Kath’s POV
Masakit?
No, hindi masakit. Nakakabwisit nga eh. Nakakaasar. Kung pwede ko lang sabunutan, suntukin, banatan at sipain si Kulugo, matagal ko nang ginawa. Si Julia? Yung shunga nyang bestfriend na nagsinungaling ang mas pinaniwalaan niya. Nakakaasar! Wala, walang masakit. Kasi hindi dapat ako nasasaktan. Gagong yun. Magsama sila nang babaeng yun! Tss.
“Kath? Are you okay?” EJ
Bumalik naman ako sa ulirat nang makita ko yung limang lalaki na nagtanggol sa’kin kanina. Buti pa sila, tinulungan ako. Naniwala sila sa’kin na wala akong ginawang kasalanan sa brudilyang yun. Kung bakit pa kasi napunta ako sa Kulugong yun. Pwede namang sa isa sa kanilang lima nalang, si Enrique.
“Kath.” Jerome
“Ah eh, okay lang ako. Huwag kayong mag-alala. Matatag ‘ata ako. Okay lang naman kasi na mas pinaniwalaan ni Daniel si Julia, bestfriend niya yun eh, tapos ako, fiancée niya LANG. Okay lang.”
“Sigurado ka? You don’t look good.” Khalil
“Di, okay nga lang ako. Kukulit ng lahi niyo ‘eh. Haha.”
“As you say so, pero hindi pa rin kami naniniwala sa’yo.” Diego
“Bahala kayo. Teka, hindi pa ba magsisimula ang presscon?”
“Ah, hindi na. Senor David rescheduled the presscon, masyado pa raw kasing sariwa. And he wanted you and Daniel to be briefed, baka kasi magulat kayo sa mga tanong dun.” Enrique
“Ah sige, saan ba ‘ko pwedeng makalabas? Gusto ko na sanang umuwi ‘eh.”
YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.