Chapter Two
"Ma alis na ako." Paalam ko kay mama saka lumabas ng bahay.
Tumingala ako't tiningnan ang nagsusungit na panahon. Hawak ng kaliwang kamay ko ang payong at sa kanang kamay ko naman ay ang scarf na ginawa ko nung summer na yari ng yarn lang. Natutunan ko yun sa youtube, madali lang naman gawin para sa mga beginners kasi may tutorials naman.
Puting panloob at itim na jacket ang suot pang ibabaw ko at maong jeans at converse na sapatos ang pang ibaba ko. Malamig na nga ang simoy ng hangin at parang uulan na ano mang oras kaya sumakay ako sa bike ko at inilagay ko ang payong sa harap ng bike at ipinulopot sa leeg ko ang scarf at umalis na.
Pagkalabas ko ng White Subdivision ay huminto muna ako sa isang coffee shop. Madalas ako dito pag maaga kaming pinapauwi at sa mga spare time ko.
"Good morning Ma'am Chan." Bati sakin ni Gino ang barista ng coffee shop na yun.
"Good morning din Gino." Ngumiti ako. Working student si Gino sa isang school sa lugar namin. Part time job niya iyon sa vacant niya tuwing umaga at isa naman siyang waiter sa isang kilalang restaurant pag gabi.
Nasa Junior year na ito samantalang sophomore year pa lamang ako. Mabait naman si Gino, palangiti at palabiro rin minsan. Nakukyutan ako pag ngumingiti ito at kita ang dalawang dimples niya.
"The usual po Ma'am Chan?" Gino
"The usual." sagot ko.
"Bagay sa iyo ang scarf mo Ma'am Chan."
See? Diba sabi ko palabiro itong si Gino minsan.
"Bagay rin sayo yang relo mo." Sabi ko naman nang mapansin kong bago ang relo niya.
"Second hand lang yan Ma'am. San mo nabili yang scarf mo Ma'am Chan?" Tanong nito.
"Akong gumawa nito."
Nanlaki naman ang mga mata niya na parang di makapaniwala kaya inirapan ko ito. Anong akala niya? Wala akong kayang gawin malibansa pagbasa at pag inom ng kape? Well marunong rin akong magpinta no.
"Magpapagawa ako sa susunod Ma'am Chan kung pwede." Biro pa nito saka inabot sakin ang kape.
"Next time nalang." Natatawa kong sabi at nagbayad na ako.
"Have a nice day Ma'am Chan." Gino
"Have a nice day too." At tuluyan na akong lumabas. Inilagay ko nalang ang bag ko sa basket sa harap ng bike kasama ang payong at nagsimulang maglakad. Hindi rin naman kasi ganun kalayo ang school namin mula dito sa coffee shop.
Sa pangatlong block ay may bookstore kaya huminto ulit ako para timingin sa mga librong naka display sa may bintana.
Gusto ko bumili kaso may pinag iipunan kasi ako. Bibili ako ng mga painting materials pati canvas. Sa susunod nalang siguro.
I even prayed na sana di muna ma ubos yung libro ni Kiara Cass na The Selection, The Elite at yung The One. Matagal ko na talagang pinangarap na makabili ng sarili kong libro.
Bumuntong hininga ako saka inalis ang tingin sa glass window at nagsimulang maglakad paalis.
Huminto ako dahil naka stop pa ang sign. Tiningnan ko ang relo ko. May 30 minutes pa ako. Di pa naman siguro ako malalate.
Nag mag go ang signal ay saka lang ako tumawid. Marami rami na rin ang mga tao sa daan. Nagulat ako nang may bumangga sa likod ko at natapon ang kape sa kamay ko.
Nagtatakbo yung lalake. Napailing lang ako at tiningnan ang natapong kape sa kmay ko.
Weird. Bakit di ako napapaso? Alam kong mainit yung kape pero bakit di ako napaso?
Buti nakatawid na ako nang mangyare yun.
"Are you ok?"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat nang may humawak sa kamay ko at binalot iyon ng panyo.
Set? Anong ginagawa niya dito?
"Im f-fine." Binawi ko ang kamay ko at nag iwas ng tingin.
"Are you sure? Namumula na yang kamay mo."
Namumula lang yan. Di naman ako napaso.
Huh? Pwede ba yun? Bakit mamumula yung kamay ko kung di yun napaso?
"Y-yeah.. di naman ganoon yun kainit eh."
"Ipagamot mo pa rin yan sa clinic sa school." At umalis na ito.
Yung panyo mo oy naiwan!
Pero di nga kasi ako napaso. Ano ba talaga? nasayang tuloy yung kape ko. Pinulot ko nalang yung cup ng kape at itinapon iyon sa trashcan malapit lang sakin at nagsimulang maglakad baka ma late pa ako.
-----
"First degree burn blah blah blah.." sabi nung nurse habang nilalagyan ng bandage ang kamay ko.
"Bilhin mo nalang yung gamot na niriseta ni doc." Nurse.
Tumango lang ako. Sabi pa nung nurse buti daw at first degree lang ang natamo ng kamay ko dahil kung hindi kawawa daw ang kamay ko.
Buti nalang, baka di na ako makapag pinta niyan. Pero di nga kasi masakit, wala akong naramdamang sakit o hapdi nang mapaso ako. Hindi ko nalang sinabi sa doktor baka ano lang idagdag niya sa resita niya.
Tumayo akot nagpasalamat sa nurse na nagamot sa kamay ko. Paglabas ko ay sakto namang dumaan sa labas ng clinic ang grupo nina Set at Benus. Nakaakbay si Set sa girlfriend niya at dumaan na para bang hindi niya ako nakita.
Tumungo ako't tiningnan ang panyong binalot ni Set sa kamay ko kanina.
'Facebookzone' nagmamagandang loob lang yung tao Chan. Wag kang assuming.
BINABASA MO ANG
Light from HEAVEN
General FictionGod gave miracles to those who believe, courage to those with faith, hope to those who dream and love to those who accept. (c) unknown