Bangtan on Multi Media
Kevin's POV
Sobrang ganda ng boses ni Jinson ang taas ng boses nya at feeling ko pinakamagaling sya pag nag ffalsetto sya, mas lalong dumagdag sa pogi points nya haha
Syempre habang kumakanta sya, sumabay na rin yung iba kong ka grupo ang lider naming si Joon kahit solid rapper sya may ibubuga naman sya sa pagkanta.
Para kaming mga normal na teenager lang sa nangyayari ngayon sa loob ng van namin di namin pinansin masyado ang mga camerang nakatutok sa muka namin ang alam namin nagsasaya kami.
Pagdating namin ng Dorm isa isa na naming inayos ang gamit namin, kagabi kasi sa sala lang kami natulog lahat haha trip lang namen since first night palang naman iyon.
"So,kaylangan na nating paghatihatian ang kwarto. 2 rooms lang dito kaya malamang 3 and 4 sa bawat kwarto" paliwanag ng lider na si Jun
"Sige!kami nalang nila Gane at Jayrelle sa isang kwarto" sabi ni Jin yung sabi kong mukang babae
"Hep! Ano yun? Apat kami sa kabila? Wala maduga!" sabi naman ni Vrylle
"Oo nga! Dapat pagkasunduan talaga to ng maayos hindi yung kayo lang ang magdidisisyon,tama ba lider?" sabi ni Jinson kay Joon
"Tama si Jinson"sabi naman ni Lider Joon
Bigla namang sumingit yung PD(producer director)nim ng reality show. Sabi ko nga sainyo diba? Hanggang dorm sila pati mga cameraman nandito din.
May iniabot sya saaming pulang sobre,kaya tinignan namin agad at binasa sa harap ng camera. Sa tingin ko parte na ito ng entertainment para sa reality show namin." Lets Play A Game: Rock Paper Scissors Smash" binasa ni Lider Joon
"Simpleng Batobatopik lang ang larong ito pero sa tuwing mananalo ang isang player kaylangan nyang kuhain ang toy axe sa mesa para hampasin ang natalo pero ang natalo naman ay kaylangang kuhain ang shield para protektahan ang ulo. Isang puntos para makakapalo sa ulo ng walang shield. At dahil pito kayo, ang pinaka bata ay bubunot ng makakalaban nyang team" pagpatuloy nyang mag basa.Nag ready naman agad ng materials ang production at agad naming sinimulan ang game.
Dahil ako ang pinakabata sakanila kaya ako ang pinabunot ng mga makakalaban na team kung sino ang manalo sakanila ay makakalaban ko.Unang naglaro sila Joon at Jin first to get 3 points ang laro para silang mga batang tawa ng tawa pag may na sasapok sa ulo pero si lider joon ang bilis mapulot agad ng shield kaya bali wala ang pagkapanalo ni Jin sa batobatopik ang ending si Joon ang nanalo.
Next ay sila Jinson at Vrylle si Jinson ang nanalo dahil sa pagka eng eng ni Vrylle mas inuuna pa ang halak hak
"Oyy ang duga nito oh!!Sap--" di natuloy ni Vrylle ang sasabihing sapakin dahil naisip nyang may mga Camera haha eng eng talaga nito haha.
Next ay kami na...
Me
/ \
Jayrelle Vs GaneNaglaban sila Jayrelle at Gane ang ending si Jayrelle ang nanalo. May pagkatuso ito at nangaasar pa haha. Laptrip talaga.
Dahil si Jayrelle ang nanalo,ako na ang kumalaban sa kanya. Nang una okay ako pero habang matagal ang sakit pala sa ulo.parehas kaming naka 2 na isa nalang at AYYUUUUUNN!! Ako ang nanalo! Hehe
"Ang galing mo kuya Jayrelle!" sabi ko.
"Kuya? Haha nagmumuka naman akong matanda, Jayrelle nalang!" sabi nya sabay Armlock sa leeg ko at gulo ng buhok ko.So ayun na nga kaming tatlo nila Lider Joon at Jinson sa Kwarto na pang tatluhan. Wala naman nang kaso sa iba pang myembro dahil nga naglaro na kami para Fair. At syempre to give satisfactions narin sa mga viewers ng reality show na to. Sana nga merong viewers haha hindi pa naman kami kasi masyadong sikat kumbaga malaking investment talaga ng company ang masasayang kung hundi bumenta ito.
Pag pasok namin sa kwarto nagulat kami dahil hanggang dito may Camera, pero isa lang, at isang angle lang ang nakukuhaan at hindi kasama ang angle kung saan nandoon ang mga kama.
"Jinson at Kevin, paano to? Isang single bed at isang pangdalawahan, wag nyong sabihing hanggang dito magbabatobatopik pa tayo?" sabi ni Lider Joon
Natawa naman kaming dalawa sa sinabi nya "Lider! Kami nalang ni Kevin dito sa pangdalawahan tutal lider ka naman ehh wala kaming magagawa haha, okay lang naman sayo yon diba Kevin?"
"Oo naman! Kaso Jinson baka mainlove ka sakin dahil ako na ang magiging katabi mo gabi gabi haha" biro ko pero nag senyas ang dalawa na wag maingay dahil nga naka lapel pa ako. Di naman makikita ang senyas nila sa Camera sa loob ng kwarto, kaya napasorry nalang din ako gamit ang bibig, okay...pahiya ako dun ah.
Habang nag aayos sila ng gamit nila sa Cabinet, naisipan kong magpunta sa harap ng camera, may nakalagay kasi doong share your thoughts sa mismong ilalim ng camera. Nasa taas yon kaya tumungtong pa ako.
"Hi sa lahat!" sabi ko, at nag pacute muna sa camera, hinarap ko ang screen nito para makita ko ang itsura ko para ayusin ang buhok ko.
"Hi ulit!" sabay ngiti "uhm, ako po si Kevin Jeon lead vocalist ng Bangtan, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala dahil pangarap ko lang ito dati na ngayo'y onti onti ko nang makakamit. Sana suportahan nyo kami! Fighting! I love you all!" sabi ko sabay kiss sa camera
After naming magayos sa loob ng kwarto, pinaligo na kami ng staff, syempre due to our privacy all cam off muna, may sariling CR ang bawat room at ang CR designed na pangmaramihan kaya sabay sabay kaming naligong tatlo sa loob.
Wala kaming hiyaan kahit hubot hubat kami, parehas naman kaming mga straight dito ehh.
"Woah kevin ang laki nang atin ah??" biglang singit ni Jinson.
"Bakit gusto mo?" Pang ti tease ko sakanya haha
"Sira ulo! Haha tignan mo kay lider mas malaki!" biglang bulong naman nya, sira ulo to iba ang trip haha
"Lider oh! Pinagnanasaan ka ni Jinson!" sigaw ko na nasaloob pang cubicle na si Lider.
"Magsitahimik kayo dyan mga bakla haha!" patawang sabi nya dahil alam naman nyang walang malisya saamin.
"Ang saya, nagiging close na ako sainyo" sabi ko kay jinson habang nag sisipilyo kasabay sya sa sink
"Ganush tashlagash ksmas" di ko maintindihan dahil nakasalampak pa yung toothbrush sakanya
"Kung itry mo muna kayang idura yan? Haha" sabi ko
"Ganun talaga kaming tropa, madali kaming pakisamahan, actually sila Jin at Gane di sila kasama sa tropa pero nung inanounce saamin syempre ni try naming mapalapit sakanila
"So, matagal nyo kang alam ito?" sabi ko
"Oo, alam naming malapit nakaming mag debut na 7 members akala nga namin yung isa pang trainee ang isasali ehh pero naghanap pa pala sila ng iba" sabi nya.
"Ahh okay naman ba ako?" tanong ko sakanya
"Oo ang galing mo ngang kumanta kanina ehh bunso" sabi nya sabay gulo sa buhok ko
"Oo nga! At halata namang mabait ka!" biglang singit ni Lider Joon sa likod.
"Maraming salamat sainyo, at feeling ko welcome na welcome ako sainyo"
****************
BINABASA MO ANG
I NEED YOU (BXB BTS FANFIC)
FanfictionSa musika umiikot ang aking mundo, Pero dahil din dito'y umusbong ang relasyon namin, Hindi lang basta relasyon,relasyong hindi maganda sa mata ng iba, Relasyong syang nagpabago sa ikot ng mundo, Kaya ko bang ipagpalit ang kasikatan para sa bagong r...