Nagising na lang ako na may note na nakadikit sa noo ko. Kinuha ko ito.
I will wear the black lingerie later for my boss.
Ps: cabinet.
-K
Tiningnan ko naman yung nasa cabinet at napamura.
Shit puro lingerie? Wala bang maayos na damit dito? Napaupo na lang ako sa kama, so hindi ako makakalabas? Grabe.
Nagulat ako ng may biglang kumatok.
Pinagbuksan ko naman ito ng pinto at nagulat ako ng nagpasukan ang mga maid, mga kasi 5 sila at may dala dalang paper bags, nung nailagay na nila sa kama at sabay sabay silang umalis ng kwarto ko.
Tiningnan ko kung anong laman nito.
Jewelries, bags, Mga damit, sapatos at bra at panty?
Ang dami naman parang puno ang bawat paperbags sa dami, hays salamat naman.
Nagulat ako ng nagring yung telepono.
Sinagot ko ito.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya
[Natanggap mo ba? Yung sulat nabasa mo?] Tss si Kyle pala.
"Oo natanggap ko na at nabasa ko na yung sulat"
[Good] Sabay patay. -.-
Napaupo ako sa kama. 1 taon Andrea, kaya mo yan. Huwag ka mahuhulog kasi matatalo ka. Sinaktan mo siya kasya imposibleng mahalin ka niya ulit.
Hindi nga ba ako mahuhulog sa kanya?
Kung pwede lang ibalik yung panahon, sana pumili ako at nagdesisyon ako ng maayos. Kinausap ko sana siya ng maayos. Kung sana, hanggang sana na lang ako