Chapter 3

29 0 1
                                    

4 days earlier...

4:30 am

Kriiiiiingggggg. Ugh. School again. Kailangan ko ng magmadali. Kasi susunduin ako ni Dale. Yes. Ginawa ko na lahat ng dapat gawin, mga morning rituals. Nagbibihis na ako nung makatanggap ako ng text.

1 text message
From: Clydine
Hi best! See you later. Mwa.

Si Clydine, best friend ko. Siya lang naman nakakaintindi sa akin and isa din siya sa sumusupport sakin. Bukod kay Dale, siya yung isa pang person na maaasahan ko. She's always there for me, siya napagsasabihan ko pag LQ kami, siya nakikinig sa lahat ng drama ko. I'm so happy na I have her in my life.

I replied.

To: Clydine
See you later best. Ingat! Mwa.

After kong magayos, bumaba na ako sa dining area para kumain ng breakfast. Dahil hindi nga umuwi ang parents ko kagabi, probably tulog pa sila ngayon. Wala akong kasabay. Well, ganoon talaga. Pag nandyan ako, wala sila. Pag wala ako, saka sila nandyan.

I heard a beep. And I know kung sino yun.

"Ma'am Mia, nanjan na po si Sir Dale." Pag confirm ni Manang sa akin.

"Papasukin mo po muna Manang, pakisabi tatapusin ko lang po yung pagkain ko." Utos ko sa kanya.

Maya maya ay nakita ko na si Dale na papalapit papunta sa akin, hinalikan niya ako sa noo.

"Good morning Princess."

"Good morning din, Prince Charming. Ang aga natin ngayon ah."

"Well, hindi ako pwedeng malate. Dahil susunduin ko lang naman ang prinsesa ko." Omg ang aga aga, kailangan cheesy agad? Shiz ka, Dale.

"Don't be so cheesy nga, ang haba pa ng araw oh. I'll wash my hands lang. Then let's go."

Ng satingin ko ready na ako pumasok sa school, lumabas na kami ng bahay. Pinagbuksan naman ako ni Dale ng pintuan. Sobrang gentleman talaga kahit kailan. Hindi nagagasgas. Pumasok na siya sa driver's seat, at onti onting lumapit sa akin. Napapikit na lang ako dahil akala ko manghahalik ulit siya pero...

"Safety first." Sabay kuha ng seatbelt para makabit sa akin. Ugh, akala ko ano na. Sana sinabi na lang niya. Nahihiya pa din talaga ako sa kanya.

Ilang minutes lang nakarating na kami sa school. Hindi naman sobrang traffic dahil medyo maaga pa naman. Wala din masyadong tao sa campus.

Hinatid na ako ni Dale, papuntang classroom ko. Hindi kasi kami magka batch, mas angat siya ng 1 year. Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Clydine. Early bird talaga kahit kailan.

"BEST KAMUSTA KA NAAAAA!!!!!???!!!" Shiz ka best, ang aga aga nakakapang basag eardrums ka na.

"Chill ka muna best. Kalma. Aga aga, naka singhot ka na naman ng katol. Okay lang ako, hindi ko na kailangan tanungin kung kamusta ka na. Dahil obvious naman na napaka-okay mo." Sabi ko sa kanya.

"Wala ka pa ding pinagbago, wala ka bang new year's resolution jan? Hay nako ha. Nakakaloka." Wow ako pa.

"FYI, may new year's resolution ako. Baka ikaw yung wala, knowing you. Kada new year, may resolution ka. Hindi mo naman ginagawa talaga. Simulan mo kaya sa wag masyadong hyper."

"Hay nako best. Edi ikaw na. Ikaw na mahinhin, ikaw na Maria Clara, ikaw na. Sayo na lahat, ikaw na meron. Ikaw na may lovelife, may magandang face, matalino. Na sayo na ang lahat. Sige na sayo na." Echosera talaga to. Huhugot pa to eh.

"Whatevs best! Pero wait, sana hindi terror yung prof no. Kinakabahan kasi ako eh."

"Hindi yan best! Kahit naman terror yun, alam ko namang kayang kaya mo yun. Ikaw pa eh ang tali-talino mo eh." Second sem na kasi namin, kakastart lang kaya fresh ulit ang mga profs.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na yung first prof namin. Hindi ko siya kilala siguro baguhan lang siya. Nagsi ayusan naman yung mga blockmates ko sa pagupo.

"Good morning Class!"

"Good morning Ma'am."

"You may sit down. I am Ma'am Ruth Dy, you can call me Ma'am Dy. Kindly introduce yourself in the class. Start tayo sa likod." Hays, ang tagal ko pa. Gusto ko na kasi matapos agad yung pagpapakilala eh. Nasa may bandang gitna kasi ako.

"I'm Clydine Garcia, you can call me Clyde." Si best na pala, ibig sabihin ako na next.

"Hello. I'm Mia Apostol, you can call me Mia." At sunod sunod na nga ang iba naming kaklase.

Ganoon din naman yung nangyari sa ibang class ko, hindi na nagpaintroduce tutal by block naman kami. Profs na lang talaga bahala. Ayon same old shiz pag talaga first week pa lang. Mejo introduction nung lesson or mga course outline.

Mabilis din namang natapos yung oras, at nung araw. Hindi ko namalayan, last period na pala.

Bla bla bla bla bla bla sabi nung prof. Hinihintay ko na lang talaga magbell para makauwi na ako. I miss my bed. Sobra. Ng biglang

RIIIIINNGGGGG!! Yays finally. Uwian na.

"Nasa labas na agad prinsipe mo." Napaka echosera talaga netong si Clyde jusko ha.

"Ewan ko sayo, see you tomorrow best! Love you!"

Lumabas na ako ng classroom, dahil naghihintay na nga siya sa akin.

"Ola mi prinsesa." Luh anong trip na naman neto? Sabog din ba to.

"Pinagsasasabi mo jan? Uwi na tayo. Mag drive thru muna tayo. Mcdo. Hehehehe."

"Sige, anything for my princess." Yay spoiled talaga ako forevs.

Nag drivethru nga kami and umuwi sa bahay saglit para kainin yug Mcdo. Tapos umuwi na siya.

Nag vibrate yung phone ko.

From: Dale
Home na babe! Thank you for today. Bukas pala hindi kita masusundo, may practice kasi kami ng basketball eh. Ha? Good night, Love.

To: Dale
Sure babe! I'll drive na lang papuntang school hope na makita kita tomorrow. Good night din, Love.

Ang aga naman ata ng basketball na yan magpapractice. Pangalawang araw pa lang, may practice na. Pero oh well, we have our priorities straight din naman. Baka may practice nga talaga sila.

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon