Chapter 4

27 0 0
                                    

3 days earlier...

Mia's POV

Another day, na naman grabe. Second day of school. Nakakatamad pumasok, but I have to. Hindi nga pala ako masusundo ni Dale ngayon kasi may practice siya.

Tumayo na ako at ginawa ko na yung mga bagay na dapat gawin at bumaba na ako. Kumain na ako ng breakfast at magpapapack na din ako ng food para kay Dale. For sure maaga pumasok yun dahil nga may training sila ngayon.

Umalis na ako ng bahay at bumili saglit ng coffee sa may Starbucks, pagtapos ay dumiretso na ako sa school. As usual, hindi pa masyadong madaming tao. Dumiretso naman ako ng basketball court. Pero madilim. Walang ilaw. Walang tao. Akala ko ba may practice sila ngayon? Pinagdalhan ko pa naman siya ng food, baka masayang lang to ibibigay ko na lang kay Clyde.

Pumunta na lang ako sa classroom namin ng malungkot. Nagsinungaling ba siya sa akin? Bakit may feeling ako na wala naman talaga silang training ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya.

To: Dale
Hi. Dumaan ako sa court ngayon, pinagdalhan kita ng food pero wala namang tao doon. May practice ba talaga kayo?

Maya maya lang ay nagreply naman siya agad.

From: Dale
Bukas na lang daw ang training. Kainin mo na lang yang pagkain na dinala mo.

Napaka-dry naman niya magtext hindi naman siya ganito. Okay naman kami kahapon ah. Bakit nag kaganon?

Dale's POV

From: +63915123456
Magkita tayo bukas ng umaga. Sa likod ng building natin. See you, Sweetie.

Sino naman to? Bakit alam niya ang number ko at bakit gusto niyang makipagkita?

To: +63915123456
Who are you and what do you want?

From: +63915123456
It's important. You'll know bukas. :*

Ugh. Hindi ko naman siya kilala napakalandi. Pero importante daw.

To: +63915123456
Fine. I'll meet you tomorrow. Siguraduhin mo lang na importante yan.

From +63915123456
Of course, Sweetie. Alam ko namang hindi mo ako matitiis. :*

Hindi ko na siya nireplyan pa. Nakakainis, sino ba kasi to. Tinext ko na si Mia.

To: Mia
Home na babe! Thank you for today. Bukas pala hindi kita masusundo, may practice kasi kami ng basketball eh. Ha? Good night, Love.

Kailangan ko pang magsinungaling sa kanya. Hindi ko kasi alam kung sino to eh. Sasabihin ko din naman sa kanya, pag nalaman ko na kung sino yung nagtext.

The next day...

I have to be early nga pala today. Psh. Kung sino man talaga yung nagtext, paniguraduhin niya lang talagang importante to. Nagayos na ako ng sar li ko and kumain ng breakfast saka naman pumasok na sa school.

Wala pang masyadong tao, dahil sa sobrang aga ko pumasok. Pumunta na ako sa sinasabi niya kung saan kami magkikita sa likod ng building namin. NAMIN. Edi ibig sabihin parehas kami ng program.

Nakita ko na ang isang babaeng nakatalikod, mukhang siya nga iyon. Kakalabitin ko na sana siya ng bigla siyang lumingon.

Si.... Si..... Si SELENE?!! What the hell. Anong kailangan sa akin ng babaeng to. Ugh. I wasted my time para sa kanya, kung puwede ko namang ibaling lahat ng oras ko kay Mia. Bwisit.

"Selene anong kailangan mo sa akin? Bakit kailangan mo akong kausapin? Anong sasabihin mong importante?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Ang aga aga iniinis ako netong babaeng to.

"Chill lang, Sweetie. Ikaw naman, masyado kang hot. Ang aga aga pa. Ang kailangan ko sayo ay IKAW. Kailangan kitang makausap dahil may kailangan akong sabihin sayo. Tungkol satin." Satin? Anong pinagsasasabi nitong satin?

"Satin? What are you talking about, Selene. Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa." Inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ang kailangan ko, Dale. Ikaw. Mahal kita. Akin ka lang. Akin. Sumama ka sa akin."

"What the fuck. Are you serious? Naririnig mo ba kung gaano ka desperate yung sinabi mo. I don't like you and I will never ever like you. Nakakadiri. Kababae mong tao ikaw pa naghahabol sa lalake. Lalakeng may girlfriend na."

"Yun na nga eh, may girlfriend ka na. Pero gusto pa din kita. May something kasi sayo na nakakainlove." Lumalapit na siya sa akin. Palapit ng palapit hanggang sa halikan niya ako sa labi. Hindi ako makagalaw. Bakit. Bakit ganito, hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa halik niya. Saka ko siya tinulak ng bigla akong bumalik sa katinuan ko.

"What the fuck." Sigaw ko.

"Gusto mo din, ayaw mo pang aminin. Sumama ka na sa akin. Iwanan mo na si Mia." Nababaliw na talaga siya. Nababaliw na!!!!

"No effing way. Mahal ko si Mia at siya lang ang mamahalin ko. Wag kang desperada, Selene!"

"Kung hindi ka makikipaghiwalay sa kanya, eh gagawin kong miserable ang buhay niya. Maniwala ka sa akin Dale, magiging mahirap ang pamumuhay ng pinakamamahal mong si Mia." Ayoko. Ayoko sa kanya pero ayokong masaktang ang Mia ko.

"Ano ang sagot mo Dale? Ako at hindi magagalaw si Mia o si Mia pero makikita mo siyang miserable? Anong pipiliin mo?"

Litong lito ako, hindi ko alam ang pipiliin ko. Ano nga ba. Mahal ko si Mia at ayoko siyang masaktan. Pero mas masasaktan siya pag ginawang miserable netong Selene na to ang buhay niya. Kailangan kong magisip ng mabuti.

"Ano Dale, bilis. Pumili ka na."

Napapikit na lang ako, at sinabing....

"Ang pipiliin ko ay...."

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon