Chapter 6

16 0 0
                                    

Present...

The time before the accident

Dale's POV

Pagkatapos nung araw na sinusubukan kong iwasan si Mia, halos hindi na ako makatulog. Wala na akong magawa sa buhay ko, parang patapon na lang. Tuwing nagtetext siya, sobrang late na ako nakakapagreply kahit nababasa ko naman agad at tuwing nagrereply ako isang tanong, isang sagot lang.

May part sa akin na nagsisisi, yung konsensya ko sobrang labag sa kalooban ko lahat ng ginagawa ko. Pero may isa din namang part sa akin na nagsasasabi na kailangan kong gawin to. Hindi lang para sa akin, kung hindi para kay Mia. Sobrang sakit. Ang sakit sakit.

"Sweetie, kumain ka na sa baba hinahanap ka na ni Tita." Andito siya, dito muna siya nagstay dahil yung mga parents niya ay nasa work din. Ayoko na siya dito, sawang sawa na ako sa pagmumukha netong Seleb na to, palaging nakabuntot. "Hey, can you hear me? Nakatulala ka jan, bumangon ka na!"

"Ge." Sabi ko na lang, wala talaga akong gana. Tumayo na ako at bumababa.

"Good morning iho." Bati sa akin ni mom.

"Good morning mom." Walang gana kong tugon.

"Let's see, we need to talk about something. I want you to pack your things, dahil aalis ka na ngayon." What the f?!

"Saan ako pupunta at bakit ngayon ko lang to nalaman?" Medyo pasigaw kong tanong.

"Lilipad kayo ni Selene sa America, may bahay na kayo don. You need time to know each other, tutal sa kasalan din naman ang uwi niyo."

"But Ma, I have a life here. May girlfriend ako, alam mo naman kung gaano ko siya kamahal."

"Forget her, forget your love for her. Ituon mo na lang yang pagmamahal mo kay Selene, understood?" Hindi maaari to!

"No Ma, God knows how much I love her, iniiwasan ko siya dahil sasaktan siya ni Selene. Pumayag ako. But you can't control my life, hindi pwedeng kung kailan niyo gusto ay gagawin ko. Anak niyo ako Ma, hindi ako robot."

"How dare you! Hindi ko maalala na ganito kita pinalaki! That's final, kung hindi mo iiwan si Mia eh sorry na lang anak pero gagawa ako ng paraan para iwanan mo siya, kahit maging miserable pa ang buhay niya." Tangina. Bakit ganito na lang sila bigla???!!!!

"I cannot believe this."

"Just do what I say anak, walang masasaktan."

Nagwalkout ako at umakyat sa kwarto ko, anong gagawin ko. Panibagong gulo na naman. Pagsubok lang to. Hindi mabubuwag ang relasyon namin ng dahil dito. Ayoko na. Ayoko na talaga. Bakit mas naging complicated pa yung buhay ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang maging masaya kami ni Mia. Kagaya nung dati. Katulad ng dati. Miss na miss ko na siya, halos hindi ko na siya nakikita dahil sa ginagawa kong pangiiwas sa kanya. Hindi ko na siya makausap dahil ang tipid kong sumagot sa kanya. I want my life back again. I want her. I need her.

Pero kailangan kong gawin ang lahat para hindi na siya madamay sa gulo ko. Kahit ako na lang mahirapan wag lang siya. Ganoon ko siya kamahal.

Magiimpake na ako, sasama na ako sa bwisit na Selene na yan. Pero promise, si Mia lang ang mamahalin ko. Ikaw lang Mia. Ikaw lang.

After ilang oras nandito na ako sa airport sinabi ko na kay mom na eto na ang desisyon ko wag lang nila sasaktan si Mia. Malapit na tawagin yung flight namin. Malapit na.

Last text ko na to kay Mia, dahil paniguradong magiiba na ako ng number.

To: Mia
I'm sick of it. I'm sick of you. Sawang sawa na ako Mia. Let's break up.

I know this will be unfair, pero sinend ko na. Nagtype pa ulit ako ng isang message para isesend ko na lang sa kanya before tawagin na talaga ang flight ko.

To: Mia
Good bye Mia, I will always love you. Magiging maayos din ang lahat. I know I'm being selfish, dahil I need the breakup. Promise, pag nagkita tayo ulit ieexplain ko sayo lahat. Ikaw lang mamahalin ko Mia. Ikaw lang. Mahal na mahal kita.

Tinawag na ang flight namin and I hit send.

There's no room for goodbye sa relationship natin, dahil it's see you again. At pagbalik ko dito, maayos ko lang ang lahat. I promise, aayusin ko lahat para sa atin. Wait for me.

See you soon, my love, my Mia.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon