Hay nako may pag asa ba ako
Sabihin mo akoy maghihintay sayo
Hay nako may pag asa ba ako
Sabihin mo sakin kung trip mo rin ako
Trip mo ba ako?
Woohh. . . Woohh. . .Hay nako may pag asa ba ako
Hay nako may pag asa ba ako
Sabihin mo sakin kung trip mo rin ako
Hay nako. . . Woohh. . .She: Hoy kuya kong pogi yan na naman kinakanta mo hindi kapa ba nag sasawa jan kuya lagi nalang yan ginigitara mo at kinakanta panget naman boses mo.hahaha
Me: Hoy ka din kapatid kong maganda panira ka ng moment e nakikita mo na nag momoment ako sinira mo saka ikaw nalang nakikinig mareklamo kapa.
She: Huwag mo kase idaan sa kanta kuya hindi mo mapapasagot si ate faith kung mag kakanta ka lang jan at hindi mo aaminin na gusto mo sya.
Me: wala ako gusto kay faith ah saka umalis ka nga dito panira ka ng moment e.
Pinaalis ko kapatid kong makulit na madaldal pa close kame ng kaptid ko kahit ganon kame minsan nag aasaran lambingan na rin kase namin yun. Si princess ang kapatid ko prinsesa daw kase namin sya dalawa lang kame magkapatid 15 years old na kapatid ko at ako naman 21 medyo malayo ang agwat ng idad namin kase ilang taon din kase nasa dubai si papa.
Ako nga pala si James Maglonzo kakagraduate ko lang sa kursong HRM sa isang Universidad sa bulacan. Ngayon nagtatrabaho na ako sa isang restaurent dito rin sa bulacan.
Si Faith Chua naman na sinasabi ng madaldal kong kapatid sya yung kababata ko na, oo gusto ko sya actually girlfriend ko sya ang kaso nga lang hindi nya alam haha. High school palang kame crush ko na sya at nang mag college kame minahal ko na sya yun nga lang hindi ko masabi sakanya mahirap kase umamin maaari kasing masira ang pagkakaibigan namin pag niligawan ko sya at hindi nya ako sinagot.
Natatakot ako sa posibilidad na masira ang pagkakaibigan namin elementary palang kame mag kaklase na kame ni faith ng nag high school kame mag kaklase parin kame araw araw nga sa school kame mag kasama e tapos pag uwi pupuntahan ko agad sya sakanila minsan doon pa ako gagawa ng homework at doon din ako nagrereview kaya kadalasan doon narin ako kumakaen.
Napaka close namin ni Faith sya yung forever best friend ko sabi nga nya minsan sakin. Nang sinabi ni faith na sya ang forever best friend ko nalungkot ako kase gusto ko higit pa roon ang gusto ko sana sya na ang forever ko.
Nang nag college kame ni faith hindi na nagtaka ang parents namin na parehas kameng kinuhang kurso parehas kame nakapag tapos sa kursong HRM at pangarap rin namin na magtayo ng sarili namin restaurant. Natawa nga ako ng pinag usapan namin ang pangalan ng restaurant namin gusto raw nya kase ipangalan sa restaurant ay Forever RESTaurant oh diba pati restaurant forever.
Pero ngayon habang wala pa kameng capital ni faith para sa forever restaurant namin trabaho muna kame at mag iipon muna kame. Mag kaiba ang pinagtatrabahuan namin ni faith sya kase sa hotel sya nagtatrabaho at ako naman sa restaurant.
Nang dahil rin sa kanya kanya naming trabaho ni faith nging bihira nalang ang pag kikita namin lagi kase syang pagod pero ako kahit pagod dinadalaw ko parin sya nawawala kase pagod ko kapag nakikita ko sya. Kung minsan kumakaen kame sa labas syempre feeling ko nun nag dadate kame ni faith.
Kapag nagkikita kame madalas sya nag sasabi sakin ng secret pati nga sa mga manliligaw nya saka sa crush nya na boss nya ang gwapo raw kase, pati sa kung sino ang binasted nya saka sya tatawa ng malakas ako naman makikitawa na rin.
Madalas rin ako nag sasabi ng secret sakanya maliban lang sa isa na mahal ko sya, yun yung isang bagay na hindi ko masabi sakanya. Wala pa ako naging girl friend kase sya yung gusto kong maging una at huling girl friend sya lang kase talaga ang minahal ko at mamahalin ko pa kahit hindi nya malaman.
BINABASA MO ANG
Loving You without NO Reason
RomanceSabi nila pag nagmahal ka dapat mahalin mo sya ng walang dahilan, mahalin mo sya kung sino at kung ano sya, Sabi rin nila na ang pag ibig ay bigla bigla nalang daw dumarating at hindi natin alam kung kelan at kung paano ito darating. Sa buhay ng tao...