Chapter 2

36 1 0
                                    

5 days earlier... (Cont.)

Mia's POV

Pagkadating ko sa bahay, as expected nakita ko na yung kotse niyang nakatapat sa labas. Bumababa agad ako sa sasakyan at pumasok sa loob. Nakita ko naman siyang nakaupo sa sala at parang hindi mapakali.

"Good evening po, Ma'am" bati sa akin ng isa naming katulong.

"Good evening din po Manang, andyan na ba sila Mommy?" Tanong ko agad.

"Nako Ma'am wala po ang Mommy at Daddy niyo, hindi po sila makakauwi ngayon dahil daw po sa trabaho." Paliwanag sa akin ni Manang. Hindi naman na bago sa akin yung ganon patungkol sa pagiging busy ng parents ko sa business. Wala eh ganoon talaga. Wala naman akong alam jan sa business world pa.

Umupo na ako sa sofa na katapat niya at saka ako nagsabi ng...

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Mga 15 minutes ago lang." Sabi niya.

"Tungkol saan naman pala yung gusto mong pagusapan? May problema ba?"

"Alam kong nakita mo yung kanina. Nung hinalikan ako ni Selene sa ice cream parlor. Nakita kitang nagwalkout eh." Selene pala ang pangalan nung babae. "Babe, walang ibig sabihin yun. Nangungulit kasi yung si Selene sakin at ang sabi niya, samahan ko lang daw siya ngayon at titigilan na niya ako. Hindi ko naman alam na gagawin niya yun." Dagdag na paliwanag niya pa.

"Bakit mo naman hinayaan? Kung wala ba ako doon nung mga panahon na iyon, mageexplain ka pa ba ng ganyan sa akin? Hindi siguro diba? Kasi baka isipin mo na masasaktan lang ako. Pero wala Dale eh, kitang kita ko. Hindi ka naman bumitiw. May choice ka eh, may choice ka!" Naiinis at naluluhang sabi ko.

"Babe, hindi ko naman ginusto eh. Wala naman yun. Tinulak ko agad. Hindi ko naman alam na nandoon ka, wala akong alam. Siya yung nag insist pero hindi ko nagustuhan yun. Siguro nung tumayo ka, hindi mo nakita. Tinulak ko siya tapos doon na kita nakitang lumabas ng ice cream parlor. Hahabulin sana kita kaso masyado kang mabilis, nawala ka sa paningin ko." Sagot niya pa.

"Baka ikaw yung nawawala sa paningin ko. Sino ba kasi yun? Akala ko ba FAMILY MATTER? Eh sa sobrang legal natin, hindi ko naman nakilala yun ni minsan. Ngayon lang. Hindi ko naman alam na may bagong ritwal na pala ang magpapamilya ngayon. Maghalikan." Inis na sabi ko pa din.

"Anak ng kaibigan ng Mommy ko si Selene, na obviously-may gusto sakin. Pero Mia, babe, ikaw lang talaga. Ikaw lang baby. Ikaw lang. Ayoko sa kanya. Nirereto lang ako ng Mommy ko doon. Pero alam naman niya na ikaw lang. Ayoko sa kanya. Ikaw lang gusto ko." Paglalambing niya.

Sino ba namang hindi bibigay. Mahal ko to eh. Mahal na mahal. Sana nga nagkakamali lang ako ng iniisip. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.

"Sana nga wala ng higit pa doon. Grabe kasi nung hinalikan ka niya. Hindi ko matanggap. Ako lang dapat yun eh. Mag alcohol ka nga ng lips!" Sabi ko sa kanya.

"Sorry na babe. Iiwasan ko naman siya tuwing nanjan siya, pinagbigyan ko lang talaga ang gusto ng Mommy ko and ang gusto ni Selene. Para tigilan na niya ako, na niya tayo. Sorry babe. I love you."

"Oo na. Buti na lang hindi ako eskandalosang girlfriend kung hindi baka sinabutan sabay ngudngod ko siya sa ice cream niyo kanina. Saka pasalamat ka, mahal na mahal kita kaya hindi kita kayang tiisin. Hays. I love you too."

Pagkasabi ko non, eh bigla na lang niyang nilapit ang mukha niya. Sabay hinalikan niya ako sa labi. Kahit hindi ito yung unang beses na hinalikan niya ako, parang ganoon pa din yung feeling-parang yung mga halik namin yun palang yung una. Kinikilig ako, may butterflies sa stomach ko, nagsslowmotion yung paligid. Ganoon yung pakiramdam. Ang sarap.

Tinapos na niya yung halik, at sabay hinalikan niya ako sa noo.

"Mia, mahal na mahal kita. Wag ka ng magseselos sa kaninong mga babae, dahil ikaw lang yung babaeng mamahalin ko. Ikaw lang, Mia."

"Ikaw lang din Dale, mahal na mahal kita. I love you."

Pagtapos ng ilan pang oras ay kumain lamang kami, nagkwentuhan ng parang walang nangyari. Back to normal.

"Babe, mauna na ako ha. Gabi na may pasok pa tayo bukas. Sunduin kita gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Sige, sunduin mo ako. Yays. Makakasabay na naman kita pagpasok sa school. Ingat ka sa pagdadrive pauwi ha. Text mo ako pag nakauwi ka na. I love you."

"Magiingat ako para sayo, magpapakasal pa tayo eh. Sunduin kita bukas ha. I love you too."

Nagpaalam na siya saka umalis. Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Nagshower muna ako, para fresh. Pagkatapos kong magshower, ay nagbihis na ako at ready na ako matulog. Pero chineck ko muna yung phone ko kasi baka nagtext na siya.

1 text message... 12:51 am

From: Dale
I'm home. Safe ako diba, sabi ko sayo eh! Good night, babe! <3

Nagreply naman ako ng Good night at saka pinikit ang aking mga mata na may kasamang ngiti sa aking mga labi.

-----------------------------------------
Author's note:
Mema lang talaga yung story na to. Ayon thank you! :)

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon