23

16.1K 226 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, may tumatawag.

Teejay calling...

"Oh Teejay?"

[Nagbago yata ang isip mo Rea? Nagtext ka kagabi eh]

Napakunot na lang ang noo ko. "Ah-eh sorry Teejay"

[Ok lang Rea]

"Sige bye na, ligo lang ako"

[Ok bye] sabay patay.

Nagtext kagabi? Eh sa pagkakaalam ko tulog na tulog na ako nung gabing yon.

Naalala ko na naman ang nangyare kahapon, napangiti na lang ako ng palihim. Mahal ako ni Kyle. Mahal niya ako bilang ako hindi niya na akong tinatawag na toy niya. Sobrang saya ko lang.

Bumaba na ako para humanap ng makakain ng biglang may nagdoorbell.

Pagkapunta ko sa pinto, nagulat ako na yung 3 babae na naman ang nandito.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Is Kyle there?"

"Wala eh, nasa work na siya"

"Ok. We'll be going there bye" at umalis na sila.

Ano bang meron sa kanila ni Kyle? Ano bang meron sa kanila ni Kyle?

Dali dali akong nagayos at kinuha ang isang susi ni kyle at dinala ang isa sa kotse niya.

Pagdating ko sa office niya nandoon ang secretary niya,

"Maam, do you have any appointment?"

"No, but let me enter. I'm his girlfriend"

"No maam, he's busy today"

Tiningnan ko siya ng masama "Busy flirting maybe?" At tinulak ko siya para makaalis siya sa daan.

Pagkapasok ko sa office niya walang tao, then may nakita akong kwarto doon na may nakalagay na do not disturb.

Dali dali akong nagpunta don at binuksan yon.

Nagulat ako sa nakita ko.

I am his...TOY? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon