Chapter Three
"Class dismiss."
Inayos ko ang mga gamit ko. Bago ko mapasok sa loob ng bag ko ang isang libro ko ay may humablot nun.
"Can I borrow your book? Naiwan ko kasi yung sakin and I badly need this right now." Inangat nito ang hawak nitong libro ko at nakaharap sakin habang nagsasalita at palabas ng room.
"Paki sauli nalang pag tapos mo nang gamitin." Sabi ko nalang.
"Ok! Thanks!" At tuluyan na itong nakalabas ng room.
That was Cris, ang president ng school publication namin. Magkatabi kami ng upuan pero di naman kami close o magkaibigan. Wala naman akong maituturing na kaibigan dito sa loob ng school namin. Ganyan ako ka introvert, ayaw kong ma attach sa kahit sino. Mas gugustohin ko pang mapag isa kesa makihalobilo sa mga tao.
Mag isa akong naglakad papuntang canteen. Malaki naman ang canteen namin kaya hindi ito madaling mapuno saka yung iba ay sa labas kumakain.
Habang pumipila ako at naghihintay sa turn ko ay marami akong iniisip. Gusto kong bumili ng libro pero wala pa akong budget sa ngayon. Kahit nabasa ko na iyon sa internet ay nais ko pa ding makakuha ng sarili kong kopya, sarili kong libro, yung matatawag kong akin talaga.
Nahihiya naman akong humingi ng pera kay papa eh.. kamusta kakaya siya ngayon?
"Miss order mo?" Napapitlag ako
"A-ah isang orange juice, pasta at apple."
Tinanggap ko ang tray na laman ang inorder ko. Naglakad ako dala ang tray papunta dun sa table malapit sa tatlong malalaking trahcan.
Walang ibang kumakain dun maliban sakin. Kaya habang kumakain ako ay nagbabasa rin ako ng mga hinihiram kong libro sa library.
Nilabas ko ang libro na hiniram ko kahapon. Ito yung isinauli ni Set sa bahay. Nabasa ko na ito twice pero gusto ko pa ring ulit ulitin.
Narinig ko ang tawanan ng isang grupo. Nakita ko si Benus kasama si Set. Hindi naman bully si Benus eh, yung mga kaibigan lang niya ang bully. Mabait si Benus, sakatunayan nga ay marami humahanga sa kanya hindi lang dahil sa ganda niya maging sa ugali niya. Na kay Benus nga yata ang lahat eh, maganda, matalino, mayaman, mabait, squad leader, kilala ng lahat ng estudyante dito sa school namin, teachers favorite, perpekto ang pamilya, maraming kaibigan at higit sa lahat may boyfriend na basketball player na siyang opposite naman sakin. Hindi ako maganda, di rin naman ako matalino pero nakakasagot naman ako minsan, may kaya, mabait naman ako eh, ni wala akong sinalihan na club o org sa school, broken family, walang kaibigan, at iniiwasan ng mga lalaki dahil weird raw ako.
Well I don't mind actually kahit pati mga babae layuan ako ok lang sakin. Masaya na ako kahit mag isa akong nag mamall o lumalabas o kumain sa labas.
Nahinto ang pagbabasa ko nang may malamig na tubig ang bumuhos sa ulo ko. At kasunod ay tawanan.
"You deserve that, sa susunod kasi tumingin tingin ka kasi sa dinadaan mo para wala kang mabangga." sabi ni Dina.
"Tama na yan Dina! Bakit mo yun ginawa?!" Benus.
See? Ang bait ni Benus. Hindi tulad ng ibang kaibigan niya ang papangit ng ugali. Maganda nga pero wala namang laman ang utak kundi hangin lang.
Pinunasan ko ng panyo ang mukha ko. Basang pasa nga ng damit ko pati ang pantalon ko basa.
"I'm sorry Chan. Hindi na ito mauulit diba Dina?" Baling ni Benus sa kaibigan nitong pinukolan ako ng masamang tingin.
"Yeah whatever." At nag walk out ito.
Hinabol ito ni Benus pati yung ibang kaibigan nila. Pag angat ng ulo ko ay nakita kong nahuli si Set sa kanila. Lahat ng mata na naroon ay nakatingin sakin. Ang iba natatawa ang iba naman ay naaawa. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Tiniklop ko ang basang libro at tumayo. Nagtatakbo akong lumabas ng canteen at dumiretso sa CR.
Doon ko tiningnan ang sarili kong basang basa ng juice. Binasa ko ng tubig ang panyo ko at pinunasan ko ulit ang mukha ko.
Nag init ang mga mata ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Hiyang hiya ako kanina sa canteen. Pinagtatawanan na nila siguro ako ngayon.
Uuwi nalang siguro ako ng maaga ngayon. Nahihiya na akong pumasok pa, nahihiya ako sa mga classmates ko, nahihiya ako sa lahat ng mga nakakita sa nangyare kanina.
Ang hirap ng ganito, yung ikaw ang nabubully. Dapat na sana akong ma sanay pero hindi pa rin eh. Nabubully ako pero di naman madalas.
Pinunas ko nanaman ulit ang mukha ko pati yung luha ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng CR.
"Hey, I'm sorry."
Nahinto ako sa paglalakad.
"I'm sorry for what Dina did."
"I'm ok." walang lingon likod na sabi ko at naglakad ulit.
"I know you're not." pinigilan niya ako.
"You don't know me that much para sabihin mo yan. So please.." naiiyak kong sabi
Binitiwan niya ang braso ko kaya tumakbo ako palayo.
----
"Hello pa, kamusta ka na? Kailan mo ko kukunin dito? Miss na miss na kita. Huwag mong pababayaan ang sarili mo ah.. pag naka girlfriend ka na pa, pakilala mo sakin ah? hindi talaga ako magsasawang magpapaalala sayo kahit kay mama rin eh pero sayang pa no? Bakit kasi di niyo nalang mahalin ang isat isa. Di niyo na papahirapan ang sarili niyo kasi andito na ako.. pero JOKE lang! hahaha pa, gusto ko mag transfer diyan sa Cebu kasama mo kaya lang di ko pa nasasabi kay mama. Pag pumayag siya--pag nag oo siya tatawag agad ako sayo tapos kunin niyo na ako ah, handa na kasi gamit ko hahaha.. ayoko na kasi dito.. sige pa.. pag natanggap niyo to tawag ka sakin ah? I love you papa. See you soon." at pinatay ko agad ang phone ko bago pa ako maiyak.
Accidental baby kasi ako. It happened years ago. Nagkakilala sila dahil sa party ng isang mutual friend nila. Well hindi totally pinakilala sa isat isa-- dahil sa party na iyon ay may aksidenteng nangyare at ako ang bunga ng aksidenteng iyon. They never loved each other kaya napagkasundoan nilang magsusustento lang si papa at si mama ang mag papalaki. Madalas namang bumibisita si papa at kinukumosta kami hanggang ngayong malaki na ako. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin nakakahanap sila ng partners for life nila. Gusto ko sanang sila nalang ni mama ang magkatuloyan eh pero di raw nila mahal ang isat isa kaya di pwedeng ipilit.
Bumaba ang tingin ko sa nagwawalang cellphone ko. Si mama tumatawag.
"Hello ma?" Sagot ko. Sinusundan ko ng tingin ang mga taong napapadaan sa harap ko. Nasa isang maliit na park kasi ako malapit sa school. Nakapag bihis na rin ako. Buti may extrang damit ako dun sa locker ko.
"Hindi ka raw pumasok ngayong hapon. Asan ka ba anak?"
"Mamaya nalang po tayong mag usap mama. Pauwi na po ako."
"Ok anak. Mag iingat ka ah?"
"Opo ma. Bye." at pinatay ko ang phone ko. Tumayo ako sa bench at inayos ang bike na nakasandal lang sa gilid. Wala ako sa mood mag bike kaya naglakad ako.
Nahinto lang ako dahil naka stop ang sign. Habang naghihintay ako ay may nakita akong gumulong gulong na mansanas na pedestrian lane at kasunod ay isang limang taon na hinabol iyon.
Bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang malakas na busina nang malaking container truck.
Yung mga paa ko ay parang may sariling pag iisip at hinabol ang bata at tinulak palayo upang hindi maabutan ng truck pero sadyang nakakalungkot ang katotohanan.
I wasn't exlecting my life would end that way. Still masaya pa rin ako kahit sa huling hininga ko ay may natulongan ako. I saved another life.
BINABASA MO ANG
Light from HEAVEN
Ficción GeneralGod gave miracles to those who believe, courage to those with faith, hope to those who dream and love to those who accept. (c) unknown