Dalawang araw makalipas sabihin ni faith ang tungkol sa boss nya na gusto manligaw sakanya. Nang dahil doon napaisip tlaga ako what if ligawan ko na si faith papayag kaya sya na ligawan ko o baka hindi at iwasan nya lang ako at masira pag kakaibigan namin.
Cess: Kuya ang lalim ng iniisip mo?
Me: hindi naman.
Cess: kuya day off mo? Diba day off rin ni ate cess?
Me: oo nga no.
Naalala ko restday nga rin pala ni faith ako kase nag restday lang ako ngayon. Tinawagan ko si faith at niyaya ko sya mag lunch sa labas pumayag naman sya lage naman kase kame kumakaen sa labas.
11:50am ng sinundo ko sya sakanila at nagpunta na kame sa paborito namin restaurant green garden restaurant masarap kumaen sa green garden kase mga sariwang gulay at karne ang inahahin nila syempre niluluto nila bago ihain. Sarap na pagkaen dito maganda pa paligin kase napapalibutan ng bermuda grass ang paligid at may palaisdaan pa parang resort ang dating sakto para sa date ang green garden.
Kwentuhan kame ni faith habang kumakaen, syempre pinaguusapan na naman namin ang tungkol kay Christian na boss nya. Nag seselos ako habang nag kkwento sya pero hindi ko pinapahalata.
Masakit para sakin na wala ako magawa, hindi ko masabi sakanya na mahal ko rin sya mahirap talaga mainlove sa best friend mo.
Me: faith may pag asa ba boss mo sa panliligaw nya?
Faith: oo naman meron, balak ko na nga sya sagutin e, pero syempre papaalam ko muna din sayo bago ko sya sagutin best friend forever tayo e, diba?
Me: ahhh oo best friend forever tayo.
Ikaw na magbayad sa mga kinaen natin. best friend forever naman tayo e.hahahaFaith: hoy ang daya mo ah bakit ako ang mag babayad? Ikaw dapat kase ikaw ang lalake saka ikaw ang nag-yaya na kumaen tayo sa labas.
Me: joke lang ako bahala mag bayad nyan.
Binayaran ko na ang bill namin saka na kame umalis ng restaurant. Nagpunta muna kame sa park ni faith habang nasa park kame.
Me: faith what if ligawan kita?(na may kasamang tawa)
Faith: hahaha pano ka manliligaw e TORPE ka at saka hindi tayo talo bestfriend forever nga tayo diba?
Me: maka-TORPE ka naman wagas, joke lang yun.
Tawa ng tawa si faith nang nagring ang cp nya tumatawag raw si christian. Narinig ko sinasabi ni faith iniinvite yata sya mag dinner ng boss nya.
Me: sino yun boss mo?
Faith: oo sunduin daw nya aq mamaya mag didinner daw kame e, tara uwi na tayo para makapag pahinga muna aq.
Umuwi na kame ni faith at inatid ko na sya sakanila at umuwi na ako sa bahay.
Cess: hoy kuya kamusta date nyo ni ate faith?
Me: mag tigil ka nga hindi date un.
Cess: hahahaha, wala ka parin ginawa no kuya hindi ka parin umamin katorpe mo talaga kuya.
Me: manahimik kana nga jan.
Pumasok na ako sa kwarto ko at tinignan ko ang oras 5:30 pm na rin pala at susunduin si faith ng 7pm. Baka ngayon na sagutin ni faith ang boss nya badtrip kase pwede sa company nila ang office romance kaya kahit maging sila ok lang sa company nila. Sa kakaisip ko bigla ako napaidlip ng hindi ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
Loving You without NO Reason
RomantikSabi nila pag nagmahal ka dapat mahalin mo sya ng walang dahilan, mahalin mo sya kung sino at kung ano sya, Sabi rin nila na ang pag ibig ay bigla bigla nalang daw dumarating at hindi natin alam kung kelan at kung paano ito darating. Sa buhay ng tao...