Chapter 2

37 3 0
                                    

Nandito ako sa Magsayad University kung saan kasalukuyan akong nag-aaral. Abala ang mga estudyante sa pagpunta  sa kanilang mga kwarto, ang iba ay nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan.

"Alice. Natapos mo na pala?" Tanong ng kaibigan kong si Margaret na tinutukoy ang aming proyekto sa Genetics.

"Ah Oo."  At binigay ko sa kanya ang hawak kong folder.

"Maasahan ka talaga Alice." Pupunta na sana kami sa classroom ng makasalubong namin si Jake.

"Hi Alice." Na parang nahihiyang sabi niya.

"Hello Jake." At tinignan ko si Margaret na nagsawalang bahala lang. Nang nilibot ko ang aking paningin sa paligid ay pinagtitinginan na pala kami ng mga estutyante at karamihan doon ay nakasimagot lalo na ang pangkat ni Jessica.

"Uhmm pupunta na ba kayo sa klase niyo? Sabay na tayo tutal madadaanan ko rin lang naman." At binulsa ang mga kamay niya sa kanyang pantalon

Habang dumadaan kami ay hindi parin matigil ang mga estuyante sa pagmasid sa amin.

Si Jake ay isang varsity player ng basketball kaya hindi maiiwasan na marami nagkakagusto sa kanya at isa na doon si Jessica na leader ng cheerleading squad.

Nasa tapat na kami ng classroom ng napatigil kami sa paglalakad nang biglang magsalita si Jake. "Alice uhm ano kasi" habang tumitingin siya sa palagid.

"Anong ano Jake?"habang naguguluhan.

"Uhm pwede ba akong manligaw sayo Alice?" Nagbigla ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko inexpect na ang isang Jake Madrigal ay magkakagusto sa'kin.

"Okay lang kahit hindi mo sagutin ngayon." Nag-aalanganin niyang sagot. "Cge mauuna nako Alice." habang tipid na ngumiti.

"Oyy.. may gusto sayo si Jake."pangungutya ni Margaret hang tinutusok-tusok ang aking tagiliran. Hindi ko maikubli ang aking kasiyahan dahil sa nangyari.

"Bahala ka diyan." At pumasok na ako sa aming kwarto.

I'm lucky I'm in love. Kanta ni Margaret habang pumaikot ikot siya sa akin.

Baliw na lang ang nasabi ko sa kanya. "Uyyy Aminin mo kinikilig ka." Habang umupo siya sa gilid ko.

"Hindi no. At saka, ayaw ko munang atupagin 'yan. Kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral."

"Hay naku Alice kung ako sayo sasagutin ko na agad si Jake. Gwapo, mabait, medyo matalino at sa lahat mayaman. Di kaya eto na ang chance mo para mabago ang iyong buhay."

Napaisip ako sa sinabi ni Margaret. "Oh ano? Napaisip ka no? Diba may sense naman 'yong mga sinabi ko."

Di ko na nasagot si Margaret dahil sa pagdating ng aming professor. Hindi ko na muna inintindi yung mga sinabi ni Margaret at nag-focus na lang sa discussion sa harapan.

Hindi nagtagal at nagtapos na lahat ng aming klase. Mas naunang umuwi si Margaret kaysa sa akin dahil may emergency daw sa kanila.

Magdidilim na ng matapos ko ang mga pinagagawa sakin ng mga professor at karamihan sa mga estuyante ay nakauwi na. Nagmadali akong tinahak ang corridor nang biglang may humablot sa akin kung saan napangiwi ako sa sakit.

"Don't be full of yourself Alice." Nang tignan ko ay walang iba kundi si Jessica at ang kanyang mga minions.

"Wala naman akong ginagawang masama ah." Malumanay kong sagot habang nakayuko.

Tumawa sila ng malakas na parang nainsulto sa mga sinabi ko.

"Nagpapatawa ka ba?" Habang hawak ang aking baba. "Kung ako sayo lalayuan ko na si Jake." At mas diniinan niya ang pagkakahawak sa baba ko.

Binitiwan din ni Jessica ang aking baba ng makita niyang nasasaktan na ako.

"Paano kung sabihin kong gusto ko siya?" Di ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob para sabihin ang mga katagang 'yon. Dahil doon mas nagalit si Jessica sa akin.

"Anong sabi mo! Hawakan niyo nga siya at ng maturuan natin siya ng leksiyon" at sumunod naman sila.

Hawak nilang pareho ang aking kamay at bigla na lang dumampi sa aking pisngi ang palad ni Jessica. Nang tignan ko siya ay wala man lang bahid ng pagsisisi sa kanyang mukha.

Hindi ko na nagawang magsalita dahil sa hapdi ng aking pisngi. "Wala ka naman palang binatbat eh." Sabi ng isa sa kasama ni Jessica.

"Let's go girls. Masisira lang ang beauty natin sa kanya tutal naturuan na natin siya." At umalis na sila sa harapan ko.

Napaupo na lang ako sa sahig at prinoseso ang nangyari."Why do they need to do that? Hindi naman nila ako kailangang saktan." Habang humihikbi. Nang nakaipon na ako ng lakas ay tumayo na ako at umuwi..

"Oh. Anong nangyari sayo?" Tanong ni Mama sa akin na nakatayo sa harapan ng Tv.

Akala ko wala akong madadatnan sa  bahay dahil weekdays at karaniwan ay lumalabas siya para magtrabaho. "Wala po ma. Medyo madami lang kaming ginawa sa school."

"Ang arte arte kala mo naman maganda." bulong niya sa sarili pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko.

"Siya. Magluto ka na at hindi pa ako kumakain" at sinimulan na niyang manuod ng TV.

Nang natapos ko na  lahat ng kailangang gawin ay humiga na ako sa aking kama at nasabing "Bakit ba pinanganak akong malas, walang kwenta at sa lahat walang nagmamahal" bago tuluyang tinangay ng antok.





The Hidden TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon