MTBH 4

3.6K 76 11
                                    

Chito's POV

Kilala niyo naman siguro ako no? Ako nga pala si Chito Bernardo, ang ama ni Kathryn, Kim at Bugoy Bernardo. Namamasada ako ngayon para may maibiling gamot para sa misis ko. Mas lalong lumalala ang sakit niya sa puso. Oo, may sakit sa puso ang asawa ko.

Gustuhin ko man na maipatingin ito sa mga doctor, hindi ko naman kaya kasi nga mahirap lang kami. Namamasada lang ako nang taxi tapos siya, isang simpleng maybahay ko lang. Maswerte nga ako kasi biniyayaan kami nang mga anak na mababait. Kahit papaano, nawawala ang pagod at hirap ko nang dahil sa kanila.

Hindi kami nakapagtapos nang pag aaral ni Betchay nang dahil sa hirap nang buhay. Kaya pinili nalang naming mabuhay magkasama. Nagtatrabaho sana si Betchay nang malaman kong may sakit pala siya sa puso. Dahil naman mahal ko ang asawa ko ay ipinatigil ko siya sa trabaho niya.

Inako ko lahat nang hirap kahit magdusa at gumapang pa ako sa lupa. Basta't wag lang yung pamilya ko ang maghirap. Ako ang ama at haligi nang tahanan, nagtatrabaho ako nang malinis at marangal kaya hindi ko ikinakahiya na isang simpleng taxi driver lang ako.

Akala namin ni Betchay noon na hindi na lalala ang sakit niya sa puso. Akala namin na maaaring madala niya ito habang buhay pero hindi naman dapat naming ikabahala. Pero nagkamali kami pareho, nalaman namin na mas lumalala na yung sakit niya sa puso. At kapag hindi naaagapan agad, maaari niya itong ikamatay.

Hindi ko namalayan na napatulo na pala ang luha ko nang maisip kong baka mawala ang pinakamamahal kong babae. Kaya mas pinursigihan ko pang pumasada kahit gabing gabi na. Tinignan ko ang orasan sa taxi ko. Alas 2 na pala? Hindi ko man lang namalayan ang oras.

Ipinarada ko ang taxi ko sa isang parking area at bumaba. Naghanap ako nang tindahan upang makabili man lang nang kape upang mawala ang antok na nararamdaman ko. Medyo malayo rin ang nilakad ko upang makaabot sa isang bukas na tindahan. Matapos kong inumin ang kapeng binili ay agad akong bumalik sa sasakyan.

Papasok na sana ako sa sasakyan nang may makita akong matandang pinagtutulungan nang dalawang kalalakihan. Kung titignan ay isang mayaman na lalaki ang matanda. Akala ko nag uusap lamang silang tatlo ngunit nanigas naman ako nang tutukan niya nang kutsilyo ang matanda. PATAY!

Nag isip ako nang paraan, makatulong lamang sa matanda. Himalang may nakita akong uniporme nang pulis sa isang kotseng nakaparada malapit sa taxi ko, agad akong nagbihis at dinala ang baril at batuta.

"Huwag niyo akong papatayin. What do you want from me? Naibigay ko na ang suitcase ko na naglalaman nang perang dala dala ko" pagmamakaawa nang matanda

"Wala kaming pakialam! Alam naming isa ka sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Mas yayaman kami kung mas malaking halaga ang ibibigay mo!" sabi nang holdapper na mukhang menor de edad pa lamang.

Marrying the Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now