Chapter Six

3 0 0
                                    

Chapter Six






"Anak, kung may nararamdaman kang masakit o ano tawagan mo agad ako o ang papa mo ha. May load na yang phone mo. Ipapasundo kita sa papa mo pag uwi--"



"Ma, ok lang po ako. Wala akong nararamdamang masakit o kakaiba at promise tatawag na ako saka ako na uuwi mag isa. Alagaan mo nalang si papa dito." Putol ko sa sinasabi ni mama sabay sulyap kay papa.



"Ikaw talagang bata ka.. ipapasundo talaga kita sa papa mo o ako na susundo sayo."



"Alis na ako ma, pa. Tatawag ako mamaya. Ingatan niyo ang isat isa ha." Mabilis akong nakasakay sa bike ko at nakaalis.



Pansamantalang mananatili si papa dito. Sana wag nalang umalis si papa para happy family na kami.



Huminto ako sa coffee shop. Parang isang buwan akong hindi nakabalik sa coffee shop na iyon.



Pagpasok ko ay bumungad sakin ang isang poster malapit sa counter na may larawan ko at may nakasulat na 'A young hero' kaya mabilis na naisuot ko ang hood sabay tungo. Pumila ako at nag antay sa turn ko.



"The usual please." Mahina kong order kay Gino.



"Woah--" napahinto ito nang pinanlakihan ko siya ng mata at itinapat sa bibig ko ang hintuturo ko.



Tumango tango lang ito at ngumiti. Lihim akong ngumiti nang masilayan ko nanaman ang malalalim nitong dimples.



"Hindi na ako nakadalaw sayo kasi maraming media ang nakaabang sa labas ng room mo at sa labas rin ng hospital." Sabi nito habang ginagawan na ako ng kape.



"Ok lang. Di nga ako pinayagan na ma discharge after na magising ako dahil emomonitor pa nila ang katawan ko."



"I heard. Maraming nagsasabi na isa kang himala o milagro." Tinakpan na neto ang cup ng kape ko sabay bigay sakin. "Pinagdasal kita nang malaman ko ang nangyare. Nag alala ako ng sobra nang makita kong ikaw ang laman ng balita." Dugtong pa neto. Seryoso ang mukha nito.



Hindi agad ako makapag salita. Na touch ako sa sinabe ni Gino. Hindi ko kasi aakalain na mag aaalala sa isang tulad ko.



Tinanggal ko ang scarf sa leeg ko at ibinigay sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at ginawa iyon. Nakita kong gulat siya sa ginawa ko. Maging ako rin ay gulat rin sa ginawa ko.



"Your prayers helped me Gino. Thank you."



Nang mapansinnitong dudukotin ko na ang wallet ko ay pinigilan niya ako.



"This one's on me. Hindi ko matatanggap ito Chan. Iyon lang talaga ang nagawa ko, nothing more."



"At kung hindi dahil dun, hindi ako magigising. Your prayer's more than enough. So please tanggapin mo na yan." Tukoy ko sa scarf. "Sige, salamat dito at sa prayers mo." At tumalikod na ako at lumabas na ng tuliyan sa coffee shop na iyon.



Gaya ng dati ay naglakad nalang ako habang hawak ang bike ko.



Nang marating ko na ang school ay iniwan ko ang bike ko sa gilid ng waiting shed. May lock naman yun at may guard ring nagbabantay kaya panatag ang loob kong iwan ang bike ko doon.



Nakataas pa rin ang hood ko habang naglalakad nang may kumalabit sakin. Huminto ako at nilingon yung taong iyon.



"Hi there 'young hero' welcome back!" Ang lapad ng ngiti ni Cris sakin.



Isang pilit na hindi ko alam ang ngiting binigay ko sa kanya.



"T-thanks?"



"And by the way isasauli ko na ang hiniram kong libro.--" huminto at napalabi ito na parang may sasabihin pa. "Actually I intentionally borrowed your book kasi nakita kong may drawing ka dun saka gusto ko ring sabihin na ang ganda nung drawing mo and I gusto kong humingi ng permission na e publish iyon under under the school's publication and now I'm hoping you'd say yes."



Hindi ako nakapagsalita siguro dahil hindi ako sanay na kausap si Cris o di lang talaga ako sanay makipag kausap sa ibang tao maliban lang sa mga taong malalapit sakin o kakilala ko talaga.



Instead na sumagot ako ay isang tango lang ang ginawa ko.



Napa 'yes' ito sa tuwa at biglang binaba ang hood ko saka pinalitan ng cap. Napalunok ako nang wala sa oras nang hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.



Nanibago ako sa nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko naman kasi inaasahang gagawin niya iyon kaya tinanggal ko ang kamay niya. Nailang kasi ako sa ginawa niya.



Napansin naman nito na nailang ako kaya nag sorry ito sakin.



"Thank you Channing." Ngiting pasalamat nito sakin at nag pat sa ulo ko at nag paalam na. "I'll see you around." Dugtong nito at patakbong umalis.



Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Para akong nahihirapang huminga. Side effect siguro sa mga gamot na ininom ko.



Buong araw na occupied ang isip ko sa nangyare kaninang umaga. Nataranta nga ako ng maalala kong classmate kami ni Cris sa isang subject at katabi ko pa ito. Panay ang kwento nito pero di ako mapakali dahil bumibilis ulit ang pintig ng puso ko. Ayaw pa rin itong paawat kahit nasa kalagitnaan kami ng klase kaya di ko nalang pinansin.



Nang matapos na ang klase ay sumabay ito sakin palabas ng room.



"We're hoping to see you next week. They're expecting you to come." At tumalikod na ito at umalis.



Natigilan ako. Hoping to see me daw? They're expecting me to come? Hala! May sinabi siyang ganun kanina?



Napapikit ako dahil sa frustration at napakat ako sa pang ibaba kong labi.



"Damn it!" napamura ako nang malasahan ko ang sarili kong dugo. Nasugatan ang labi ko nang hindi ko napapansin. Eh wala naman kasi akong naramdaman na sakit o kirot.



Dinukot ko ang phone sa bulsa ko at tumawag kay mama at magpapasundo ako kay papa. I didn't feel alright I don't feel like everything's right... anymore.

Light from HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon