8

23.8K 345 4
                                    

Kyle's Pov

Before 3 years: past

Maaga ako nagising para ipagluto si Andrea ng pagkain kasi pinagbakasyon ko muna lahat ng katulong namin.

Inihanda ko na ang pagkain sa lamesa at umupo. Iniintay ko si Andrea. Bakit ba ang tagal niya?

Tinawagan ko ang telepono niya sa kwarto para tawagin siya, ring lang ito mg ring pero walang sumasagot. Tulog pa rin ba siya?

Nung hindi na ako nakapagintay ay nagpunta na ako sa kwarto niya at nagulat ako ng walang Andrea ang nandon.

"Andrea?!" Sigaw ko sa kwarto.

"Andrea?!" Sigaw ko ulit.

Kinatok ang CR sa kwarto nya at nagulat ako kasi wala siya don.

Tiningnan ko ang cabinet niya, nandon ang gamit niya pero bakit ganon?

Kinabahan ako kaya dali dali akong umalis sa bahay at pumunta sa apartment niya, alam ko ang apartment niya dahil pinapasunod ko siya araw araw.

Kinakatok ko yung pinto. Pero walang sumasagot.

"Iho? Anong kelangan mo?" Sabi nung matandang babae na nasa likod ko, humarap ako sa kanya.

"Ah, wala po kinakatok ko lang po yung nakatira sa apartment na ito"

"Ako iho ang nakatira dyan"

Nagulat ako "ho? Nasan na po yung Andrea Castillo?"

"Ah yun bang batang iyon? Wala na siya dito kagabi pa, ako na ang nagmamayari nito ngayon"

Biglang gumuho ang mundo ko sa narinig kong iyon.

"Ganon po ba? Saan daw po nagpunta?"

"Hindi ko alam iho"

"Salamat ho" ngumiti na lang siya at pumasok sa apartment niya.

Bumalik ako sa kotse ko at napahampas sa manubela, shit.

Nasaan ka ba Andrea?

Iniwan mo na naman ako ng walang dahilan.

I am his...TOY? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon