Chapter 10

17 0 0
                                    

Dale's POV

What have I done. Bakit nagkaganito, naaksidente siya ng dahil sa akin. Naaksidente siya at hindi pa siya nagigising. Siguro ako na ang pinaka-gago sa mundo. Ang tanga tanga ko. Mas nahirapan pa tuloy siya ngayon.

Pero what are the chances na pag siya pinili ko hindi din kami aabot sa mahihirapan kami. Si Mommy, I thought gusto niya si Mia para sa akin. Yeah right gusto niya, pero mas gusto niya si Selene. Lahat talaga gagawin nila. Lahat.

Lumabas ako ng bahay, after weeks lumabas ako. Nakita ko si Selene at may sinabi siya pero hindi ko na lang pinakinggan at dire-diretso akong lumabas ng pinto. Kailangan ko magisip. Paano ko to lulusutan, tama si Khinna. Tama siya.

Anong gagawin ko? Pumunta ako sa pinakamalapit na park, at nagmuni-muni. Inalala ko lahat ng masasayang ala-ala namin, kung paano kami nagsimula at kung paano kami naghiwalay.

Flashback...

Ito na, matagal ko ng nililigawan si Mia. Tatanungin ko na siya kung puwedeng maging kami na, nagpatulong ako kay Khinna at Clyde para isorpresa siya.

Magkakasama kami ngayon sa isang place dito sa Tagaytay. Pinaghandaan ko talaga tong araw na to, nakaset na lahat. Panigurado magugustuhan niya to dahil yung ambiance, outdoor kasi eh. Tapos yung mga candles na nakapalibot, mga roses na nagkalat, may table doon kung saan kami kakain at after namin kumain isasayaw ko siya sa gitna—kaming dalawa lang. Nakahanda na din ang live music, alam kong ganyan yung mga gusto niya. Lahat ready na, siya na lang ang kulang.

"Shit, kinakabahan ako. Paano kung hindi siya um-oo." Sobrang kinakabahan talaga ako gusto ko na lang magback out. Ilang oras na lang eh.

"Baliw ka ba? Sobra sobra na tong effort mo oh!"

"Hoy Dale, eh mukhang kayo na din naman eh. Oo na lang ang kulang. Wag ka ngang negative."

Binigyan naman ako ng assurance nung dalawa. Napakasupportive talaga nila sa amin kahit kailan.

"Teka Khinna, pinadala mo na ba yung damit na isusuot niya?" Pinagawa ko pa yung damit na iyon, nakakatawa kasi parang ikakasal lang.

"Yes, kanina pang before lunch. Magready ka na three hours na lang. Kami na susundo sa kanya ni Clyde, nagsabi kasi ako don sa note na 'girl's night out' eh"

"Good good, thanks Khins. Eh ikaw, Clyde nabili mo na ba yung roses and balloons?"

"Yes, naorder ko na sila Dale. Ipick up nalang namin ni Khinna maya maya. Wag mo ng iistress yung sarili mo. Kami na bahala sa lahat. Go get ready."

To be honest, napakaswerte ni Mia sa mga kaibigan niya. Ito talaga ang true friends. Hindi man sila mga childhood bestfriends, para silang ppg, though siyempre mas angat si Khinna kasi magchildhood bestfriends sila.

"Okay, sorry I'm just nervous lang talaga. Grabe, I'm going to ask her to be my girlfriend palang. Paano pa kaya pag engagement na!" Hala naging advance ata ako.

"Dude, wag ka ngang feeler hahaha. Walang forever, joke. Wag mo muna isipin yung future. What I mean is, isipin mo ang future pag sinagot ka na. Hahaha." Bwisit tong si Clyde, aasarin pa ako.

"Okay girls, thank you. Thank you again, mamaya na lang 6pm. Please puntahan niyo na yung flowers and balloon and ibigay niyo na lang doon sa mga nakaasign. Thank you again, I couldn't have done all of these without you guys."

"No worries, Dale. Anything for Mia."

Kailangan ko na magayos. Grabe ang gay ko na ata kasi ilang OMG na ang naiisip ko, pero no way. There's no way I'm backing out. To my future, our future life together.

6:00 pm

And it's set, naghihintay na ako dito sa may table, malalaman kong anjan na siya pag nagstart ng tumugtog yung mga nagviviolin. Ito na Dale, ito na. You can do this.

Narinig ko na tumugtog yung violin. She's here. This is going to really happen. Madali lang naman ang pagpunta dito since yung mga candles ang mag-gguide sa kanya. Nakikita ko na siya, natatanaw ko na. Dale. Dale. Dale. Kaya mo yan.

Palapit na siya sa akin. "Dale, ano to? Akala ko ba may girl's night out kami?" Sabay lingon doon sa dalawa na nasa likod. At nagmouth naman si Khinna ng 'iwan na namin kayo' and nagsignal si Clyde na aalis na sila. Tumango naman ako and mouthed 'thank you'

"Tinulungan lang talaga nila ako ayusin lahat ng ito and as an excuse ginamit nila yung girl's night out para hindi ka maghinala. Do you like it?" Sabay abot sa kanya nung bouquet ng flowers.

"Sira, I love it. Thank you for always putting an effort sa akin." Sabi niya with teary eyes.

Pinunasan ko yung pumatak na luha sa kanya, "Anything for you, Mia. Everything for you, baby." I kissed her in the forehead.

Umupo na kami sa table and kumain, siyempre the usual talk and such. Hanggang sa matapos na, niyaya ko siyang sumayaw. Ito na yun.

Habang magkasayaw kami nagiisip na ako na ito na yung tamang timing, I need to make a move. "Mia, you know how much I love you and how true I've been to you sa past months na nanliligaw ako sayo. And I know you feel the same way. Mia, please look at me." Tumingin naman siya sa akin.

"Mia, I love you. Will you be mine, will you be my girl?" Nakita ko siyang ngumiti and naluluha na naman. Nafflatter ako kasi this is a good sign. Isang oo lang.

"Dale, I love you too. And yes. Yes I will be yours, I will be your girl." Shit this is real. Shit gone real!

"I love you Mia, I love you so much."

"I love you too Dale, I love you."

And we shared the most passionate kiss I have ever experienced. Our first kiss.

Bumalik naman agad ako sa reality, after kong maalala yung sinagot niya ako. That was the happiest day of my life. Siguro yun yung una na ganoon ako kasaya sa pagsasama namin. Ang saya saya. Ang sarap sarap balikan.

Ang saya dahil sobrang ramdam ko yung pagmamahalan namin, pero what have I done. Ako ang may kasalanan nito. Tama si Khinna. I should've chose her. Gagawan ko ito ng lusot. I want my Mia back.

Dahil naka roaming naman ako, tinawagan ko siya. Tinawagan ko yung taong makakatulong sa akin.

Dialling....

"Hello, sino ito?"

"Hey Khins, si Dale to. I need your help. I want Mia back. Lulusutan ko ito. Please help me."

"Sige, what will I do?"

This is it. I want her back.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon