Kathryn’s POV
“Lahat ng nakikita mo Kathryn, mula rito at kahit hanggang saan man maabot ng iyong paningin ay pag-aari nami’ng mga Padilla. At kung maikakasal kayo ni Daniel? Mapapasayo ang lahat ng iyan”.
Pinakita ni Senor David ang kanilang mga ari-arian. Akin? Hindi ko naman kailangan ng kayamanan para maging masaya. Makita ko lamang ang mga ngiti sa labi ng mga magulang at mga kapatid ko, ayos na. Ngayon na naghihirap si Nanay? Kahit kaligayahan ko pa, isusugal ko. Para sa kanila. Para sa buhay ko. Ang pamilya ko.
“Kathryn, hija?” bumalik naman ako sa realidad nang tawagin ako ni Senor David.
“Ay, pasensya na po Senor David. Nag iisip lamang po ako. Humihingi po ako ng tawad sa pagiging pabaya ko.” Sabi ko sabay yuko.
“Ano ka ba naman hija, hindi naman ako galit. At Senor David? Nako, Kathryn, you better get used on calling me Lolo. Hindi naman habang buhay na Senor lamang ang itatawag mo diba? Magiging lolo mo rin naman ako kung ikakasal kayo ni Daniel”.
Kasal. Kaya ko nga ba? Kaya ko nga bang magpatali si isang lalaki na hindi ko naman mahal? Kaya ko nga bang makasama habang buhay ang lalaking kalian man ay hindi ko mamahalin? Isang arogante, suplado at mayaman. Makakayanan ko ba? Kakayanin ko ba na magising sa umaga na siya ang bumubungad sa’kin? Paano na’to? May pangarap pa ako sa buhay. May gusto pa akong makamit. Lalakbayin ko pa ang mundo. Maaaring isang malaking panghihinayang para sa akin na ikasal sa isang supladong lalaki, pero ito ang tama at ito ang dapat.
“Ah eh, Lolo. Hindi ko pa po nasabi kay tatay eh. Pwede po bang balikan ko muna ang pamilya ko?” sabi ko kay Lolo
“Oo naman hija. Pero mag-iingat ka ha? Huwag ka’ng masyadong paligoy-ligoy sa daan. Hindi na natin alam na may masasamang loob na pala ang umaaligid sa’yo. Gusto mo bang ipahatid na kita? Kung gugustuhin mo lang naman.” Sabi ni Lolo na may halong pag-aalala
“Ah eh, huwag na po Lo. Kaya ko na po ang sarili ko. Maraming salamat po talaga sa pag-aalala.”
Lakad takbo akong umalis mula sa kompanya ni Lolo David. Matapos ko kasing sabihin sa kanya ang desisyon ko ay agad niya akong dinala sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Daniel. Oo, huwag kayong echos diyan, hindi ko naman gustong tawagin siyang Daniel. Yung lang naman ang gusto ni Lolo na itawag ko sa kanya. Mas maganda raw kasi na hindi masyadong pormal, para matutunan kong mahalin si Daniel. As if? Ako? Maiinlove sa gugung na yun? A-S-A! -____-
Sumakay ulit ako sa pampasaherong dyip. Tinignan ko ang mga tao sa loob ng dyip. Siguro, ito na ang huling pagsakay sa dyip na’to. Panigurado kung malalaman na ng publiko ang tungkol sa kasalan, pagbabawalan na ako ni Lolo na makisalamuha ang ibang tao.
Nang makarating na ako sa loob ng hospital, mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Paano ‘pag magalit si Papa sa akin? Pero, masisi niya ba ko kung gusto ko talagang tumulong? May karapatan naman siguro akong tumulong sa kanila kasi anak nila ako. Nang papalapit na ako sa kwarto ni Mama, isang blangkong mukha ni Tata yang bumungad sa’kin.
“T-tay?” sabi k okay tatay sa malambing na boses
“Kathryn Chandria Manuel Bernardo, ano ba ang iniisip mong bata ka? Bakit mo ginawa yun?” sabi ni Tatay sabay yakap sa’kin.
“Tatay, sorry po! Sorry po talaga” nagsimula nang magsilabasan ang mga butil ng luha sa mga mata ko. Alam ko, nagpadalos dalos ako. Hindi ko muna ipinaalam kay tatay ang gusto kong mangyari, pero wala eh. Siguro, yun lang ang pinakamadaling paraan.
YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.