After nung nangyare. Hindi na nagpakita si Teejay. At si Kyle? Ayon. Tinuturing na naman ako bilang toy niya. Ibat ibang babae ang nandito palagi na inuuwi niya.
Akala ko mahal niya ako kasi sobrang sweet niya nung nagdaang araw. Akala ko ang pala. Bukas, balak ko na umalis dito at babalik na ako ng states para magtrabaho sa company ni Kyle.
Napatigil lang ako sa pagiisip ng may biglang tumawag sa akin.
"Hello?"
[Papayag ka na ba bukas]
"Oo, payag na ako"
[So ipapasundo na lang kita dito sa states ha pagkababa mo]
"Sure"
Si Teejay ang kausap ko.
"ANDREA!!!!" Si kyle.
Palagi na lang yan ganyan minsan nga ng may dumating na babae dito pinakilala niya pa ako bilang maid niya. Hindi na lang ako nakaimik ng time na yon kasi nagblack aura siya. At kapag nangyareng lumaban pa din ako, paparusahan niya ako.
"ANDREAAAAA!!!!"
"Bakit?" Mahinahon kong sabi sa kanya.
"May dadating akong visitor, 3 yon, ipaghahanda mo sila ng pagkain ha!" Sigaw niya sa akin.
"O-opo" at tinalikuran niya na ako.
Nagluluto akong pagkain ng may biglang nagdoorbell. Siguro iyon na ang bisita ni Kyle. Kaya dali dali akong lumabas para tingnan kung sino yon.
"Is Kyle there?" Sabi nung babaeng blonde
"Ah oo, nandito siya"
"Excuse me" Sabay daan sa tabi ko at sumunod naman yung dalawang babae.
Pagkatapos nilang dumaan ay isinarado ko na ang gate at pumasok na din sa loob.
Dire diretsyo naman yung mga babae sa loob ng kwarto ni Kyle. Tss. Pumunta na lang ulit ako sa kusina.
Naghanda na din ako ng panglunch NILA. At lumabas na silang lahat.
Ano kayang ginawa nila? Tss. If I know pinagsawaan lang sila ni Kyle na yan.
Ng nakaupo na silang lahat ay umalis na ako sa kusina. Nung nasa may hagdan na ako
"ANDREAA!" Sigaw ni kyle. Napatingin naman ako sa kanya. "HINDI KA KAKAIN?!"
Hays, palagi na lang ba siya sumisigaw :/
"Hindi po, papasok na po ako sa kwarto ko SIR"
At dali dali akong pumasok sa kwarto ko at inilock ito.
Mamayang gabi kailangan ko na palang magayos ng damit ko para mapadali ang pagtakas ko kasi papasok na si Kyle bukas.
Nahiga na lang ako, hays kapagod.
Buti na lang wifi itong bahay ni Kyle kung hindi baka naloka na ako.
Pinatay ko na lang ang wifi at natulog.