Kathryn’s POV
“LOLO!”
“What Daniel, hijo? It’s a really wonderful idea! Para naman magkaroon kayo ng quality time nang mapapangasawa mo.”
Kung talagang hindi ko nirerespeto si Lolo David, malamang, matagal ko na rin itong nabatukan. Typical! Naka drugs ba itong si Lolo? Parang gusto ko nang ipa-rehab, now na!
“It’s a wonderful idea, right Kathryn?”
“Eh Lolo, parang ang panget naman po kasing tignan, babae po ako tapos lalaki si Kulugo ay este—si Daniel tapos magsasama kami sa iisang bubong.”
“Ano naman ang masama ‘dun, hija? You’re Daniel’s fiancée now, so there’s nothing wrong if you both would stay on the same roof.”
“Eh, kahit na po, underage pa po kami ni Daniel.”
Napaisip naman doon si Lolo David. Mabuti na rin ‘yon no. Hindi ko na kailangang makasalamuha ang Kulugong ‘to, baka gapangin pa’ko. Nyahaha. Tae, ang OA ko. Hindi naman papatol sa’kin to. Wait, teka nga, bakit ko kaya iniisip ‘to! Kadiri!
“I’ve made my decision.”
Kung kanina nakangiti si Lolo, ngayon naman halos makakapatay na ng tao sa sobrang talim ng tingin sa’ming dalawa ni Kulugo. Lolo please, huwag niyo pong hayaan na mapasakamay ako ng salbahe at panget mong apo. Nagmamakaaawa na po ako sa inyo.
Tumayo si Lolo at nagpalakad lakad. Ano ba iniisip nito? Baka naman isabutahe nila ako ni Kulugo, tapos ichop chop tapos itapon sa ilog! Huwag naman sana! May pangarap pa kaya ako sa buhay, ibibigay ko pa kay Kim at kay Bugoy yung pinapangarap nila. Huhu!
“My decision is final for you two. You’ll be staying at that house until you get married. The discussion is over and I shall leave. Goodbye, mga apo.”
YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.