Kathryn's POV
Agad akong bumaba sa sasakyan ni Papa at nag mano sa kanila. Mas nauna pa akong pumasok sa paaralan kaysa sa dalawa kong kapatid. May pupuntahan pa kasi ako. Alam niyo ba kung saan? Makikita niyo rin mamaya :)) Pumasok na ako sa paaralan. At as usual, invincible na naman ako sa lahat.
Kahit may pagka childish kasi ako, hindi ako yung tipo na sikat o popular dito sa school, mas pinipili ko pang maging baliw sa harapan nang mga kaibigan ko. Pero inaamin ko minsan, nagbabaliw baliwan din ako sa harap nang lahat.
Ay nako! Turo kasi samin nila Mama, na ipakita mo kung sino ka sa harap nang iba. Kasi kung magpapakitang tao ka nalang din, wala pa ring kwenta ang buhay mo. Kung sino ka, huwag mahiyang ipakita kasi ang isang taong nagpapakatotoo kahit mahirap man o mayaman, may paninindigan.
Taas no? Pero lagi kong isinasaisip yun. Agad akong naglakad patungo sa pinakalikod nang paaralan namin. Pagdating ko dun, nakita ko agad si Aling Pasing. Siya si Aling Pasing, isa siya sa mga nangangalaga sa munting chapel na ito nang paaralan.
Akala niyo kung saan no? Lagi kasi akong dumadalaw dito kapag umaga. At tuwing may oras ako sa hapon, namamalagi ako sa chapel na ito. At dahil dun, naging malapit ako kay Lola Pasing. Siya si Lola Pasing, 59 years old na siya pero hindi siya nagka pamilya.
Madaling namatay ang asawa niya. Saklap no? Pero hindi porket namatay na ang taong mahal mo ay dapat ka na rin mamatay. Isa si Lola Pasing sa taong hindi sumuko sa pag ibig. Kahit wala na yung asawa niya ay hindi pa rin siya nagsasawang mahalin siya kahit wala na ito sa mundong kinagagalawan namin.
"Oh hija? Nariyan ka na pala" sabi ni Lola Pasing sabay ngiti. Lola, bakit ang ganda mo?
"Ah opo La. Kayo po, ang aga niyo ah? 6:30 pa lang po pero andito na kayo"
"Kailangan hija eh. Kung hindi ako pupunta nang maaga, baka mananatiling marumi ang chapel." sabi naman ni Lola sabay punas sa mukha nang isang santo sa loob nang chapel
"Lola, hindi po ba kayo nagugutom? May pandesal po akong dala baka gusto niyo pong kainin." alok ko sa kanya pero isang magandang ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin
"Kumain na ako kanina hija. Ikaw, kailangan mo yan kasi bata ka pa. Ako? Matanda na ako hija, at alam ko baka sa susunod ay oras ko na. Handa na akong mamatay hija. Makikita ko na rin ang mahal ko." sabi ni Lola sabay ngiti nang pilit
"Lola, paano na po ang chapel kung mawawala na po kayo?"
"Hija, ipangako mo sa akin na kapag pumanaw na ako ay pangangalagaan mo ang chapel na ito. Ha? Isipin mo nalang na sa loob nito ay mararamdaman mo pa rin na kasama mo ako"
Niyakap ko na lamang si Lola. Kahit naman hindi kami magkaano ano ay naging parang totoong lola na rin ang naging turing ko sa kanya. Humiwalay ako sa yakap mula kay lola. Hinila ko siya papasok nang chapel at lumuhod kami malapit sa altar.
Nagdasal kaming dalawa ni Lola. Matapos nun, ay nagpaalam na ako sa kanya. Dali dali naman akong tumakbo papunta sa isang abandonadong classroom sa paaralan namin. Dun kasi tambayan namin nang mga kabarkada ko. Pagdating ko dun ay sinilip ko muna ang silid.
Napa-YES naman ako sa isip ko dahil naunahan ko ang mga kaibigan ko na dumating sa silid na ito. Pagpasok ko, agad kong inilagay sa isang upuan ang bag ko at umupo na rin ako sa isang sofa dun. Hindi pa lang ako nakakaupo nang maayos ay isang batok ang natanggap ko out of nowhere. :3
"HOY BABAE KA! SAN KA GALING! BAKIT NGAYON KA LANG?! KANINA PA KAMI DITO TAPOS NGAYON KA PA NAGPAKITA?! NAKITA KO SI KIM KANINA AT SABI NIYA KANINA RAW KAYO DUMATING.! SAN KA GALING HA?! AT ANAK NANG TETENG! HUWAG MO SABIHING MAY LALAKE KA NA?! OY TE! SINO BOYLET!" yan, si Julia Montes. Siya yung bungangera at malakas mambara sa grupo. Siya din yung mestisa na maganda. Basta siya na yun. Magandang maganda yan
"At ikaw! *pok* sa susunod kasi MAGPAALAM ka! Hindi yung pinagaalala mo kami na baka may gumahasa o may pumatay na sa'yo! My God girl! Magiging matanda ako sa pinagagagawa mo" yan si Kiray Celis. Siya yung mala Anne Curtis sa grupo. HAHAHA! Fashionista. Maganda. Sexy. Maputi. Yan siya, pero pag sinubukan mong awayin o tawaging pandak, hawak hawakan mo na ang buhok mo
"Alam mo sa pag aaalala ko sa yo?! Magkaka wrinkles ako! Uso magpaalam girl!" yan si Miles Ocampo. Siya yung madadaldal na parang ewan sa grupo. Makulit yan sobra. Kasi wala pang boylet. Eh wala naman talaga kaming boylet.
"Hay nako kayo guys, masyado kayong over protective ha? Hindi na ba kayo sanay na nasa chapel ang punta ni Kath every morning." yan si Aria Clemente. Siya yung genius na tahimik na minsan madaldal sa grupo namin. Ewan ko nga kung bakit napasali siya sa amin eh.
"Ay ewan!" ako yan
"Whatever! Girrls! Andito na yung newspaper oh! May article na naman about dun sa gwapong heir nang Padilla Associatives! Balita ko ka age lang daw natin to! Ang gwapo niya no?!" sabi ni Kiray. Psh! Gwapo gwapo daw. Pag aaral muna oy!
"Ang gwapo niya talaga! Look at his pinkish lips oh! At yung ilong niya! Gaaaad! Nagha hyper ventilate akooo sa kanyaa!" si Miles yan! Nako nako nako! Mga babaeng to! Nakakita lang nang gwapo ganun agad reaction
"Hay nako guys. Mangarap nalang kayo. Mukha pa lang niyan oh, paniguradong arogante yan. Asa naman na mapapansin niya tayong mahihirap? Huwag na kayong mag pantasya" sabi naman ni Aria. Agree ako sa sinabi niya
Billionaire kasi yung angkan nang Padilla na yun. They're the world's richest family. Kahit saan ka magpunta, pagmamay-ari nila. Kaya nga richest diba? At yung pinagkakaguluhan nilang lalaki kanina. Si Daniel Padilla yun. Siya yung first born nang pamilyang Padilla kaya siya rin yung heir sa pamilya nila.
Don't get me wrong okay? Alam ko lang kasi yun yung madalas na napag uusapan nang mga kaibigan kong mga loka loka at adik sa lalaking yun. Ewan ko ba kung ano nakita nila dun. Oo inaamin ko, gwapo siya. Desente. Pero kahit ganun siya
HINDING HINDI AKO MAIINLOVE SA KANYA. TANDAAN NIYO YAN!
YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.