Chapter 5

24 0 0
                                    

Dale's POV

Huminga ulit ako ng malalim. Para sayo to Mia. Patawarin mo ako, ayoko lang na masaktan ka.

"...ikaw. Ikaw ang pinipili ko Selene, sasama na ako sayo. Wag na wag mo lang sasaktan si Mia. Ang mahal ko." Naluluha kong sabi.

"Very good. Kita mo, alam ko namang ako ang pipiliin mo eh." Napaka kapal talaga ng mukha netong babaeng to, pinili ko lang siya dahil sasaktan niya ang Mia ko. "Makakaasa kang hindi madadaplisan ang babae mo. See you around, Sweetie. Hatid mo ako pauwi ha." Dagdag niya pa saka umalis.

Naiwan ako dito magisa. Napaupo na lang ako sa isang bench. Gulong gulo ang isip ko, ang hirap ng desisyon na ginawa ko. Mia, babe. Sorry. Para sayo to. Ayoko lang na masaktan ka. Kung ikaw nga hindi ko sinasadya na saktan ka, paano kung anong gawin niya sayo. Sorry. Sorry. Mia, sana mapatawad mo ako.

Speaking of Mia, nagtext siya sa akin.

From: Mia
Hi. Dumaan ako sa court ngayon, pinagdalhan kita ng food pero wala namang tao doon. May practice ba talaga kayo?

Patay. Hindi ko naman alam na pupunta siya sa court. Paano ko lulusutan to?

To: Mia
Bukas na lang daw ang training. Kainin mo na lang yang pagkain na dinala mo.

Patawarin mo ako. Kailangan ko ng maging cold sayo, sorry. Sorry talaga, Mia. Mahal na mahal kita.

Mia's POV

"Best, ano ba yan kanina ka pa malungkot jan. Break na malungkot ka pa din!" Sabi ni Clyde.

"Kasi best, ang sabi ni Dale hindi niya ako masusundo ngayon kasi may training daw sila. Dinalhan ko siya ng food tapos pagdaan ko sa court natin, wala namang katao-tao doon. Tapos nung tinext ko siya ang sabi niya lang sa akin, bukas na lang daw sila magtraining kainin ko na lang daw yung dala ko. Best, hindi naman siya ganoon eh. Nagiiba na siya." Sabi ko ng malungkot.

"Best baka naman busy. Kung wala silang practice, baka inaasikaso niya mga papers niya ganoon. Graduating na sila, panigurado madaming ginagawa yon. Mga thesis ganon. Kaya ikaw wag ka na maginarte jan. Kumain na tayo." Pag cheer up sa akin ni Clyde.

Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya sa cafeteria. Think positive, baka busy lang talaga. Buti na lang nandito si Clyde. Thankful talaga ako sa bestfriend kong to.

Mabilis namang natapos ang araw, pauwi na ako. Tinext ko na lang si Dale na uuwi na ako. Nagreply lang naman siya ng tumatagingting na K. Ingat. Wow, just wow. Wala manlang pa sweet effect. Ugh ugh. Sobrang busy ba talaga siya nakakainis na ha. Pag siya hindi bumawi hindi ko na alam.

Dale's POV

Malungkot pa din ako, dahil sa naging pangyayari. Nahihirapan na ako. Kailangan kong ganituhin si Mia. Nakakaguilty na.

Natapos na din ang araw, at nakita ko si Selene na nasa parking lot. Naramdaman ko namang tumunog ang cellphone ko, nagtext si Mia na pauwi na siya. Sinabi ko na lang na K. Ingat. Kailangan ko maging cold. Iisipin ko na lang na lahat ng ito ay para sa aming dalawa.

"Hi Sweetie." Ugh. Kiniss niya ako sa cheeks. Napakafeeler talaga.

"Kadiri ka. Hindi porket ikaw ang pinili ko, ibig sabihin nun eh pwede mo na akong ganyan ganyanin. Tandaan mo pumayag lang ako dahil ayokong masaktan mo si Mia. Pinili kita pero hindi ibig sabihin nun girlfriend na kita. Kaya please lang, ihahatid na kita ng matapos na to." Inis na singhal ko sa kanya.

"Whatever you say." Sumakay naman na siya sa kotse. Hindi ako gentleman sa kanya. Kay Mia lang ako sweet, siya lang kasi ang babae sa buhay ko.

Naging tahimik ang biyahe hanggang makarating sa kanila. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil nakakapunta naman ako sa kanila dahil magkaibigan ang mommy niya at mommy ko, magkasama sila sa kompanya. Kaya hindi na din ako magtataka kung bakit nirereto ako ng mommy ko dito sa babaeng to.

"Thanks sa paghatid, Sweetie. Bukas ulit." Nag flying kiss naman siya at sinarado na ang pinto.

Inis kong pinukpok ang manibela, naiinis ako. Masyado akong nagpapaapekto dito sa babaeng to, bakit! Ano bang kaya niyang gawin kay Mia? Pero kilala ko siya, baka idamay niya pa sila Mommy at siraan si Mia sa kanya, ayoko naman ng ganunin nila ang mahal ko. Nagdrive na ako pauwi sa bahay.

Paguwi ko sa bahay ay umakyat na lamang ako sa kwarto ko, nagshower ako at chineck ko kung nagtext na ba si Mia sa akin, pero wala. Hindi siya nagparamdam. Tumulo naman ang luha ko, hindi ko talaga sinasadyang gawin to sa kanya.

Tinext ko na lang siya, baka eto na ang huling text na sweet ako sa kanya. Hindi ko din alam.

To: Mia
Babe, sorry sa lahat. Masyado lang magulo ang sitwasyon ko. Pagpasensyahan mo na. Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Ikaw lang Mia, ikaw lang.

Sinend ko naman ang text na iyon. At saka ipinikit ang aking mata upang matulog.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon