Chapter 1

59 1 1
                                    

5 days earlier...

Mia's POV

Magisa akong naglalakad sa mall, gusto ko ng alone time. Masyado akong nasstress sa school stuff, kailangan ko mag unwind. Kailangan ko ng space para sa sarili ko. Pero bago ko maisipan na pumunta sa mall mag isa, niyaya ko si Dale. Kaso busy daw siya eh, may importante daw siyang gagawin family related.

Kaya I end up na magisa. Puwede na din to, atleast no worries kahit saan ako magpunta. Hindi ako mahihirapan kung saan kakain or saang store pupunta dahil I can have the freedom to choose. Dere-deretso akong pumunta sa favorite ice cream store ko dito sa mall, stress reliever ko kasi ang ice cream.

"Miss can I get one world class chocolate and one rockyroad please" Sabi ko doon sa casheir.

"One world class chocolate and one rockyroad for here, please!" Sigaw ng cashier . "What's your name po, Ma'am?" Dagdag niya pa.

"Mia."

"Okay po Ma'am Mia, we'll be serving your ice cream na lang po you can have your seat. Thank you!" She said politely.

"Thank you." I replied.

Naghahanap ako ng mauupuan ko, and luckily meron naman akong nakitang seat, mejo nasa sulok nga lang netong store. Umupo naman ako agad baka kasi maunahan ng iba.

After ilang minutes, dumating na din yung order ko. Sabay din ng pagpasok ng dalawang tao. Parang familiar yung mukha.... Parang kilala ko....

Shiz! Oh my god! Si Dale yun, may kasama siyang girl??? Siya ba yung family related shiz niya na importanteng asikasuhin? Ano niya yun tita? Pinsan? Fiancee??? Ano ano?? Bakit ngayon ko lang siya nakita. Tatlong taon na kami, ngayon ko lang siya nakilala.

Nagtago na lang ako, since pinakatagong part to ng store kasi nga nasa sulok, hindi nila ako makikita agad.

Oh my god! Ayan na malapit na sila sa akin, oh my god. Paano kung makita nila ako? Anong gagawin ko! Girlfriend naman ako kaya okay lang naman siguro na makita ako nung babaeng kasama niya. Alam naman siguro nung babae, na ako yung girlfriend niya.

Nakahanap na sila ng upuan, mejo malayo sa akin, mga three tables away. Hay salamat makakahinga na naman ako ng maluwag. Pero laking gulat ko ng magkiss sila. NAGKISS SILA. Bakit? Ganoon na ba ginagawa ng family ngayon, magkikiss sa sa sa LIPS?!

Sa sobrang inis ko, inubos ko na lang yung ice cream ko saka umalis. At naramdaman ko namang nakita niya ako. Naririnig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

"Mia! Mia! Wait lang Mia!" Tinignan ko na lang sila, sabay alis ng ice cream parlor na yon.

Paano niya nagawa sa akin yun? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang maghanap na lang siya ng iba. Masyadong masakit. Masyado ko siyang mahal. Hindi ko kayang mawala. Siguro naman may explanation lahat diba? Hindi muna puwede akong magconclude. Hindi pa pwede.

Nalibot ko na ata yung mga dapat kong libutan. Mas nastress ako sa nakita ko grabe. Papunta na akong parking lot para kunin yung kotse ko. Gusto ko na umuwi at magpahinga.

Habang nagdadrive ako nagtext siya.

1 text message... 7:00 pm

From: Dale
Mia, I'm sorry. Puwede ba tayong magusap?

I replied,

To: Dale
Sige. I'm on my way home. Doon na lang sa bahay.

Nagreply pa ulit siya.

From: Dale
Okay, ingat sa pagdrive. I love you.

To: Dale
I love you too.

At itinago ko na ang cellphone ko, at nagpatuloy sa pagddrive pauwi.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon