Kathryn’s POV
WHAT?!?!?!?!?!
Sisikohin ko na sana itong katabi ko when I realized na andito pala kami sa publiko. Lagot na. Napansin ko naman na mas dumami ang pagkukumpulan ng mga tao sa paaralan namin. Pati mga reporters, paparazzi ay andito. Lahat sila kinukunan kami ng picture. Ito namang katabi ko parang engot, titingin tingin din, smile smile kala mo sinong gwapo. -_____-
Hanggang sa dumami ang pagkukumpulan dito sa paaralan kaya hinila naman ako ng kulugong to paalis. Nakita kong sinigaw ng mga kaibigan ko ang pangalan ko. Lalapitan ko na sana sila nang hilahin or should I say kaladkarin na ako ng kulugong ‘to. Sarap kutusan sa lungs eh. Tae.
Isa isa namang dumating ang mga PSG na kasama ng kulugong to, ako naman lumayo nang konti sa kanya pero hinila niya rin pabalik. Chumachansing ‘tol! Batukan ko kaya ‘to no? -__- Dumating naman ang isang white limousine. Gara! Halos magtulakan na nga ang mga tao sa likod ko kaya ang nangyari, nagtulakan sila. Kasasabi lang nang nagtulakan dba? Engot to oh -___- Siyempre joke lang
Binuksan naman agad nang isang PSG ang limousine kaya nakasakay agad kami. Itong kulugo namang ‘to binitawan ang kamay ko. Parang kanina lang namimihasa na siya sa pagkakahawak sa kamay ko tapos ngayon bibitawan niya lang na parang wala. Kulugo talaga.
“Oy, bakit mo naman sinabi iyon kanina? Uhm, baka akalain nila na totoo yun.” Sabi ko sa kanya
Tinignan lang naman po niya ako tapos inirapan. Seryoso? Lalaki ba ‘to o bakla? Makairap eh. Daig pa lahat nang babae sa school nung malaman na long time jowa ko ‘to. Hinarap ko naman ulit siya at hinila ang business attire niya with matching kurap kurap.
“Oy! Seryoso na ‘to oy! Bakit mo nga sinabi yun! Patay ako sa mga babaeng andun pag nagkataon. Tapos baka, uhmm, baka maniwala sila! Hoy! Sagutin mo ‘ko! Kasi---“
“SHUT UP WILL YOU?!”
Nagulat naman ako dun. Never in my life na nasigawan ako. Kahit mama ko o papa ko, pati teachers at kaklase. Kunyatan ko kaya ko! How dare him to shout at me! He’s a useless incompetent fool! Chariing! English yun, tae! Napapa English ako nang wala sa oras.
“Anong shut up shut up ka diyan?! Hoy! Kakaladkarin ako ng mga fans mo kapag nalaman nila na totoo yuun! Mapapatay talaga kita eh! Hoy! Isa pa talaga pag hindi ka magsasalita ipupukpok ko ang ulo mo diyan sa window! Hoy! Sumagot ka!”
“Aish! Will you stop nagging?! You’re so childish, you know? You’re so noisy that even my ears can’t take it. Will you stop shouting at me?! We’re just inches away so you don’t have to yell at me like I’m at the highest peak of Mt. Everest, Chandria.”

YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.