Pinauna ko ng umuwi ang kapatid ko sabi ko magbabayad muna ako ng bill sa hospital.
Pagkadating ko sa cashier bayad na raw ang lahat ng bill ko dito at hindi nila alam kung ano ang pangalan ng nagbayad para sakin pero isang magandang babae raw at ayaw nyang sabihin ang pangalan nya, sayang sabi ko kung hindi sana malalaman ko na ang pangalan nya.Uuwi na sana ako pero may nakita ako na parang isang pamilyar na mukha si faith nasa hospital rin, lalapitan ko na sana sya kaya lang nakita ko may kasama sya sa loob baka si christian yun kaya hindi na ako lumapit at umuwi nalang ako ng bahay at nagpahinga.
Ang sakit ng buong katawan ko at puro pa ako pasa kaya konting galaw lang nasasaktan ako hirap pala nang nbaubugbog.
Nagmuni-muni muna ako at naisip ko kung bakit ko nga ba sinundan yung babae na yun saka nalang ako natawa sa sarili ko.She: Kuya nahampas ba nag ulo mo sa sahig bakit parang nababaliw ka jan tumatawa ka mag isa?
Me: Ah wala may naisip lang ako.
She: Sige kuya tulog na ako akala ko nababaliw kana e ibabalik sana kita sa hospital. hahahaha
Naiwan ako mag isa sa sala napaisip na naman ako kung bakit nasa hospital din si faith,
buntis na kaya sya at nagpacheck up sya tapos kasama nya pa si christian, pero hindi naman siguro kase ang bilia naman nila makabuo kung ganon, wag naman sana.Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan kong tungkol sa nakita ko kanina at sa kakaisip nakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan,
6:00am na ako nagising at nagulat ako sa kapatid ko nagluluto na ng almusal namin,
Me: Oh ano nakaen mo at nagluto ka?
She: kawawa ka naman kase kuya e panget ka na nga lalo kapa pumanget sa pagkakabugbog mo kaya pinagluto kita. hahaha
Me: dapat masarap yan ah.
She: Aye sir!!!
Nang matapos magluto ang kapatid ko naghain na rin sya at talaga ayaw paawat at sya pa rin ang naghugas ng pinagkainan namin.
Me: Nilalagnat kaba cess?
She? Kuya naman e!!!
Me: Joke lang..
She: Pero kuya alam mo ng may nagtext sakin na nasa hospital ka raw natakot ako akala ko iiwan mo na ako, akala ko hindi na kita makakasama pa.
Tapos bigla syang umiyak at yumakap sakin,
Me: Alam mo cess kahit napakakulit at napakapasaway mo hinding hindi kita iiwan, tandaan mo yan.
She: Kuya!!!! huhuhuhu
Me: Tahana wag kanang umiyak nandito na naman ako e medyo nabawasan lang ang kapogian ko pero eto buhay pa ako. Tahan na panget kana nga lalo kapa papanget nyan.
She: kuya Pangako mo hindi mo na uulitin yun, Ipangako mo kuya na hindi mo ako iiwan.
Me: Oo pangako! at kahit mag asawa na ako hindi pa rin kita iiwan.
She: As if naman kuya mag kakaasawa ka e katorpe mo, hindi ka nga sanay manligaw e.
Me: Alam mo kase kapatid ang mga poging katulad ko hindi ako ang dapat na nanliligaw ang mga babae dapat kase luge naman ako kung ako pa manliligaw diba.
She: Ang kapal mo kuya asa ka na may manliligaw sayo, eto salamin kuya oh magsalamin ka,
wait pala timpla narin kita ng kape para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo. hahahahaSabay takbo sa kanyang kwarto.
Me: Hoy akala ko ba pagtitimpla mo ako ng kape??
She: Mahiya ka naman kuya ako na nga nagluto at naghugas ng plato e, kaya magtimpla ka ng kape mo, timpla mo na rin pala ako makabawi ka man lang.
Nagpunta na ako sa kusina at nagtimpla na ako ng kape namin, kahit kagagaling lan kumaen mas masarap parin nag kape sa umaga.
BINABASA MO ANG
Loving You without NO Reason
RomanceSabi nila pag nagmahal ka dapat mahalin mo sya ng walang dahilan, mahalin mo sya kung sino at kung ano sya, Sabi rin nila na ang pag ibig ay bigla bigla nalang daw dumarating at hindi natin alam kung kelan at kung paano ito darating. Sa buhay ng tao...