CHAPTER 9: Kevin And Vrylle

172 8 15
                                    

Kevin's POV

Nagising ako ng nakayakap kay Jinson na tulog pa, gising na sila Leader at Gane pero busy sila sa pagaayos ng gamit.

Naramdaman kong gumalaw si Jinson kaya napatingin ako sakanya, mulat na ang mata nya pero dahil nga kakagising palang, maliit ang puwang sa mata nya habang kinukusot nya ito, nang makita nya ako, napangiti sya.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan? Tayo na!" sabi ko sabay tumayo na din ako at inabot nya ang kamay nya saken,inabot ko naman ito para tulungan syang makatayo.

Pag tapos naming maglinis ng katawan sa Cr ng agency,pinabalik muna kami sa dorm. Cam off muna dahil pag balik namin sa dorm,may iaanounce daw ang mga staff.

Sa Van, as ussual sa dulo ako umupo pero this time napagitnaan ako nila Jinson at Vrylle. si Vrylle sa left ko, at si Jinson naman sa right.

"Ohh? TH10? woah!" nakita ko si Vrylle na naglalaro ng COC sa phone nya.

"Haha yep! Ilang araw din ako di nakapag COC,nauubos na pera ko pambili ng gems para sa shield tsk tsk" sabi nya. Abay rich kid ang mokong haha.

"Ginagastosan mo talaga huh?" sabi ko.
"May COC ka din?" tanong nya tas tumingin sakin at ngumiti. Ang kanyang killer smile.

"Yep! Pero TH8 lang ako,pangit ng base ko" sabi ko.

Medyo nakaramdam naman ako ng likot sa bandang kanan ko,napatingin ako kay Jinson.

"Ano ba? Nasisikipan ako! Umusog ka nga!!!" sagaw nya saken, nagulat ako, di naman nya ako sinisigawan dati ahh --.--

"Ahh sorry" sabi ko sabay pinausog ko din ng onti si Vrylle. Ngiting loko ang gago(si Vrylle).

Pagkausog ko, bumalik ulit kami ni Vrylle sa usapan namin. Pero di na COC haha di naman ako ganung kaadik sa laro.

"Pano ka naging trainee?" tanong ko kay Vrylle. Pinatay nya yung phone nya at umayos ng upo.

"Hmm,parang street cast, athlete kase ako dati sa school, nanalo ako ng gold sa isang asian cup kaya may naglagay ng tarpauline ko sa labas ng school, nung nakita ako, ayun inalok ako na kung pwede bang mag audition,ehh may talent naman ako so why not haha" ngiti na naman nya.

"Ahhh! Gwapo mo kase ehh kaya pati sa tarpauline napaginteresan ka pa haha" biro ko. May bigla namang nangalabit sa kanang balikat ko, nakita ko ulit si Jinson

"Oy,Kevin! Bababa na akin na yung Mask ko!" sabi nya parang naiinis ang mokong. Ang wierd nito, kaninang bagong gising may pangiti ngiti pang nalalaman sakin tas ngayon ang sungit sungit!

Kinuha ko sa bag ko yung mask nya at tinapat sa muka nya.

"Oh ayan! Isungal ngal mo sa muka mo! Bwisit ka Jinson ahh! Wala akong ginagawa sayo! Sapakin kita dyan" nasabi ko nalang sa inis ko sakanya, wala naman talaga akong planong suntukin sya.

Buti nalang eksaktong tumigil na yung van kaya nagmadali akong bumaba. Wala narin namang nasabi ang ibang members kasi bumaba na ako, syempre magagalit dila,nagaway kami ni Jinson. Mayamaya habang papunta sa dorm, naramdaman ko nalang na may umakbay sakin, akala ko si Jinson, pagtigin ko si Vrylle pala.

"Ang sungit ni Bespren mo ahh? LQ kayo!?" sabi nya nang nakangisi.

"Gago!" sabi ko nalang. Badtrip. Buti nalang walang camera.

"Woah!sorry na haha. Badtrip ka rin pala, haha tara, alisin natin yan" kinuha nya yung kamay hinawakan nya yun na parang mag syota kami, yung holding hands talaga, bigla syang tumakbo papasok ng dorm.

Nagpunta kami sa Kitchen ng dorm at naglabas ya ng mga gulay at karne.

"Magluluto tayo?" tanong ko.
"Makakain mo ba ng hilaw yan?" tanong nya rin kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin.

I NEED YOU (BXB BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon