Chapter Seven

4 0 0
                                    

Chapter Seven






"Oh, bakit nakabihis ka? May lakad ka?" Salubong sakin ni mama pagbaba ko ng hagdan.



"Showing kasi yung hinihintay kong movie. Gusto ko pong manood mag isa. " napalabi ako pagkatapos.



Bumuntong hininga lang si mama at pinayagan akong umalis pero hanggang 8 lang ako.



Huminto muna ako sa labas ng bahay namin at sumulyap sa kaharap ng bahay namin na kina Set. Madalas kong nakikita si Set sa mga nadaang araw. Pero mas makulit si Cris habang tumatagal. Sinasabayan niya ako sa canteen, pagnasa library ako ay sumusulpot rin ito dun. Nakakapag taka lang kasi pagnatapos na ang klase ko ay bigla bigla ko nalang siyang nakikita sa labas o di naman kaya ay nakakasalubong ko siya parati sa daan.



Shove the thoughts away at sumakay nalang sa bike ko. Nang marating ko na ang guard house ay iniwan ko kay mang Greg ang bike at pumara ng taxi.



Ang dilim dilim ng kalangitan kahit alas diyes pa ng umaga. Nagbabanta nanamang umulan ngayon. Napatingin ako sa langit nang magliwanag ito dahil sa kidlat.



"Nako uulan nanaman. Mag iisang buwan nang ganito ang panahon." Narinig kong sabi ni mang driver



"Oo nga ho eh.." sabi ko nalang.



"Malamig sa labas hija. Mas mainam sana kung may makapal kang jacket. "



"Di naman po malamig." di naman ako giniginaw saka parang normal lang naman ang temperatura ah. Yung kamay ko lang medyo malamig.



"Nasanay ka na siguro kaya ganoon." Sabi pa nito.



"Siguro nga ho."



Narating ko na ang mall at nagsimulang maglibot mag isa. Nnng makaramdam na ako ng pagod ay umakyat nako sa last floor kung saan naroon ang sinehan. Bumili muna ako ng makakain bago pumasok. Ilang buwan rin ako naghintay sa movie na ito.



Pagkaupo ko sa assigned seat ko ay bigla nalang akong kinabahan. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kaya lumabas na muna ako para tawagan sina mama at papa.



Nasa labas na ako sa may entrance ng sinehan nang may parang tumatawag sakin.



"Ate.. ate.. naiwan niyo po sa loob." Pagtingin ko ay may isang batang babae na nasa anim o pitong taon na ang tumatakbo papalapit sakin hawak ang isang supot laman ang binili kong pagkain kanina.



Napangiti ako.



"Ate, naiwan niyo po oh." Abot nito sakin.



Lumebel ako sa kanya saka nagpasalamat. Pagkatanggap ko sa supot ay bigla bigla nalang bumigay ang simentong kinatatayuan ng batang babae. Hindi ko alam kung bakit pero mabilis na hinawakan ko ang braso nito at hinila papalapit sakin. Natumba kaming dalawa at kasunod na nakita ko ay ang malaking board sa gilid namin ay matutumba sa direksyon namin kaya niyakap ko ang batang babae at tumalikod upang hindi ito masaktan. Naramdaman kong may bumaksak sa ulo ko kaya parang nahilo ako. Rinig na rinig ko pa ang iyak ng batang babae habang nakayakap sakin hanggang sa unti unti itong nawawala habang tumatagal.



Hindi ko alam kung ilang oras na ang nag daan pero nagising nalang ako sa hikbi ng batang yakap ako.



Nakahiga parin kami. Tumingin ako sa may ulonan ko at laking pasalamat at may nakita akong liwanag.



"Bata.. anong pangalan mo?" Mahinahong tanong ko." Ramdam ko parin ang mabigat na bagay sa katawan ko. Buti nalang at may parang nakaharang na bagay sa dulo kaya di kami ganoon natabunan nitong malaking bagay sa likod ko.

Light from HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon