Chapter 5

267 7 1
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bkit hindi sumasagot sa text ko si Faith , kung bakit maghapon hindi sya nagpaparamdam sakin. Ano kayang ginagawa nya?

Hindi ko talaga matiis na hindi ko makausap si faith kaya tinawagan ko sya at swerte sawakas sumagot din sya.

Me: hello, kamusta best?

she: ok lang naman, bakit pala napatawag ka gabi na ah?

Me: ah wala naman kinakamusta lang kita hindi ka kase nagrereply sa text ko e kaya nag alala ako, alam mo na bestfriend kita e.
She: sorry!! busy lang ako kanina saka kanina din kase kasama ko si christian e kaya hindi na kita mareplyan.

Me: Ok! cge tulog kana, good night.

saka ko na binaba ang telepono, tama nga ang hinala ko busy nga sya busy sya kay Christian.
Ang sakit pala ng pakiramdam na parang binalewala ka ng taong pinakamamahal mo.
Mula bata kame magkakilala na kame pero hindi ko talaga lubos na akalain na ganon lang nya ako kung balewain. Alam ko na mahal nya si Christian pero sana man lang nagreply sya okaya nagsabi man lang.haaaay

Bakit kung sino pa ang syang marunong magmahal ay syang madalas na iwan sa hindi

malamang dahilan, sayang lang
ang pagmamahal na inalay ko sayo bakit ngayon ikaw ay biglang naglaho.

She: Hello ate cess ano kase e si kuya lasing na laseng ngayon pwede ba punta ka dito hindi ko mapigil e nagwawala broken hearted yata e.

Me: Hoy sinon laseng? saka sino yang kinakausap mo si cess ba?

She: Oo kuya sinabi ko kay ate na punthan ka kase lasing ka saka broken hearted hahaha.

Me: Hoy hindi ako laseng nagkakanta lang ako, tawagan mo sya ulit sabihin mo wag na syang pumunta kase hindi naman ako laseng broken hearted lang.

She: Pasensya na kuya akala ko laseng ka e, Kuya umiyak ka?

Me: Hindi ah bakit ako iiyak?

She: para kaseng may tumutulong luha sa mata mo e.hahahaha saka kuya joke lang hindi ko naman tinawagan si ate cess, hahahaha
Over ka kung makareact kuya.hahaha.

Me: Ikaw talaga dito nga babatukan kita,

Saka na tumakbo ang kapatid ko lakas pa makatawa, nakakaasar lage nalabg nya ako inaasar.
Pero hindi ko namalayan naiyak nga pala ako habang nagkakanta ako mabuti nalang nakalusot ako sa kapatid ko kubg hindi aasarin n naman nya ako.

Medyo nilamig na ako kaya nagpunta na ako sa kwarto ko para matulog.
Ilang oras din akong nakahiga pero hindi parin ko dinadalaw ng antok. Nababadtrip ako kase iniisip ko kung ano ba ang ginawa nila faith at christian sa maghapon at natiis akong wag kamustahin ni faith.

Asar na asar ako sa sobrang selos, feeling ko sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Ganon pala talaga kahirap ang mainlove sa bestfriend mo, at ganon pala talaga kahirap ang maging torpe yung tipo na ilang taon mo syang nakasama pero hindi mo parin magawang aminin na mahal mo sya.

Sa sobrang pag iisip siguro mga 2:00am na ako nakatulog kaya pag gising ko ng umaga medyo inaantok pa ako.

Loving You without NO ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon