"Watch it!"
Nahulog lahat ng librong dala ko sa sahig nang mabangga ko ang isang babae.
Napa sorry ako sa babae at dali daling pinulot ang mga nagkalat na libro sa sahig. Napaangat ang ulo ko nang ma realize ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Gusto kong mapa face palm nang makitang si Benus-- Queen Bee ng school nila ang nabangga niya."Tatanga tanga kasi." Narinig ko pang nag komento ang isa sa mga kasamahan niya.
Napakagat ako ng labi sa narinig ko. Totoo naman kasi na tatanga tanga ako eh.
Tumayo akot mabilis na nilisan ang lugar.
Kung minamalas ka nga naman ay bumagsak ang napakalakas na ulan nang makalabas ako ng gate. Alas 4 na ng hapon pero parang alas 6 na ng gabi dahil sa sobrang dilim ng langit.
Nasa may waiting shed ako sa labas ng school namin. Nilabas ko sa bag ko ang isang plastik at isinilid ang bag ko dun.
Kinuha korin ang bike ko sa gilid ng waiting shed kasama ang ang iba pang bike na naroon. Sumakay pa rin ako sa bike ko kahit basa na ako at inilagay sa basket na nasa harap ng bike ang plastik na laman ang bag ko. Binilisan ko nalang ang pag pedal para makarating ako ng bahay ng mas maaga.
Nasa white subdivision na ako nang may isang black Ford Everest ang nakita kong nakaparada sa labas ng kaharap na bahay namin.
Huminto ako sa labas ng gate namin kahit patuloy pa rin ang pag buhos ng ulan at tiningnan ng maagi ang sasakyan. Bumaba ang windshield ng sasakyan at nakita ko ang kapitbahay naming si Set na boyfriend ng babaeng nabangga ko na si Benus -- ang Queen Bee ng school namin. Nakatingin sa direksyon ko si Set kaya ibinaba ko ang tingin ko at binuksan ko nalang ang gate at pumasok sa loob.
"Ma! Aakyat lang ako sa taas." Napatingin ako sa isang upuan malapit sa hagdan. Isang puting towel ang naroon.
Tumingin ako sa pinto ng kusina sabay sabing "thanks" kahit alam kong hindi naman nila iyon maririnig.
Pumasok ako sa silid ko at dumiretso sa study table at binuksan ang laptop ko. Habang naghihintay na mag load ito ay pumasok ako ng banyo at naligo.
Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin nang may mapansin akong isang malaking pasa sa may dibdib ko. Wala naman akong naramdamang masakit kanina ah? Bakit may pasa ako?
Binalot ko nalang ang sarili ko sa puti kong roba at lumabas na ng banyo. Pinatuyo ko ang buhok ko saka nagbihis.
Kinuha ko ang basang plastik at inilabas dun ang bag ko. Inilas ko naman ang mga hiniram kong libro sa library nang may mapansin ako.
Kulang ito ng isa!
Nagkasalubong ang dalawang kilay ko at hinanap ko ulit sa loob ng bag baka sakaling nasama sa ibang libro ko pero wala.
Ang mahal pa naman ng babayaran ko pag nagkataong nawala ko iyon.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok dun.
"Anak si Set nasa baba."
Napa 'huh?' Ako ng wala sa oras. Anong ginagawa niya dito?
"Channing! Bumaba ka na!"
"O-opo! B-bababa na po."
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin--teka? Bat ba? Eh kababata ko yan at classmates kami mula first grade hanggang fourth grade?at schoolmate naman kami nung fith grade hanggang ngayon nasa tenth grade na kami (sophomore). Saka magkapit bahay kami at-- at.. hanggang dun lang yun! He's not my type anyway..
Mabilis ang pintig ng puso ko habang pababa ng hagdan.
'Si Set lang yan Chang, may girlfriend at higit sa lahat ay isang kapitbahay lang at schoolmate lang ang turing niya sayo at hanggang dun lang yun.'
Nang nasa sala na ako ay wala akong nakitang Set na naroon.
"Ma? kala ko ba andito si Set?"
"Naiwan mo daw yung libro mo sa school niyo kaya inihatid nalang niya dito sa bahay. Nagmamadali eh kaya umalis kaagad."
Dissapointed?
Hindi ah?!
"Oh? Ok kalang?" Napalingon ako kay mama na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"A-ah, oo o-okay lang ako. Akala ko kasi nawala ko yung libro. Hiniram ko pa naman ito sa library--malaki babayaran ko pag nagkataon."
"Sa susunod magdala ka na ng payong. May darating na low preasure sa bansa kaya mas maigi nang handa baka magkasakit kapa niyan."
"Opo." Mahina kong sagot at umakyak pabalik sa taas hawak na ang librong dala ni Set.
Pagpasok ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama.
Ilang sigundo pa ay bumangon akot lumapit sa studytable ko. nag log in ako sa facebook ko at si-nearch ang pangalan ni Set sa friendlists ko.
'Friends kami sa facebook pero sa personal ay hindi. Hanggang facebook lang ang meron kami.
'Facebookzone'
Famous si Set dahil basketball player yun at campus heartthrob rin yung lalaking yun.
Nag type ako ng 'thank you' pero di ko na enter kasi nagdadalawang isip pa ako at natatakot at nahihiya.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko dahil sa frustration.
Baka ma 'seen' lang ako.. ayokong ma seen!
"Ugh!" Bumagsak ang dalawang kamay ko sa keyboad at aksidenteng napindot ang 'enter'
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ko. Sakto namang nag online si Set at yun nga na 'seen' nga ako-- pero wait! Typing daw siya..
Naghintay ako sa reply niya. Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa upuan habang hinihintay ang reply niya pero bumagsak ang balikat ko nang mag out ito.
'Active 1 second ago'
"Na seen ka nga Channing Yamamoto."
BINABASA MO ANG
Light from HEAVEN
General FictionGod gave miracles to those who believe, courage to those with faith, hope to those who dream and love to those who accept. (c) unknown