Kathryn's POV
"Oh tay? Bakit po maraming nakahain sa mesa? Birthday po nino? Sap pagkakakaalala ko hindi ko naman birthday ngayon" tanong ko sa tatay ko na abalang abala sa pagluluto nang mga pagkain
"Wala anak, may bisita lang kasi tayo ngayon. Mabait siyang matanda anak at gusto niya raw kayong makilala. Pumunta ka na sa kwarto niyo, nakapagbihis na ang mga kapatid mo, magbihis ka na rin. May bagong damit kaming binili nang nanay mo" sabi ni tatay habang tutok na tutok sa pagluluto
"Ah sige po."
Kanina pa talaga ako na weweirdohan sa mga magulang ko. Kasi pagdating ni tatay kanina sa bahay, may mga dala siyang mga pagkain para sa amin. Mga kakailanganin namin sa pang araw-araw. Pero hindi ko nalang siguro iisipin yun, magpapasalamat nalang ako.
Pagdating ko sa kwarto nadatnan ko sila Kim at Bugoy na mukhang bihis na bihis na. Lumapit ako sa kanila at nakipagkulitan nang sandali. Binigay naman ni Kim ang damit na pinasusuot nila Mama. Simpleng damit lang naman ito.
"Oh ate. Sabi pala ni Mama na pakidalian daw kasi baka dumating na raw mamaya yung bisita natin." sabi naman ni Kim
"Ah oh sige Kim. Ikaw tapos ka naba diyan?"
"Opo ate. Ah te, baba na po ako ah? Mukhang kailangan nila Mama nang tulong eh. Sige te, una na ko"
Bumaba na si Kim at naiwan naman akong mag isa na mag ayos sa sarili ko. Agad naman akong natapos kasi hindi naman siguro engrande yung magiging bisita namin, pero sa tingin ko mukhang isang mahalagang tao naman siguro ang lalaking to kasi pinaghandaan nila Mama nang maayos.
Bumaba na ako sa hagdan. Pagdating ko, may isang matandang lalaki namang ngumiti sa akin. Parang ang pangit naman kung hindi ko siya ngingitian pabalik kaya nginitian ko na rin siya. Nakita ko namang nandun na sila Mama kaya lumapit na rin ako.
"Senor David, ito po ang panganay ko. Si Kathryn Bernardo."
"Napakaganda mong bata hija. Ilang taon ka na ba?"
"Salamat po Senor David. 16 years old na po ako"
"Ah! Nasa ika-4 na taon ka na sa high school? Am I correct hija?"
"Opo."

STAI LEGGENDO
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.