Hi! Before I would start my update, gusto ko lang po'ng pasalamatan lahat ng mga readers ko for not leaving me! Throughout the year, super inactive but still, hindi niyo ako iniwan. To all my SMWAPP readers, the ending is about to happen so please tutok na po kayo! :))
To everyone, I have this Wattpad error and I need big help! Wattpad says that, "WE ARE HAVING TROUBLE SENDING YOU EMILS. REVERIFY OR UPDATE YOUR EMAIL" I have encountered this problem months ago and I don't know how to freakin' solve this. To those who know how, mind if you help me? In return, I can make your story with your crush or with your idol. Or even, I can make you a part of my master piece. Please do and message me personally. Anyone who knows can be a big help.
To my MTBH readers, I know you have been waiting so long for this update and I have been way over due, I'm really sorry! So here is your long awaited update. Phew! Since nakalimutan ko na ang story, I read it all over again. Thanks guys for commenting and voting. Please continue to show your support! Lovelots!
~xoxox,
Kimm<3
__________________________________________________
Kath's POV
"Senor David" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nasa kalgitnaan ako nang isang tanong. Isang tanong na maaaring makapag.bago sa takbo ng buhay ko. Hindi ako makaimik. Parang tumigil ang mundo ko. Isang desisyon na pumapagitna ang kaligayahan ko at ang kaligayahan ng pamilya ko.
Bata pa ako. I'm only 16, then I would decide on getting married? Pero hindi lang naman to sa akin dba? It's for my whole family. Kaligayahan nila ang nakataya dito. Pero kaya ko nga bang isugal ang buhay ko maibigay ko lang sa kanila ang inaasam nilang masaganang buhay?
"Hija, naiintindihan kita kung hanggang ngayon hindi ka pa rin makapag desisyon. I know, I caught you off guard. Nabigla ka sa sinabi ko. Pagpasensyahan mo na ako, hija. I am just a desperate old man wanting to have a trustworthy granddaughter in law for his grand son." sabi ni Senor David, habang humihinga ng distansya sa tanong niya
"Senor David, hindi ko pa po alam kung ano talaga ang dapat kong gawin. Kailangan ko munang pag isipan ito ng maayos. Senor David, maari niyo po ba akong bigyan nang panahon? Nagmamakaawa po ako" Oo, lumuhod ako sa harapan niya at humagulhol. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Pinatayo ako ni Senor David at pinatahan.
"Hija, hindi kita minamadali. Huwag ka nang umiyak. Sa lahat ng tao na maaari kong mapili, ikaw ang ;labis kong nagustuhan. Mabait ka, masunurin at may takot sa Diyos. Alam kong magiging maayos at mapapanatag ang loob ko kung sa iyo ko maipapamana ang mga ari arian ko. At mas mapapanatag ang loob ko kung kayo mismo ni Daniel ay maikasal na."
Daniel Padilla. The guy whom I dislike the most. Kaya ko nga bang mabuhay at makasama siya? Matapos ang mataimtim na pag uusap namin ni Senor David, napagpasyahan niyang umalis na. Hinatid namin siya sa labas at hanggang sa pagpasok niya sa kanyang sasakyan, isang ngiti ang ibinigay niya sa akin.
Hanggang sa paghiga ko, iniisip ko pa rin kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung saan ba sa dalawang pagpipilian ang dapat kong piliin. Dapat ko nga bang tanggapin ang kanyang alok? O hayaan ko nalang bang magdusa ang pamilya ko?
Hanggang sa hindi ko natiis, tumayo ako at nagpunta sa kusina namin. Pinagtimpla ko ang sarili ko nang gatas, baka sakaling makatulog na ako. Habang nagtitimpla, malalim ang iniisip ko. Ano nga ba, Kathryn Bernardo? Ano ba ang dapat mong gawin?
"Mukhang malalim ang iniisip ng prinsesa ko ah?"
"Papa"
"Oh? Ano naman ang iniisip ng maganda kong anak? Bakit ka nakatulala? Alam mo bang pumapanget ka kung ganyan ka, malungkot" sabi ni tatay sabay yakap sa'kin.
YOU ARE READING
Marrying the Billionaire's Heir
Fanfiction"I'll help your family. Their needs. Your mom's medication and everything only if you marry my grandson. Name everything, luxury and all." sabi ni Senor David na naging dahilan upang magulat si Kathryn.