa akin at dinilaan ang aking tenga.

Nakatayo si Margaret sa aming harapan habang bumubuhos ang kanyang luha.

"Tumakbo kana..." Sabi ko kay Margaret.

"Pe...pero"

"Cge na!! Bilis!" akmang hahabulin niya sana si Margaret ng mahawakn ko ang kanyang mga paa upang hindi siya makaalis.

Dahil sa inis sinipa niya ako kung saan nabitawan ko ang aking pakakahawak.

"Karapat-dapat lang 'yan sayo! Kung hindi mo lang sana siya pinatakas!" At ginulo niya ang kanyang buhok.

Sinimulan niya akong hatakin gamit ang aking paa. Buong lakas kong iwinasiwas ang aking paa pero walang naitulong.

Simisipol siya habang naglalakad habang ang likod ko ay gumagasgas sa lupa. Kinuha ko ang kahoy na aking nabitaw at buong lakas kong isinaksak sa kanyang paa.

Napahiyaw ito sa sakit at nabitawan niya ako. Bilis kong tumayo at tumakbo palayo sa kanya. Hindi pa man ako nakakaisang metro nang may matulis na bagay na humiwa sa aking likod.

I cried because of the pain. Napasubsob nalang ako sa lupa at sinubukang gumapang upang makalayo sa kanya ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang nasa tabi ko na siya habang naglalakad na paika-ika.

Sumakay siya sa akin likod at ilandas niya ang kanyang kamay sa aking sugat.

"Please, maawa ka." Pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala mabilis lang ito." Halos mawalan ako ng hininga nang unti-unti niyang idiin ang kanyang kamay at halos maligo ako sa sarili kong dugo.

Ikinuyom ko ang aking kamay para maibsan ang sakit na nararamdaman.

"Tara na." Sabi ng kanyang kasama habang hinihingal at may bakas ng takot sa kanyang mukha.

Tumakbo silang dalawa habang naiwan ako. Sa hindi kalayuan may mga yapak na papunta sa akin. Pinilit kong tumingin sa kalangitan dahil ito ang saksi sa aking paghihinagpis.

Nabaling ang aking tingin sa tatlong tao na nasa aking harapan.

"Kailangan natin siyang tulungan." Sabi ng babae habang lumuhod sa aking harapan.

"Drake?" Tawag ulit ng babae. Hindi makagalaw ang lalaking nagngangalang Drake at nakatingin lang ito sa akin.

Bago ako nawalan ng malay, naramdaman kong may bumuhat sa akin.

The Hidden TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon