Chapter 8

8 0 0
                                    

Author's Note:
Magkaiba po si Clyde and Khinna. Si Clyde and bestfriend niya sa school. Si Khinna ang bestfriend niya ever since — a sister from another mother kumbaga.

Khinna's POV

It's been two days, pero hindi pa din siya nagigising. Nakakalungkot naman at naging ganito sila. They were so happy. Used to be happy. Pero bakit nagkaganito. Nakakaawa naman talaga ang best friend ko.

Ever since bata pa kami, nagpprotektahan kami sa isa't isa. Lagi niya akong pinoprotektahan sa mga nangbubully sa akin nung grade school. Maybe this is the time para protektahan ko siya. No homo to ha. Pero seryoso. Team MiLe ako.

Nakita kong lumabas yung doctor galing sa room ni Mia.

"Doc, kamusta na po siya? Kailan po siya magigising?"

"Well stable naman na siya, may mga injuries lang kasi medyo malakas ang impact ng pagbangga. All is good. Kailangan lang natin siyang hintayin magising."

"Thanks Doc, Doc may pagasa po bang magka-amnesia siya?"

"It depends upon the situation, pero yes, pag natamaan yung part ng brain niya na nagcacause ng amnesia. Pero usually Post Traumatic Amnesia and mild amnesia lang naman. Hindi niya makakalimutan lahat pero at some point may mawawala."

"Thank you again Doc! Sana magising na siya."

"Sige iha, gagaling din siya."

Umalis na si Doc, may plano na ako lalo na nalaman kong puwede siyang magka-amnesia. Ang selfish ko pero sana magka-amnesia muna siya, kahit panandalian lang. Aayusin ko to, tutulungan ko si Mia. Ayoko munang maalala niya to para hindi siya magbreakdown. Kailangan ko talaga malaman paano at bakit nangyari ito.

Because everything happens for a reason. Dale you should have a better reason sa lahat ng ito, because kakamuhian kita at most especially ni Mia. Paniguraduhin mo lang, Dale. Paniguraduhin mo lang.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon